3.3.4 Diskriminasyon batay sa Kasarian at sa Seksuwal na Pagha-harass o Panliligalig

Diskriminasyon batay sa Kasarian at sa Seksuwal na Pagha-harass o Panliligalig

Pampublikong Abiso:  Tagapag-ugnay para sa Pagpapatupad ng Distrito sa mga Regulasyong Titulo IX

Itinatakda ng Titulo IX ng Batas ng mga Karapatang Sibil na “walang tao sa Estados Unidos ang hindi isasama sa paglahok, tatanggihan ang mga benepisyo, o padaranasin ng diskriminasyon, batay sa kasarian, sa ilalim ng anumang programa o gawaing pang-edukasyon na tumatanggap ng Pederal na pinansiyal na tulong.”

Nagkakaloob ang Tagapag-ugnay para sa Pagpapatupad ng Titulo IX (Title IX Compliance Coordinator) ng impormasyon tungkol sa polisiya ng kawalang diskriminasyon at mg patakaran sa pagrere-lamo; nagtitiyak na nakapagbibigay ng naangkop na pagsasanay nang madalas at regular; at sumusubaybay sa mga aksiyon ng Distrito bilang tugon sa mga pagbibintang ng diskriminasyon batay sa kasarian, seksuwal na pangha-harass, o seksuwal na pag-atake.

Para sa impormasyon ukol sa Titulo IX, kopya ng mga Patakaran para sa Pagrereklamo at mga Resolusyon, o para sa tulong sa paghahain ng reklamo, tumawag sa Tagapag-ugnay para sa Pagsunod sa Titulo IX (Title IX Compliance Coordinator), na si Keasara Williams, sa (415) 355-7334 or equity@sfusd.edu, o pumunta sa: www.sfusd.edu/equity-and-title-ix-office-recourses.

 

This page was last updated on November 14, 2022