Skip Navigation  

Mga Serbisyong Pagsasalin

Maaaring humingi ang mga magulang/tagapangalaga ng mga libreng serbisyong indibiduwal na pagsasalin o interpretasyon sa lugar ng kanilang paaralan at/o sa departamento ng Distrito sa pagsagot sa sumusunod na mga pormularyong Kahilingan para sa Tulong sa Pangunahing Lengguwahe. Ang mga pormularyo ay maaaring kumpletuhin sa lengguwaheng iyong ginagamit sa bahay at ibalik ito sa pangunahing opisina ng iyong paaralan, Sentrong Opisina ng SFUSD (555 Franklin Street, first floor lobby) o Mga Suportang Serbisyo sa Estudyante (555 Portola Drive, Bungalow #1).

Kung mayroon kang reklamo tungkol sa mga serbisyong pagsasalin/interpretasyon, maaari mong kumpletuhin ang isang pormularyo ng reklamo sa lengguwaheng iyong ginagamit sa bahay at ibalik ito sa pangunahing opisina ng iyong paaralan, Sentrong Opisina ng SFUSD o Mga Suportang Serbisyo sa Estudyante.

Maaari mong i-download ang lahat ng mga pormularyo sa ibaba o kumuha ng mga kopya sa mga lugar ng paaralan, Sentrong Opisina ng SFUSD, o Mga Suportang Serbisyo sa Estudyante. Para sa karagdagang impormasyon o tulong, mag-iwan sana ng mensahe sa pagtawag sa 415-522-7343.

Form sa Paghingi ng Tulong sa Pangunahing Lengguwahe para sa mga Lugar ng Paaralan

Pormularyo ng Reklamo sa Mga Serbisyong Pagsasalin/Interpretasyon