3.4.1 Notipikasyon o Pag-aabiso ukol sa mga Rekord ng Estudyante at Mga Karapatan ukol sa Pagiging Pribado ng Impormasyon

Mga Rekord ng Estudyante/ Karapatan sa Pagiging Pribado ng Impormasyon

Ang Batas ukol sa mga Karapatang Pang-edukasyon at Pagiging Pribado ng Impormasyon ng Pamilya (Family Educational Rights and Privacy Act, FERPA) ay nauukol sa 1) Mga magulang ng estudyanteng 17 taong gulang at mas bata pa ; at 2) Mga magulang ng estudyanteng 18 taong gulang at mas matanda pa kung dependent ang estudyante para sa mga layunin ng pagbabayad ng buwis sa ilang karapatan na may kaugnayan sa rekord sa edukasyon ng estudyante. Ang mga karapatang ito ay:

  1. Ang karapatan na inspeksiyunin at repasuhin ang mga rekord sa edukasyon ng estudyante sa loob ng 45 araw mula sa araw na matanggap ng paaralan ang kahilingan na makuha ang mga rekord. Kailangang magsumite ang mga magulang o kuwalipikadong estudyante sa principal (punong-guro) ng paaralan (o sa naaangkop na opisyal ng paaralan) ng nakasulat na kahilingan na tumutukoy sa (mga) rekord na gusto nilang inspeksiyunin. Magsasagawa ang opisyal ng paaralan ng plano upang makuha ang mga ito at aabisuhan ang magulang o ang kuwalipikadong estudyante ukol sa oras at lugar kung saan puwedeng mainspeksiyon ang mga rekord. 

  2. Ang karapatan ng humiling ng pag-amyenda o pagbabago sa mga rekord sa edukasyon ng estudyante na pinaniniwalaan ng magulang o kuwalipikadong estudyante na hindi tama o nagbibigay ng maling impormasyon. Puwedeng hilingin ng magulang o kuwalipikadong estudyante sa paaralan na amyendahan ang rekord na pinaniniwalaan nilang hindi tama o nagbibigay ng maling impormasyon. Kailangan niyang sumulat sa principal ng paaralan (o naaangkop na opisyal), malinaw na tukuyin ang bahagi ng rekord na gusto nilang baguhin, at tukuyin kung bakit hindi tama ito o nagbibigay ng maling impormasyon. Kapag nagdesisyon ang paaralan na huwag amyendahan ang rekord ayon sa kahilingan ng magulang o ng kuwalipikadong estudyante, aabisuhan ng paaralan ang magulang o ang kuwalipikadong estudyante tungkol sa desisyon at pagpapayuhan siya ukol sa kanyang karapatan na magkaroon ng pagdinig kaugnay ng kahilingang magsagawa ng pag-amyenda. Magkakaloob ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga patakaran sa pagdinig sa magulang o sa kuwalipikadong estudyante kapag inabisuhan siya ukol sa karapatang magkaroon ng pagdinig. 

  3. Ang karapatan na pahintulutan ang mga pagsisiwalat ng impormasyong nakatutukoy sa indibidwal na laman ng mga rekord sa edukasyon ng estudyante, maliban na lamang sa hangganan na nagbibigay ng awtorisasyon ang FERPA para sa pagsisiwalat nang walang pahintulot. Ang isang hindi kasama o eksepsiyon, na nagpapahintulot ng pagsisiwalat nang walang pahintulot ay ang pagsisiwalat sa opisyal ng paaralan na may lehitimong mga interes na pang-edukasyon. Ang opisyal ng paaralan ang indibidwal na naka-empleyo sa paaralan bilang administrador, superbisor, instruktor, o miyembro ng kawanihan na nagbibigay ng suporta (kasama na ang pangkalusugan o medikal na kawani), o kawani ng yunit para sa pagpapatupad ng batas (ayon sa itinatakda ng batas; ang indibidwal o kompanya na naka-kontrata sa paaralan upang magsagawa ng espesyal na gawain (tulad ng abugado, auditor, medikal na konsultant, o therapist); o magulang o estudyanteng naglilingkod sa opisyal na komite, tulad ng komite para sa pagdidisiplina o komite para sa mga hinaing (grievance), o tumutulong sa iba pang opisyal ng paaralan sa paggampan ng kanyang mga gawain. Mayroong lehitimong interes na pang-edukasyon ang opisyal ng paaralan kung kailangang repasuhin ng opisyal ang rekord sa edukasyon upang maisagawa ang kanyang propesyonal na responsibilidad. 

    Kapag hiniling ito, isisiwalat ng paaralan ang impormasyon na personal na nakatutukoy sa estudyante sa mga pang-edukasyong rekord sa mga opisyal ng ibang paaralan, sa pampaaralang distrito, o sa institusyong pinapasukan matapos ang high school (postsecondary institution), kung saan hinihiling ng estudyante na makapag-enroll, o may intensiyon ang estudyanteng mag-enroll, o kung saan naka-enroll na ang esutdyante, basta’t ang pagsisiwalat ay para sa mga layuning may kaugnayan sa pag-eenroll o paglipat ng estudyante.  (34 CFR 99.34)

  4. Ang karapatan na mag-file ng reklamo sa Departamento ng Edukasyon ng Estados Unidos (U.S. Department of Education) ukol sa ibinibintang na kabiguan ng paaralan na sundin ang mga itinatakda ng FERPA.  

    Ang pangalan at address ng Opisina na nangangasiwa sa FERPA ay: 

    Family Policy Compliance Office
    U.S. Department of Education
    400 Maryland Avenue, SW
    Washington, D.C. 20202-5901

Ang Pag-amyenda sa Proteksiyon ng mga Karapatan ng Mag-aaral (Protection of Pupil Rights Amendment, PPRA) ay nagkakaloob sa mga magulang ng ilang karapatan na nauukol sa pagsasagawa ng mga sarbey, pagkolekta at paggamit ng impormasyon para sa layunin ng pagbebenta, at ilang pisikal na pag-eeksamen. Kasama na rito ang karapatan na:

Magbigay ng pahintulot bago itakda sa mga estudyante na sumali sa sarbey na nauukol sa isa o higit pa sa mga sumusunod na protektadong larangan (“sarbey na nauukol sa protektadong impormasyon o protected information survey”), kung pinopondohan ang kabuuan o bahagi ng sarbey ng programa ng Departamento sa Edukasyon (ED) ng Estados Unidos. 

  1. Kinauugnayang politikal na pangkat o paniniwala ng estudyante o ng magulang ng estudyante; 
  2. Mga problema sa isip o sikolohikal na problema ng estudyante o ng pamilya ng estudyante; 
  3. Pag-asal o aktitud ukol sa seks; 
  4. Pag-asal na labag sa batas, ayaw makisalamuha sa iba o anti-social, nagtutuon ng kasalanan sa sarili, o nanghahamak sa sarili; 
  5. Kritikal na pagtimbang sa ibang tao, kung ang tumutugon o respondent sa sarbey ay may malapitang relasyon bilang kapamilya sa tao na ito 
  6. Mga relasyong kinikilala ng batas bilang may pribilehiyo, tulad ng relasyon sa abugado, doktor, o pari o pastor;
  7. Mga gawain, kinauugnayang pangkat, o paniniwala sa relihiyon ng estudyante o magulang; o 
  8.  Kita, bukod pa sa itinatakda ng batas upang mapagpasyahan ang pagiging kuwalipikado sa programa. 

Makatanggap ng abiso at ng pagkakataon na huwag isama ang estudyante sa  

  1. Anumang sarbey ukol sa protektadong impormasyon, anuman ang pagpopondo; 
  2. Anumang hindi emergency at invasive o nakapanghihimasok (naglalantad sa maseselang bahagi ng katawan o may hinihiwa, ipinapasok, o iniiniksiyon sa katawan) na pisikal na pag-eeksamen o pagsusuri na kinakailangan bilang kondisyon ng pagpasok sa klase, at isinasagawa ng paaralan, o ng kinatawan nito, at hindi kinakailangan upang maprotektahan ang agarang kalusugan at kaligtasan ng estudyante, maliban na lamang sa mga pag-eeksamen na para sa pandinig, paningin, o scoliosis, o anumang pisikal na eksamen o pagsusuri na pinahihintulutan o itinatakda ng batas ng Estado; at
  3. Mga aktibidad na may kinalaman sa pangongolekta, pagsisiwalat, o paggamit ng personal na impormasyon na nakuha mula sa estudyante para sa pagbebenta o marketing, o para itinda o, kung hindi man, ay ipamahagi ang impormasyon sa iba pa. 

Mag-inspeksiyon, kapag hiniling, at bago ang pagbibigay o paggamit ng - 

  1. Mga sarbey na may protektadong impormasyon ng mga estudyante;
  2. Mga instrumentong ginagamit sa pangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga estudyante para sa alinman sa nasa itaas para sa mga layunin ng pagbebenta o marketing, pagtitinda, o iba pang uri ng pamamahagi; at 
  3. Materyales sa pagtuturo na ginagamit bilang bahagi ng kurikulum sa edukasyon. 

Naililipat ang mga karapatang ito mula sa magulang tungo sa estudyante na 18 taong gulang o mas matanda pa o menor de edad na legal nang wala sa kontrol ng magulang o tagapatnubay (emacipated minor) sa ilalim ng batas ng Estado. 

Nakabuo at nakapagpatibay na ang San Francisco Unified School District (SFUSD) ng mga polisiya, nang may konsultasyon sa mga magulang, ukol sa mga karapatang ito, pati na rin ng mga plano upang maprotektahan ang pagiging pribado ng impormasyon ng mga estudyante sa pagbibigay ng mga sarbey na may protektadong impormasyon, at sa pangongolekta, pagsisiwalat, o paggamit ng personal na impormasyon para sa layunin ng pagbebenta o marketing, pagtitinda o iba pang uri ng pamamahagi. Direktang aabisuhan ng SFUSD ang mga magulang ukol sa mga polisiyang ito taon-taon o mas madalas pa, sa pagsisimula ng bawat akademikong taon, at matapos ang anumang malalaking pagbabago. Direktang aabisuhan ng SFUSD, sa pamamagitan ng Koreo ng U.S. o email, ang magulang ng mga estudyanteng naka-iskedyul na lumahok sa espesipikong mga aktibidad o sarbey na nakatala sa ibaba, at bibigyan ng pagkakataon ang magulang na huwag pasalihin ang anak sa espesipikong aktibidad o sarbey. Gagawin ng SFUSD ang pag-aabisong ito sa mga magulang sa pagsisimula ng akademikong taon kung natukoy na ng Distrito ang espesipiko o ang tinatayang petsa ng mga aktibidad o sarbey sa panahong iyon. Para sa mga sarbey at aktibidad na naka-iskedyul matapos ang pagsisimula ng akademikong taon, bibigyan ang mga magulang ng makatwirang pag-aabiso ukol sa naka-planong mga aktibidad at sarbey na nakalista sa ibaba at bibigyan din sila ng pagkakataon na huwag isali ang kanilang anak sa gayong mga aktibidad at sarbey. Bibigyan din ang mga magulang ng pagkakaton na repasuhin ang anumang makabuluhang sarbey. Ang mga sumusunod ang listahan ng espesipikong mga aktibidad at sarbey na sakop sa ilalaim ng itinatakdang pangangailangan na ito: 

  • Ang pangongolekta, pagsisiwalat, o paggamit ng personal na impormasyon para sa pagbebenta o marketing, pagtitinda, o iba pang uri ng pamamahagi. 
  • Pagbibigay ng anumang may protektadong impormasyon na sarbey na hindi pinopondohan ang kabuuan o ang bahagi nito ng ED. 
  • Anumang hindi pang-emergency at nakapanghihimasok na pisikal na pag-eeksamen o pagsusuri ayon sa nakalarawan sa itaas. 

Puwedeng mag-file ng reklamo ang mga magulang na naniniwalang nalabag ang kanilang mga karapatan sa: 

Family Policy Compliance Office
U.S. Department of Education
400 Maryland Avenue, SW
Washington, D.C. 20202-5901

May makukuhang iba pang impormasyon ukol sa pagkakaroon ng mga rekord ng estudyante sa tsapter 3.4.2.

This page was last updated on October 28, 2022