Ang Batas na Nagtatagumpay ang Bawat Mag-aaral (Every Student Succeeds Act, ESSA) 2015
Ang Batas na Nagtatagumpay ang Bawat Mag-aaral (Every Student Succeeds Act (ESSA): Lubusang nagkaroon ng bisa ang Every Student Succeeds Act noong 2018 upang palitan ang Batas na Walang Batang Mapag-iiwanan (No Child Left Behind Act ) sa pagbabago ng Batas Ukol sa Edukasyong Elementarya at Sekondarya ng 1965 (Elementary and Secondary Education Act of 1965, ESEA). Kapag nagkaloob ang Departamento ng Edukasyon (Department of Education) ng California ng bagong impormasyon, posibleng magbago ang mga sumusunod na itinakda ukol sa pag-aabiso sa mga magulang, at posibleng may maidagdag na bagong mga itinatakda ukol sa pag-aabiso.
Sa ilalim ng ESSA, may mga sumusunod na karapatan ang mga pamilya:
- Impormasyon tungkol sa Propesyonal na mga Kuwalipikasyon ng mga Guro, Parapropesyonal, at Aides (Katuwang): Kapag hiniling ito, may karapatan ang mga magulang na magkaroon ng impormasyon ukol sa propesyonal na mga kuwalipikasyon ng mga guro sa klasrum, parapropesyonal, at aide ng kanilang mga estudyante. Kasama na rito ang pag-alam kung natutugunan ng guro ang mga kuwalipikasyon na itinatakda ng estado at ang mga pamantayan sa pagbibigay ng lisensiya para sa mga grado at asignaturang kanilang itinuturo, kung nagtuturo ang guro sa ilalim ng pang-emergency na permit o iba pang probisyonal na katayuan dahil sa mga espesyal na sitwasyon, ang major sa kolehiyo ng guro, kung mayroon itong anumang abanteng degree, at ang (mga) subject ng mga degree na ito, at kung nagkakaloob ang sinumang aide sa pagtuturo o parapropesyonal ng mga serbisyo sa inyong anak, at kung gayon, ang mga kuwalipikasyon ng mga ito. Aabisuhan din ng mga distrito ang mga magulang kung nakatalaga ang kanilang anak, o naturuan ang kanilang anak sa loob ng 4 o higit pang magkakasunod na linggo ng guro na walang mataas na kuwalipikasyon.
- Impormasyon ukol sa Pang-indiwidal na Ulat ukol sa Estudyante (Individual Student Reports) kaugnay ng mga pagtatasa para sa kabuuan ng estado: Kapag hiniling ito, may karapatan ang mga magulang sa impormasyon ukol sa antas ng natamong tagumpay ng kanilang estudyante sa bawat akademikong pagtatasa ng Estado na ibinigay sa estudyante.
- Mga Estudyanteng Limitado ang Kahusayan sa Ingles (Limited English Proficient): Itinatalaga ng Batas na pagkalooban ng paunang abiso ang mga magulang ng mga estudyante na may limitadong kakayahan sa wikang Ingles tungkol sa limitadong mga programa para sa pagpapahusay sa Ingles, kasama na ang mga dahilan sa pagkakatukoy sa estudyante bilang limitado ang kakayahan sa Ingles, ang pangangailangan sa pagpupuwesto sa programang pang-edukasyon para sa pagtuturo ng wika, ang antas ng kahusayan sa Ingles ng estudyante, kung paano isinagawa ang pagtatasa sa gayong antas, ang estado ng natamong akademikong kahusayan ng estudyante, ang mga pamamaraan ng pagtuturo sa mga makukuhang programa, kung paano matutugunan ng inirerekomen-dang programa ang mga pangangailangan ng estudyante, ang husay sa pagganap ng programa, ang mga opsiyon ng magulang na tanggalin ang estudyante sa programa at/o tanggihan ang inisyal na pagpapatala, at ang maaasahang bilis ng transisyon sa mga klasrum na hindi dinisenyo para sa mga estudyante na limitado ang kakayahan sa wikang Ingles.
Aabisuhan ang mga magulang kapag ang paaralan ng kanilang anak ay natukoy bilang paaralang “program improvement” at kung ano ang mga opor-tunidad para sa pagpili ng paaralan at sa karagdagang instruksiyon.
Hindi Paglalabas ng Impormasyon sa mga Nagrerekrut para sa Sandatahang Lakas (Armed Forces): Sa pamamagitan ng nakasulat na kahilingan, puwedeng ipag-utos ng mga magulang na hindi ilabas ang pangalan, address at telepono ng kanilang estudyante nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng magulang.
This page was last updated on October 28, 2022