3.4.5 Form: Polisiya sa Katanggap-tanggap na Paggamit/ Form para sa Pagsang-ayon (Student Acceptable Use Policy/Consent Form)

Form: Polisiya sa Katanggap-tanggap na Paggamit/ Form para sa Pagsang-ayon (Student Acceptable Use Policy/Consent Form)

Tingnan ang dulo ng tsapter para sa mga form.

Lahat ng pamilya ay bibigyan ng Polsiya sa Katanggap-tanggap na Paggamit ng Estudyante/Form para sa Pagsang-ayon (Student Acceptable Use Policy/Consent Form) sa simula ng taon na dapat pirmahan ng magulang/tagapatnubay. May karapatan ang mga magulang/ tagapatnubay na suriin ang mga laman ng kompyuter ng kanilang anak, kabilang na ang elektronikong komunikasyon, kung ang impormasyon ay makukuha ng kawani.

ABISO SA MGA MAGULANG /KASUNDUAN SA KATANGGAP-TANGGAP NG PAGGAMIT NG ESTUDYANTE 

Ibinabalangkas ng Kasunduang ito sa Katanggap-tanggap na Paggamit (Acceptable Use Agreement) ang inyong mga responsibilidad at kinakailangang pagkilala, at ang sa inyo ring anak, kapag ginamit niya ang mga rekursong panteknolohiya ng San Francisco Unfied School District, kasama na ang Internet/World Wide Web at elektronikong mail (e-mail). Binibigyan ang mga estudyanteng nasa mga grado K-12  ng SFUSD Google account na nagpapahintulot sa kanilang makagamit ng SFUSD email, mga dokumento at iba pang kasangkapan sa pag-aaral. Kailangang para lamang sa pang-edukasyong layunin ang paggamit ng account na ipinagkaloob ng distrito. Sinasakop ng Kasunduang ito at ng Administratibong Regulasyon sa Kaligtasan sa Internet (Internet Safety Administrative Regulation) ang lahat ng mga gamit na nakalarawan sa itaas. Kahit walang pirma, kailangang sundin ng mga gumagamit ang kasunduang ito at ang Administratibong Regulasyon at iulat ang anumang maling paggamit ng network o internet sa guro, administrador o naangkop na kawani ng Distrito.  

Mangyaring maging malay na may mga nakukuhang mga materyal sa Internet na nagtataglay ng teksto o imahe na mali o hindi katanggap-tanggap. Bagamat ginagamit ng inyong anak ang Internet para sa mga layuning pang-edukasyon, posibleng makakita siya ng mga imaheng hindi kanais-nais, sinasadya man o hindi, nang dahil sa kanyang paggamit o paggamit ng kanyang guro ng Internet. Kahit na gumagawa ng mga makatwirang hakbang ang mga guro at technician ng Distrito para hindi makakita ng hindi naaangkop na bagay ang mga estudyante, imposibleng matanggal nang lubusan ang mga hindi katanggap-tanggap na bagay sa lahat ng panahon. Kaugnay nito, bagamat inaasahan ang paggamit ng mga email account para sa mga layuning pang-instruksiyon, hindi posibleng ma-monitor ng Distrito ang lahat ng mga mensaheng ipinadadala sa pagitan ng mga estudyante gamit ang mga email account, at walang akses ang Distrito para sa elektronikong pagmomonitor ng mga mensaheng ipinadadala ng mga estudyante sa isa’t isa sa mga personal na email account na mula sa mga nagbibigay ng serbisyo na hindi taga-Distrito. Pamamahalaan ng mga guro at iba pang responsableng nakatatanda ang mga estudyante sa paaralan. Gayon pa man, hindi makapagbibigay ng garantiya ang mga paaralan na direktang mapapamahalaan ang bawat estudyante sa lahat ng panahon. Inaasahang pamamahalaan ng mga magulang at tagapatnubay ang mga estudyante sa tahanan. 

Sa pamamagitan ng pagpirma sa form na ito, pinagtitibay kong nabasa ko na ang Adminisratibong Regulasyon ukol sa Paggamit at Kaligtasan sa Internet o  Internet para sa mga Estudyante o Use and Safety Administrative Regulation for Students (tsapter 5.5.87 ng Handbook o Libritong-Gabay para sa mga Mag-aaral at Pamilya), na nakakabit dito at nakapaloob din sa kasunduang ito na mistulang iminumungkahi sa kabuuan nito. Narepaso ko na rin ang buod ng Hindi Katanggap-tanggap na Paggamit ng mga Rekursong Teknolohikal ng Distrito (Unacceptable Uses of District Technological Resources) na nasa likod ng form na ito. Naiintindihan ko na kapag nilabag ng aking anak ang mga patakaran, puwedeng ihinto ang paggamt at posible ring humarap ang aking anak sa iba pang hakbang sa pagdidisiplina. Naiintindihan ko rin, at pumapayag ako, na puwedeng siyasatin ng Distrito at ng mga ahensiyang nagpapatupad ng pederal, pang-estado, at lokal na batas, ang anumang file, electronic mail, anumang datos, at iba pang impormasyon na nasa network ng Distrito o nasa kagamitan ng Distrito, ayon sa itinatakda ng Regulasyon sa Kaligtasan sa Internet para sa mga Estudyante ng Distrito, anumang personal na password mayroon ang aking anak.

Iwinawaksi ko ang pananagutan at itinuturing na walang kasalanan, ang Distrito, ang mga empleyado nito, at anumang institusyong kaugnay nito, sa anuman at lahat ng mga paghahabol (claim) at pinsala (damages), ano man ang kalikasan, na magmumula sa paggamit, o kawalang kakanyahan sa paggamit, ng aking anak, o ng guro ng aking anak sa mga teknolohikal na rekursong tinalakay sa itaas, kasama na ang mga singil na maaaring ibunga ng walang awtorisasyon na paggamit ng sistema para bumili ng mga produkto at serbisyo; pagkakalantad sa posibleng nagbibigay pinsala o hindi naangkop na materyal o mga tao; mga paglabag sa mga restriksiyon sa karapatang-ari; o mga pagkakamali o kapabayaan ng mga gumagamit, bagamat hindi nalilimitahan sa mga ito. Naiintindihan ko na puwede akong panagutin para sa mga pinsalang ibubunga ng intensiyonal na maling paggamit ng aking anak sa sistema, at pumapayag akong bigyan ng damyos ang distrito para sa anumang pisala o gastusin na magkakaroon ito nang dahil sa intensiyonal na maling paggamit ng aking anak sa sistema.

 

(Pakirepasong muli ang buod ng mga Hindi Katanggap-tanggap na Paggamit na nasa susunod na pahina)

Responsibilidad ninyong basahin ang buong Administratibong Regulasyon sa Kaligtasan sa Internet na nasa  tsapter 5.5.8 ng Handbook o Libritong-Gabay ng mga Mag-aaral at Pamilya. Nasa ibaba ang buod ng Mga Hindi Katanggap-tanggap na Paggamit ng Internet/Email/Network.   Sa pamamagitan ng paggamit sa Network, pumapayag ang mga gumagamit na sundin ang Administratibong Regulasyon ng Distrito ukol sa Kaligtasan sa Internet. 

Buod ng mga Hindi Katanggap-tanggap na Paggamit: 

  1. Paggamit na ipinagbabawal ng mga batas o regulasyon ng Estados Unidos o ng California o ng mga patakaran ng Distrito o paalralan, kasama na ang paglabag sa mga batas sa karapatang-ari o sekreto sa negosyo, pagpapadala ng mga nagbabanta o mahalay na materyal; o pagkakaroon ng walang awtorisasyong akses gaya ng “hacking.”  
  2. Paggamit na mahalay, pornograpiko, lantaran ang seksuwalidad o mapanganib sa mga menor de edad.
  3. Paggamit na maituturing na cyberbullying (pambubully o pang-aapi gamit ang internet). Alamin pa ang tungkol dito. www.sfusd.edu
  4. Paggamit kung saan magkakaroon ang Distrito o ang indibdwal ng pananagutang kriminal, sibil o administratibo (halimbawa, mapanlinlang, mapanirang-puri, mapanghamak sa tao batay sa lahi/etnisidad, bansang pinagmulan, kasarian, gender, sekswal na oryentasyon, kapansanan sa edad, paniniwalang panrelihiyon o pollitikal, maituturing na sekswal na panghaharas, at iba pa).
  5. Paggamit na nagpapahintulot sa mga gumagamit sa network na magkaroon ng hindi awtorisadong akses sa anumang sistemang pangkomunikasyon, network o file; nagpapahintulot sa isang tao na walang balidong awtorisasyon na mag-akses ng kumpidensiyal na impormasyon na taglay ng anumang sistema, network o file ng distrito; kasama na ang walang awtorisasyon na pagsisiwalat o paggamit ng password o numero ng account ng user o gumagamit.
  6. Paggamit na nagpapawalang-saysay sa Hakbang para sa Proteksiyon ng Teknolohiya o Technology Protection Measure (filter) para sa sistema ng Internet; o pagsubok na ihinto o sirain ang pagganap ng sistema ng computer sa pamamagitan ng pagkakalat ng virus, o ng iba pang paraan. 
  7. Paggamit na nagsisiwalat ng personal na impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili o iba pang menor de edad (kagaya ng pangalan kasama ng ibang impormasyon para mahanap ng iba pang indibidwal ang estudyante, kagaya ng pangalan ng magulang, adres ng tahanan o lokasyon, adres ng trabaho o lokasyon, numero ng social security o numero ng telepono), nang walang paunang nakasulat na pahayag ng magulang/tagapatnubay ng menor de edad. 
  8. Paggamit ng mga computer ng distrito para sa personal na gawaing pang-komersiyo/pagkakaroon ng kita o mga ilegal na gawain, kagaya ng pagbebenta ng alak o droga, pakikilahok sa mga kriminal na gawain ng gang, o pagbabanta sa kaligtasan ng sino man.
  9. Paggamit na posibleng gumawa ng pinsala o panganib ng gulo, o na nagbabanta, nananakot, nanghaharas, o nangungutya sa iba pang estudyante o sa kawani. 
  10. Hindi papayag ang mga gumagamit na estudyante na makipagkita sa isang taong nakilala nila online nang walang pahintulot at partisipasyon ang kanilang mga magulang. 

 

 

This page was last updated on October 28, 2022