Ang Karapatang Makasama sa Proseso ng Edukasyon
Sa ilalim ng batas ng estado, may karapatan ang mga magulang/tagapatnubay ng estudyante makasama sa prosesong pang-edukasyon at magka-akses sa sistema sa ngalan ng kanilang anak.
Nakabalangkas ang mga karapatang ito sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 51101, at kasama rito ang karapatan na: Gumawa ng obserbasyon sa klasrum; Makipagpulong sa Guro; Magboluntaryo; Magkaroon ng abiso ukol sa hindi pinahihintulutang pagliban; Magkaroon ng Abiso ukol sa pagganap sa estandardisadong mga eksame; Humiling ng espesipikong paaralan; Magkaroon ng ligtas na kapaligiran ng paaralan; Mapag-aralan ang materyales sa kurikulum; Magkaroon ng abiso ukol sa mga akademikong inaasahan sa estudyante at akademikong pag-unlad; pagkakaroon ng paraang makakuha ng rekord ng estudyante at makapagtanong ukol sa nilalaman nito; Makaroon ng abiso ukol sa mga patakaran ng paaralan; Magkaroon ng abiso at magbigay ng pahintulot ukol sa mga eksameng sikolohikal; Makalahok sa mga konseho at komite; Magkaroon ng abiso sa takdang panahon kung may panganib na mapanatili sa grado (retention) ang estudyante.
Ang Batas para sa Balikatang Pamilya-Paaralan (Family-School Partnership Act) ay batas na nagpapahintulot sa mga magulang, lolo at lola, at mga tagapag-alaga na lumiban sa trabaho mula sa ilang taga-empleyo para makalahok sa mga gawain sa paaralan o pangangalaga ng kanilang anak. May matatagpuang karagdagang impormasyon tungkol sa Mga Karapatan ng mga Magulang sa www.sfusd.edu/services/know-your-rights/parent-rights at sa www.sfusd.edu/services/know-your-rights/parent-rights; www.cde.ca.gov/ls/pf/pf.
Pagtu-tutor o Pribadong mga Leksiyon
Hindi puwedeng bigyan ng trabaho ang mga empleyado bilang tutor at hindi rin sila puwedeng magkaloob ng mga pribadong leksiyon sa estudyanteng naka-enroll sa paaralan kung saan nakatalaga ang empleyado. Sinumang empleyado na gustong mag-tutor o magkaloob ng serbisyo sa estudyanteng nasa ibang paaralan ay kailangan munang humiling ng awtorisasyon mula sa kanyang superbisor. Polisiya ng Lupon ng SFUSD 4036)
This page was last updated on October 28, 2022