Mga Oportunidad para sa Pamumuno ng mga Pamilya
Mayroon kaming matatayog na layunin para sa mga estudyante ng mga pampublikong paaralan ng San Francisco. Naniniwala kaming ang kolektibo at tulong-tulong na paggawa ng lahat ng may ipinaglalabang interes ang siyang makapagtatamo ng akademikong tagumpay para sa lahat ng estudyante. Gumaganap ng mahahalagang papel ang Mga Konseho ng Paaralan (SSCs) at tagapayong komite ng magulang/komunidad, kagaya ng mga Tagapayong Komite ng Paaralan (School Advisory Committees, SACs) at Tagapayong Komite ng mga Mag-aaral ng Ingles (English Learner Advisory Committees, ELACs), sa pagtataas ng mga inaasahan sa posibleng makamit ng estudyante. Ipinasa na ng Lupon ng Edukasyon (Board of Education) ang Parent Involvement Policy 6020 o Polisiya ukol sa Pakikilahok ng mga Magulang, at nang masuportahan ang layuning ito. Kinikilala ng polisiya ng Lupon na ang magulang/tagapatnubay ang una at pinakamaimpluwensiyang guro ng mga bata, at na lubos na nakapag-aambag ang patuloy na pakikilahok ng magulang/tagapatnubay sa edukasyon ng anak sa natatamong tagumpay ng estudyante at sa positibong kapaligiran sa paaralan
Naghahatid ang mga SSC, SAC, ELAC, at iba pang pangkat ng magulang/komunidad ng magkakaibang ideya upang makagawa ng komprehensibo at pinagkaisahang plano para sa pagpapahusay ng paaralan. Gumagamit ang pinaka-epektibong mga konseho at komite ng datos at direktang karanasan sa kanilang paaralan para gabayan ang paggawa ng desisyon, magkaroon ng sama-samang pagkilos upang matamo ang tunay na partisipasyon ng mga kawani at pamilya, maghangad ng kaisahan kasama ang mga kawani, maglinang ng malilikhaing solusyon na sinusubaybayan upang higit na maging epektibo, at gumamit ng mga polisiya at patakaran na magtitiyak ng iisang pagkaunawa at matibay na komunikasyon.
Konseho ng Paaralan (School Site Council):
Kinakatawan ng School Site Council (SSC) ang buong komunidad, kasama na ang mga magulang, mga guro, ang principal, iba pang kawani ng paaralan (at sa mga paaralang sekondarya), ang mga estudyante. Itinatakda ng batas ng Califonia na maglinang ang Konseho ng Paaralan ng “iisang plano para sa pagtamo ng tagumpay ng estudyante” kung nakatatanggap ang paaralan ng karagdagang pondo mula sa estado o pederal na gobyerno. Dahil nakatatanggap ang lahat ng paaralan ng SFUSD ng pondo, kailangang aprubahan ng SC sa bawat paaralan sa distrito ang plano, irekomenda ito sa lokal na tagapamahalang lupon, subaybayan ang pagpapatupad, at pag-aralan ang pagiging epektibo ng nakaplanong gawain nang hindi bababa sa isang beses taon-taon.
Inihahalal ang mga miyembro ng SSC ng kanilang mga kasamahan upang maging kinatawan ng lahat ng miyembro ng komunidad ng paaralan. Pangunahing papel nila ang gabayan ang proseso ng pagpaplano sa paaralan para tiyakin na natutugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng estudyante sa Plano ng Paaralan para sa Pagkamit ng Tagumpay ng Estudyante (School Plan for Student Achievement) at mabadyet ang paggamit ng karagdagang pondo (halimbawa, Titulo I).
Komiteng Tagapayo ng Paaralan (School Advisory Committee):
Ang mga paaralan na tumatanggap ng pondong Tulong sa Epekto ng Ekonomiya – Pampaalwang Edukasyon ng Paaralan (Economic Impact Aid-School Compensatory Education, EIA-SCE) mula sa estado ay kinakailangang magkaroon ng halal na pangkat ng magulang at kawani na kumakatawan sa mga estudyante na may mataas na akademikong pangangailangan sa School Advisory Committee (SAC). Posible ring makasama sa SAC ang principal, mga guro, iba pang kawani, at/o kinatawan ng komunidad na natukoy bilang “mga kabataang hirap sa pag-aaral (educationally disadvantaged youth)” ayon sa datos na nagsasaad ng higit na pangangailangang akademiko. Nagbibigay ang SAC ng payo sa principal at sa SSC kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga estudyante na ito sa Balanced Score Card at ang pinakamainam na paggamit ng pondong EIA-SCE para matulungan ang mga estudyanteng nangangailangan ng akademikong tulong.
Tagapayong Komite ng mga Mag-aaral ng Ingles (English Learner Advisory Committee):
Ang mga paaralan na may 21 o higit pang estudyante na Mag-aaral ng Ingles (English Learner, EL) ay kinakailangang magdaos ng eleksiyon kung saan bumoboto ang mga magulang ng mga estudyante na EL para makabuo ng English Learner Advisory Committee (ELAC). Kinakailangang kasama sa ELAC ang porsiyento ng mga magulang ng mga estudyante na EL na katumbas ng, o higit pa, sa porsiyento ng mga estudyante ng populasyon ng mga estudyante. Puwede ring maisama sa ELAC ang principal, mga guro, iba pang kawani, at/o mga kinatawan ng komunidad na inihalal ng mga magulang ng mga estudyante na EL.
Responsibilidad ng ELAC na payuhan ang principal at mga kawani kung paano tutugunan ang mga problema ng mga estudyanteng EL sa Plano ng Paaralan para sa Pagkamit ng Tagumpay ng Estudyante (School Plan for Student Achievement) Kinakailangan ding payuhan ng ELAC ang SSC sa pinakamainam na paggamit ng EIA-LEP (Limitado ang Husay sa Ingles o Limited English Proficient) at iba pang tinatarget na pondo para sa mga Mag-aaral ng Ingles (halimbawa, pondo para sa Programa sa Pagkatuto ng Wikang Ingles [English Language Acquisition Program funds]), kasama na ang paggamit ng mga pondong Titulo I sa mga paaralan, kung naaangkop.
Mga tagapayong komite na nasa antas ng Distrito (District-level advisory committees):
Kinikilala ng Lupon sa Edukasyon (Board of Education) ng SF ang mga tagapayong komite na nabuo para sa layunin ng pagtugon sa mga itinatakda ng pederal, pang-estado at lokal na batas, at upang magbigay ng payo at perspektiba mula sa may interes o stakeholder, sa mga usapin kung saan may interes ang Distrito.
Nakasama na sa mga tagapayong komite sa SFUSD ang Tagapayong Komite ng mga Mag-aaral ng Ingles ng Distrito (District English Learner Advisory Committee, DELAC), Tagapayong Komite ng Distrito (District Advisory Committee, DAC), Tagapayong Konseho ng Komunidad sa Pondo para sa Pagpapahusay ng Pampublikong Edukasyon (Community Advisory Council for PEEF o Public Education Enrichment Fund), Tagapayong Konseho ng Komunidad para sa Espesyal na Edukasyon( Community Advisory Committee for Special Education, CAC), Tagapayong Konseho ng mga Magulang (Parent Advisory Council, PAC), Tagapayong Konseho na Binubuo ng mga Magulang na Aprikano Amerikano (African American Parent Advisory Committee, AAPAC), at ang Tagapayong Konseho ng mga Mag-aaral (Student Advisory Council, SAC),na pawang kabilang sa marami pang iba. Pakibisita ang www.sfusd.edu para sa iba pang impormasyon.
This page was last updated on October 28, 2022