3.1 Mga Partnership o Pakikipagtulungan sa mga Pamilya at Komunidad

Mga Partnership o Pakikipagtulungan sa mga Pamilya at Komunidad

Ikinatutuwa at hinihikayat ng SFUSD ang tuwirang paglahok ng mga magulang, tagapatnubay, at tagapag-alaga ng aming mga estudyante sa edukasyon ng kanilang mga anak. Alam naming ang mga pamilya ang pinaka-una at pinaka-maimpluwensiyang guro, at nakatutulong sa pagpapahusay ng lahat ng bata sa paaralan ang tuloy-tuloy na pakikilahok ng mga pamilya.   

Natukoy na ng stratehikong plano ng Distrito ang pagpapatupad ng Magkatuwang na Pakikipagtrabaho at Pagbibigay-Lakas sa mga Pamilya (Family Partnerships and Empowerment) ng SFUSD bilang isa sa aming anim na prayoridad para magbigay-suporta sa tagumpay ng mga estudyante.   Layunin ng mga pamantayang ito na tiyakin na laging bukas ang aming mga paaralan sa mga pamilya, mayroon silang kinakailangang impormasyon para maging kabahagi ng edukasyon ng kanilang mga anak, at naisasama sa mga desisyon sa mga paaralan ng kanilang mga anak.

Pakikipag-partner sa mga Pamilya: Nagkakaloob ang mga opisina ng SFUSD, kasama na ang Maagang Edukasyon (Early Education) at ang Dibisyon para sa mga Serbisyo sa Estudyante at Pamilya (Student & Family Services Division), ng suporta sa mga paaralan, pamilya, kawani ng distrito, at ka-partner sa komunidad, at nang makabuo ng matibay na pakikipag-partner, at sa gayon, masuportahan ang mga estudyante. 

  • Bukod sa pagboboluntaryo at paglahok sa inyong paaralan, marami pang mahahalagang paraan para makisangkot at bigyan ng suporta ang edukasyon ng inyong anak! Para alamin pa ang tungkol dito, makipag-usap sa mga guro, tagapag-ugnay sa mga pamilya (family liaison), lider na magulang o principal (punong-guro) ng inyong paaralan, o pumunta sa pahina para sa Mga Rekurso para sa mga Pakikipagtulungan sa mga Pamilya (Family Partnership Resources) na nasa Family Partnership Resources page.

Link Sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng mga Estudyante, Pamilya at Paaralan (Student, Family & School Resource Link)

Nakatutulong ang Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Estudyante, Pamilya, at Paaralan (Student, Family & School Resource Link) ng SFUSD) sa pamilya upang malaman nila ang tungkol sa paggamit sa lahat ng rekurso ng SFUSD na puwede nilang makuha, at upang makonekta kayo sa suporta na kailangan ninyo. Puwedeng makontak ng mga estudyante, pamilya, at kawani ng paaralan ang Resource Link sa pamamagitan ng tatlong paraan:

  1. Pumunta sa familylink.sfusd.edu upang makompleto ang form para sa paghiling ng online na pagtuturo (online request form)
  2. I-email ang kahilingan sa sflink@sfusd.edu
  3. Tumawag sa 415340-1716. Bukas ang Student, Family & School Resource Link para sa live, o sa oras mismo, na pagtawag nang Lunes hanggang Biyernes, mula 9 am hanggang 3 pm, at sa mga oras ng tanghalian na mula 12 hanggang 1 pm. Puwedeng mag-iwan ng voicemail ang tumatawag sa anumang oras.

Naririto ang Linya ng Telepono ng Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Estudyante, Pamilya, at Paaralan (Student, Family, School Resource Link Line, SFSRL) upang matulungan kayo na makakonekta sa suporta na kailangan ninyo! Matugunan man ang inaaala ninyo ng inyong paaralan o sa pamamagitan ng mas pormal na proseso, ikokonekta namin kayo sa mga pinakamakapaghahandog ng solusyon.  

Ang Proseso para sa Pagtugon sa mga Inaalala Ninyo

Paano ko mapatutugunan ang mga inaalala ko tungkol sa paaralan (halimbawa, tungkol sa pambu-bully o pang-aapi, kaligtasan, seksuwal na pangha-ha

  1. Magsimula sa pamamagitan ng pagsasabi ng tungkol sa inaalala ninyo sa guro ng inyong anak 
    • Kung ang inaalala ninyo ay tungkol sa guro, magpatuloy sa hakbang 2. 
  2. Kung hindi nalutas o natugunan ang inyong inaalala ng guro ng estudyante, mangyaring makipag-usap sa Principal (Punong-guro) ng inyong anak, at/o sa Assistant Principal (Katuwang ng Punong-guro). 
    • Kung ang inaalala ninyo ay tungkol sa Principal ng inyong anak, o kung hindi nalutas ng administrador ang inyong inaalala na may kaugnayan sa nauna nang mga hakbang, magpatuloy sa hakbang 3. 
  3. Kung hindi natugunan ang inyong inaalala ng inyong paaralan, makipag-ugnay sa Resource Link. 
    • Pumunta sa familylink.sfusd.edu para makompleto ang form para sa online na paghiling (online request form),
    • I-email ang kahilingan sa sflink@sfusd.edu 
    • Tumawag sa 415-340-1716
  4. May kinatawan ng Student Family School Resource Link Line na kokonekta sa inyo sa loob ng 48 oras upang malaman pa ang tungkol sa inyong mga pangangailangan. 
  5. Tutulungan kayo ng Kinatawan (Agent) ng Resource Link sa mga susunod na hakbang upang matugunan ang inyong (mga) espesipikong inaalala sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagkakaroon ng koneksiyon sa makapaghahandog ng solusyon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga kategorya ng mga reklamo at patakaran sa pagrereklamo, pakitingnan ang mga link na nasa ibaba. 

Ombudsperson (Tagapagtaguyod ng Interes ng Publiko) Para sa Espesyal na Edukasyon

Ang Ombudsperson para sa Espesyal na Edukasyon ng SFUSD ang tagapag-ugnay ng pamilya, komunidad, at kawani para sa mga estdyante na may Plano para sa Pang-Indibidwal na Edukasyon (Individualized Education Programs, IEP). Ang opisina ng Ombudsperson ay maaaring:  

  • Tumulong sa mga magulang at tagapatnubay sa paggamit sa mga Serbisyo para sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Services) at kapag may mga inaalala sila ukol sa mga serbisyo sa espesyal na edukasyon para sa kanilang anak sa mga paaralan o sa kabuuuan ng distrito. 
  • Magkaloob ng pagsasanay sa SFUSD o sa mga may interes o stakeholder ng  San Francisco, tulad ng Pagkuha ng mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon (Navigating Special Education Services), IEP 101, Pagpapalahok at Pagbibigay-Lakas sa mga Pamilya ng SFUSD (Engaging and Empowering SFUSD Families), Epektibong Pakikipagkomunikasyon sa Pagitan ng mga Pamilya at Edukador ng Espesyal na Edukasyon, at marami pang problemang kaugnay ng mga serbisyo sa espesyal na edukasyon at mga pamilya. 
  • Tugunan ang pangangailangan para sa pagtatalaga ng pang-edukasyong kahalili o educational surrogate (ang Ombudsperson ang tagapag-ugnay ng pang-edukasyong kahalili para sa distrito, na siyang nagpapares-pares sa mga estudyanteng nangangailangan ng representasyon sa mga boluntaryo, at nang makatulong sa pag-aadbokasiya sa kanilang pang-edukasyong pangangailangan. 

Para sa impormasyon at sa tulong sa paggamit ng Mga Serbisyo para sa Espesyal na Edukasyon, pakikontak ang:  

SFUSD Office of the Ombudsperson
555 Franklin Street, 1st
Floor San Francisco, CA 94102
Phone: (415) 447-7802

Mga Rekurso sa Teknolohiya para sa mga Pamilya

Ang Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng mga Pamilya ukol sa Teknolohiya (Technology Resources for Families) na pahina ay nagkakaloob ng lubos na nagagamit na impormasyon tungkol sa teknolohiya ng distrito, digital learning platforms (mga plataporma para sa pag-aaral na gumagamit ng teknolohiya), at mga rekursong puwedeng makuha para sa pakikipagkomunikasyon ng pamilya at estudyante, kasama na ang Seesaw, Google Classroom, at marami pang iba!

 

This page was last updated on November 14, 2022