Misyon at Bisyon ng Distrito
Pahayag Ukol Sa Misyon
Araw- araw, nagkakaloob tayo sa sa bawat isa, at sa lahat ng estudyante ng de-kalidad na pagtuturo at suportang makatarungan sa pagkakapantay-pantay, na kinakailangan nila upang maging matagumpay sa ika-21 siglo.
Bisyon Ukol Sa Tagumpay Ng Mga Estudyante
Matutuklasan ng bawat estudyanteng pumapasok sa paaralan ng SFUSD ang kanilang ningning, pati na rin ang matibay na pagkaunawa sa sarili at layunin sa buhay. Magtatapos ng high school ang bawat estudyante at lahat ng estudyante na handa na para sa kolehiyo at karera at may taglay na mga kakayahan, kapasidad, at disposisyon na nakabalangkas sa Larawan ng Nagsisipagtapos (Graduate Profile) ng SFUSD.
Ang Aming Mga Unibersal Na Layunin
- Pagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay at Pagkakaroon ng Lahat ng Serbisyo, Tugon sa mga Pangangailangan, at mga Pagkakataon (Access and Equity): Pagiging realidad ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagtiyak na magkakukuha ang bawat estudyante ng pagtuturo at pagkatutong mataas ang kalidad.
- Pagtamo ng Tagumpay ng mga Estudyante: Paglikha ng mga kapaligiran sa pag-aaral sa lahat ng paaralan ng SFUSD kung saan napangangalagaan ang mga mag-aaral na lubos na nakikilahok at masayahin, at nasusuportahan ang bawat estudyante na maabot ang kanyang potensiyal.
- Pagkakaroon ng Pananagutan: Tuparin ang mga pangako ng distrito sa mga estudyante at pamilya at isama ang lahat ng nasa komunidad sa paggawa nito.
This page was last updated on October 28, 2022