3.3.10: Pagkamamamayan (Citizenship)/Mga Pamilyang Walang Dokumentasyon: Alamin ang inyong Pang-edukasyong mga Karapatan
Pagkamamamayan (Citizenship)/Mga Pamilyang Walang Dokumentasyon: Alamin ang inyong Pang-edukasyong mga Karapatan
May Karapatan ang Inyong Anak na Makakuha ng Libreng Pampublikong Edukasyon
Lahat ng bata sa Estados Unidos ay may batay sa Konstitusyon na karapatang magkaroon ng pantay na mga pamamaraan sa pagkuha ng libreng pampublikong edukasyon, anuman ang katayuan sa imigrasyon, at anuman ang katayuan sa imigrasyon ng mga magulang o tagapatnubay. Sa California:
- May karapatan ang lahat ng bata na magkaroon ng libreng pampublikong edukasyon.
- Kailangang naka-enroll sa paaralan ang lahat ng bata na nasa edad na 6 hanggang 18 taong gulang.
- May karapatan ang mga estudyante at kawani na pumasok sa ligtas, may seguridad, at payapang mga paaralan.
- May karapatan ang lahat ng estdyante na magkaroon ng kapaligiran para sa pag-aaral sa pampublikong eskuwelahan na malaya mula sa diskriminasyon, pangha-harass o panliligalig, pambu-bully o pang-aapi, karahasan, at pananakot.
- May pantay na pagkakataon ang lahat ng estudyante na lumahok sa anumang programa o aktibidad na inihahandog ng eskuwelahan, at hindi siya maaaring makaranas ng diskriminasyon batay sa kanyang lahi, nasyonalidad, kasarian o gender, relihiyon, o katayuan sa imigrasyon, na ilan lamang sa natukoy na mga katangian.
Kinakailangang Impormasyon para sa Pag-eenroll sa Paaralan
- Kapag nag-eenroll ng bata, kailangang tanggapin ng paaralan ang iba’t ibang uri ng dokumento mula sa magulang o tagapatnubay ng estudyante upang maipakita ang patunay ng edad o paninirahan ng bata.
- Hindi kakailanganin sa inyo kailanman na magkaloob ng impormasyon tungkol sa pagiging mamamayan o citizen/katayuan sa imigrasyon upang mai-enroll ang inyong anak sa paaralan. Bukod rito, hindi kakailanganin sa inyo kailanman na magkaloob ng numero ng Social Security upang mai-enroll ang inyong anak sa paaralan.
Pagiging Kumpidensiyal ng Personal na Impormasyon
- Pinoprotektahan ng pederal at pang-estadong mga batas ang rekord ng edukasyon ng mga estudyante at ang kanilang personal na impormasyon. Sa pangkalahatan itinatakda ng mga batas na ito na kumuha ng nakasulat na pahintulot mula sa mga magulang o tagapatnubay bago ilabas ang impormasyon ng mga estudyante, maliban na lamang kung ang paglalabas ng impormasyon ay para sa mga layuning pang-edukasyon, nailabas na sa publiko, o bilang tugon sa kautusan ng korte, o subpoena o utos ng pagpapaharap sa hukuman.
- Kinokolekta ng ilang paraan ang batayang “impormasyon para sa dikrektoryo (directory information) ng mga estudyante at ipinagkakaloob ito sa publiko. Kapag ginawa nila ito, taon-taon na ay kailangang magkaloob ang pampaaralang distrito ng inyong anak ng nakasulat na abiso sa mga magulang/tagapatnubay ukol sa polisiyang kaugnay ng impormasyong nasa direktoryo ng paaralan, at kailangang ipagbigay nila sa inyo ang inyong opsiyon na tanggihan ang paglalabas ng impormasyon tungkol sa inyong anak.
Mga Planong Pangkaligtasan para sa Inyong Pamilya Sakaling Maaresto Kayo o Ma-deport
- May opsiyon kayong pagkalooban ang paaralan ng inyong anak ng impormasyon ukol sa pagkontak sa panahon ng emergency, kasama na ang impormasyon ukol sa sekondaryong mga kontak, at nang matukoy ang pinagkakatiwalaan na nakatatandang tagapatnubay, na posibleng makapag-alaga sa inyong anak sa sitwasyong makaranas kayo ng detensiyon o ma-deport.
- May opsiyon kayong kompletuhin ang Sinumpaang Salaysay na Nagbibigay ng Awtorisasyon sa Tagapag-alaga (Caregiver’s Authorization Affidavit) o ang Petisyon para sa Pagtatalaga ng Pansamantalang Tagapatnubay sa Inbidwal (Petition for Appointment of Temporary Guardian of the Person), na nagbibigay sa pinagkakatiwalang nakatatanda ng awtoridad na gumawa ng pang-edukasyon at medikal na mga desisyon para sa inyong anak.
Ang Karapatang Mag-file ng Reklamo
- May karapatan ang inyong anak na mag-ulat tungkol sa krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam o hate crime, o mag-file ng reklamo sa pampaaralang distrito kung nakaranas siya ng diskriminasyon, pagha-harass o panliligalig, pananakot, o pambu-bully o pang-aapi, batay sa kanyang totoo o inaakalang nasyonalidad, etnisidad, o katayuan sa imigrasyon.
This page was last updated on February 14, 2023