3.3.6 Pagbabawal sa Pagsingil ng mga Bayarin ng Estudyante o Student Fees

Pagbabawal sa Pagsingil ng mga Bayarin ng Estudyante o Student Fees

Ipinagbabawal ng batas ng California sa mga pampublikong paaralan ang pagsingil ng bayad mula sa mga estudyante (student fees) para sa pampublikong edukasyon, maliban na lamang kung espesipikong awtorisado ang singil sa ilalim ng batas (Polisiya ng Lupon ng SFUSD 3260)

  • Ipagkakaloob nang libre sa mga estudyante ang lahat ng suplay, materyales, at kagamitang kinakailangan upang makalahok sa mga “gawaing pang-edukasyon.”
  • Hindi magagawang kapahi-pahintulot ang singil sa estudyante ng polisiyang fee waiver (pagwawaksi sa singil). 
  • Nangangahulugan ang “gawaing pang-edukasyon” ng gawaing bumubuo sa mahalaga at pundamental na bahagi ng edukasyong pang-elementarya at pang-sekondarya, kasama na ang mga gawaing kurikular at extracurricular, ngunit hindi nalilimitahan sa mga ito. 
  • Pinahihintulutan ang mga paaralan na mangalap ng boluntaryong donasyon ng mga pondo o pag-aari; boluntaryong paglahok sa mga gawain para sa pagkakaroon ng pondo; at puwede ring magbigay ng premyo o iba pang pagkilala sa mga estudyante para sa boluntaryong paglahok sa gawaing ito na para sa pagkakaroon ng pondo.

Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa: www.sfusd.edu/services/know-your-rights/no-fees-essential-school-activities

 

This page was last updated on October 28, 2022