Responsibilidad na abisuhan ang administrador ng paaralan tungkol sa pagkakaroon ng anumang kautusan ng hukuman na makaaapekto sa pagpasok sa klase sa paaralan
Responsibilidad ng magulang/tagapatnubay na
1. Abisuhan ang administrador ng paaralan tungkol sa pagkakaroon ng abumang kautusan ng hukuman (halimbawa, kustodiya, pagbisita, mga utos ng pagpigil sa mga partikular na aksiyon o restraining orders, at iba pa) na nakaaapekto sa pagpasok sa klase (tulad ng kautusan na nagdidikta kung sino ang puwedeng sumundo at maghatid sa estudyante sa paaralan, kung sino ang puwedeng makakuha ng rekord ng estudyante o makipag-usap sa mga guro, kung sino ang puwedeng gumawa ng pang-edukasyong pagpapasya, o makapunta sa kampus, at iba pa); at
2. Bigyan ang administrador ng paaralan ng kopya ng gayong (mga) kautusan sa pagsisimula ng akademikong taon at/o kapag naglabas ng bagong kautusan.
This page was last updated on October 28, 2022