Pangkalahating Impormasyon Tungkol sa mga Abiso
Iba pang Taunang Pag-aabiso sa Magulang/Tagapatnubay/Tagapag-alaga
Sa pagsisimula ng akademikong taon, nagkakaloob ang Distrito ng abiso sa mga magulang/tagapatnubay/taga-alaga ukol sa iba’t ibang karapatan at responsibilidad. Nakapaloob ang mga itinatakda ng mga abisong ito sa kabuuan ng Handbook at/o nakalista sa ibaba:
- Kasama ang mga patakaran sa pagdidisiplina sa mga estudyante sa tsapter 6 ng Handbook na ito. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35291)
- Puwedeng mapahintulutan ang mga estudyanteng hindi dumalo sa regular na oras ng klase para makatanggap ng pagtuturo ukol sa relihiyon o moralidad nang wala sa nasasakupan ng paaralan, kung magfa-file ang mga magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga sa paaralan ng nakasulat na kahilingan na makatanggap ang estudyante ng gayong instruksiyon. Kailangang pumasok ang estudyante sa pinakakaunti nang pinahihintulutang mga oras ng pagpasok sa klase (minimum school day), at walang pagliban para sa layuning ito ang dapat lumampas sa 4 araw kada buwan. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 46014 at Administratibong Regulasyon ng SFUSD 5113)
- Ipinagkakaloob ang depinisyon ng pinahihintulutang pagliban sa klase sa tsapter 4.1.4 ng Handbook na ito. (Administratibong Regulasyon ng SFUSD 5113; Kodigo sa Edukasyon ng CA 48205)
- Kuwalipikado ang mga estudyanteng may pansamantalang kapansanan (kasama na iyong pumapasok sa mga programa para sa pangkalahatan o espesyal na edukasyon), kung kaya't ginagawang imposible o hindi ipinapayo ang pagpasok sa paaralan, na makatanggap ng pang-indibidwal na pagtuturo mula sa pantahanan/ pang-ospital na guro para sa isang oras sa bawat araw ng pagpasok sa paaralan.
- Ituturing ang mga estudyanteng may pansamantalang kapansanan at nasa ospital o iba pang residensiyal na pangkalusugang pasilidad, bilang nakatugon na sa mga kinakailangan para sa paninirahan (residency requirement) upang makapasok sa eskuwelahan na nasa pampaaralang distrito na kinaroroonan ng ospital, at puwede silang makatanggap ng pang-indibidwal na pagtuturo mula sa pantahanan/pang-ospital na guro para sa isang oras sa bawat araw ng pagpasok sa paaralan. (CA Kodigo sa Edukasyon 48207). Responsibilidad ng magulang/tagapatnubay na abisuhan ang pampaaralang distrito ukol sa pananatili ng estudyant sa kuwalipikadong ospital. (SFUSD Polisiya ng Lupon 48208, CA Kodigo sa Edukasyon 48206.3)
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng abiso ukol sa pagkontrol na nakahahawang sakit at pagbabakuna sa mga estudyante sa tsapter 3.8.2. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 5141.31)
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng abiso ukol sa pagbibigay ng gamot sa estudyante sa tsapter 3.10.3. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 49423)
- Puwedeng mag-file ang mga magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga sa principal (punong-guro) ng nakasulat na kahilingan para sa eksempsiyon o hindi pagkakasali ng estudyante sa pisikal na eksaminasyon; gayon pa man; hindi isasama ang estudyante sa pagpasok sa klase kapag may magandang dahilan na:
- A. mayroong nakahahawang sakit ang estudyante; o
- B. may panganib na malantad ang hindi nabakunahang estudyante sa nakahahawang sakit. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 49451)
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng itinatakdang abiso ukol sa edukasyon na tungkol sa seksuwal na kalusugan, at ukol sa karapatan upang mapahintulutang huwag makasama ang bata sa gayong instruksiyon sa tsapter 4.4.2. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 51938)
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng iskedyul ng minimum o pinakakaunti nang pinahihintulutang mga araw at mga araw para sa pagpapaunlad ng mga kawani (staff development days) sa tsapter 1.7. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980(c))
- Napakahalaga sa tagumpay ng inyong anak ang pamumuhunan o investment para sa edukasyon sa kolehiyo o unibersidad sa hinaharap. Dapat isaalang-alang ng mga magulang ang naaangkop na mga opsiyon sa pamumuhunan o investment, kung saan posibleng makasama ang US savings bonds o K2C savings accounts, ngunit hindi nalilimitahan sa mga ito. May makukuhang iba pang impormasyon tungkol sa K2C accounts sa tsapter 3.3.8. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980(d))
- Ipinagkakaloob ng Handbook na ito ang polisiya ng SFUSD ukol sa seksuwal na pangha-harass kaugnay ng mga estudyante sa tsapter 7.6. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980(g))
- Nagkakaloob ang Gabay sa Pag-eenroll (Enrollment Guide) ng SFUSD ng buod ng kasalukuyang mga opsiyon sa pagpasok sa klase at pagpoprograma, at ng mga itinatakda sa paninirahan para sa pagpasok sa paaralan. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980(o))
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng paliwanag ukol sa karapatan sa make up work (pagkakaroon ng ibang trabaho kapalit ng hindi nagawang trabaho), matapos ang pinahihintulutang pagliban, sa tsapter 4.1.4.(Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980(j))
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng abiso ng makukuhang pondo mula sa estado upang masakop ang gastos sa eksameng AP, sa tsapter 4.2.13. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980(k))
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng mga kinakailangan para matanggap sa University of California and California State University, at ng websites ng mga ito sa tsapter 4.6. (Kodigo sa Edukasyon ng CA51229)
- Nagkakaloob ang Handbook na ito ng maiksing deskripsiyon ng career technical education o teknikal na edukasyon para sa mga karera sa kinabukasan (Career Academies o Mga Akademiya ng Teknikal na Edukasyon) at ng internet address para sa iba pang impormasyon, sa tsapter 4.5.1. Nagkakaloob din ito ng impormasyon kung paano posibleng makipagkita ang mga estudyante sa mga tagapayo (counselors) ng paaralan upang matulungan sila sa pagpili ng mga kurso na makatutugon sa mga kinakailangan para matanggap sa UC/CSU, o para makapag-enroll sa career education. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 51229)
- Nagkakaloob ang Libritong-Gabay o Handbook na ito ng abiso ukol sa mga rekord ng estudyante at mga karapatan sa pagiging pribado ng impormasyon na nasa tsapter 3.4.1 (Batas Tungkol sa mga Karapatang Pang-edukasyon ng Pamilya at sa Pagiging Pribado ng Impormasyon o Family Educational Rights and Privacy Act - FERPA)
- Programa para sa Pagkakaroon ng Condom (Condom Availability Program): Bilang bahagi ng komprehensibong programa upang maiwasan ang impeksiyong HIV (Human Immunodeficiency Virus), na siyang nagdudulot ng AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome), iba pang STI (Sexually Transmitted Infections o Impeksiyong Kumakalat sa Pamamagitan ng Pakikipagtalik), at pagbubuntis, makakukuha ang mga estudyante sa lahat ng middle school (panggitnang paaralan) at high school (mataas na paaralan) ng condom sa kani-kanilang paaralan, nang may makukuhang suporta at konsultasyon mula sa mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan, ayon sa higit na pagkakalarawan, sa tsapter 3.9.9.
- Buod ng kurikulum -- Makukuha ang buod ng kurikulum at mga akademikong pamantayan kapag hiniling ito upang marepaso sa bawat paaralan ng SFUSD. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 49063(k)
- Edukasyon sa Wikang Ingles -- Itinatakda ng batas ng estado na turuan ang lahat ng estudyante ng Ingles sa wikang Ingles. Gayon pa man, puwedeng iwaksi ng magulang ang itinatakdang ito kapag may nauna nang nakasulat at may impormasyong pahintulot o written informed consent, na ipagkakaloob taon-taon, sa ilalim ng nakatukoy na mga sitwasyon. Makipagkita sa principal ng inyong paaralan para sa iba pang impormasyon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 305, 310).
- Hind Ipinag-uutos na mga Programa para sa Paglahok ng Magulang/Estudyante -- Hindi puwedeng itakda ng mga paaralan na lumahok ang estudyante o pamilya ng estudyante sa: a) anumang pagtatasa, pagsusuri, ebalwasyon o pagsubaybay sa kalidad o karakter ng buhay ng estudyante sa bahay; b) pag-eeksamen o pagte-testing ng magulang; c) hindi akademikong programa sa pagpapayo o counseling program sa tahanan; d) pagsasanay ng magulang; o e) itinatakdang plano ng pamilya para sa pang-edukasyong serbisyo o family educational service plan. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 49091.18)
- Katarungan sa Pagkakapantay sa Kasarian o Sex Equity sa Pagpaplano ng Karera -- Abanteng aabisuhan ang mga magulang ukol sa pagpapayo sa karera at pagpili ng kurso na magsisimula sa pagpili ng kurso sa Grado 7, at nang maitaguyod ang katarungan sa pagkakapantay-pantay sa kasarian, at mapahintulutan ang mga magulang na lumahok sa mga sesyon sa pagpapayo at mga desisyon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 221.5(d))
- Karapatan na Hindi Sumali sa Nakapipinsalang Paggamit sa mga Hayop -- Puwedeng piliin ng estudyante na huwag sumali sa mga proyektong pang-edukasyon kung saan may kasamang nakapipinsala o nakasisirang paggamit sa mga hayop. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 32255-32255.6)
- Ang Batas na Nagtatagumpay ang Bawat Mag-aaral (The Every Student Succeeds Act, ESSA): Nagsimulang magkaroon ng buong bisa ang Batas na Nagtatagumpay ang Bawat Mag-aaral (ESSA) noong 2018 upang mapalitan ang Batas na Walang Batang Mapag-iiwanan (No Child Left Behind Act ) sa pagbabago ng Batas Ukol sa Edukasyong Elementarya at Sekondarya (Elementary and Secondary Education Act of 1965, ESEA).
- Karapatan na Huwag Sumali sa Paglalabas ng Impormasyon Tungkol sa Estudyanteng nasa Estudyanteng nasa Sekondaryang Pag-aaral sa mga Nagrerekrut para sa Militar. Puwedeng magsabi ang magulang /tagapagnubay/tagapag-alaga, o ang estudyanteng 18 taong gulang o mas matanda pa na ayaw niyang ilabas ang impormasyon sa pagkontak (pangalan, address, numero ng telepono) sa mga nagrerekrut para sa militar. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsusumite ng nakasulat na kahilingan sa principal (punong-guro) ng paaralan.
- Nagkakaloob ang Libritong-Gabay (Handbook) na ito ng abiso ukol sa nakabatay sa Konstitusyon na karapatang magkaroon ng pantay na mga pamamaraan sa pagkuha ng libreng pampublikong edukasyon, anuman ang katayuan sa imigrasyon, at anuman ang katayuan sa imigrasyon ng mga magulang o tagapatnubay, at ukol sa pang-edukasyong mga karapatan sa estado ng California, at matatagpuan ito sa tsapter 3.3.10.
This page was last updated on February 10, 2023