3.4.7 Notipikasyon: Abiso ukol sa Paggamit ng Ikatlong Partido ng mga Litrato, Bidyo, o Trabaho sa Paaralan ng Estudyante

Notipikasyon: Abiso ukol sa Paggamit ng Ikatlong Partido ng mga Litrato, Bidyo, o Trabaho sa Paaralan ng Estudyante

Posibleng gustong interbyuhin, kunan ng litrato o i-video ng media, organisasyong pangkomunidad o mga ahensiya na hindi Taga-Distrito ang mga estudyante. Kung ayaw ninyong sumali ang anak ninyo, mangyaring magsumite ng nakasulat na liham na naglalarawan sa inyong kahilingan sa opisina ng Paaralan ng inyong anak. Gagawin namin ang lahat para maigalang ang inyong kahilingan at kikilalanin na may ilang pamilyang may espesyal na sitwasyon na nangangailangan ng proteksiyon ng identidad o kinaroroonan ng kanilang anak. Mangyaring maging malay na posibleng may mga pagkakataon na ma-interbyu, makunan ng litrato o ma-video ang inyong anak nang wala kaming kontrol. Pakikausap ang inyong anak tungkol sa inyong mga kagustuhan para alam niyang ayaw ninyong ma-interbyu siya, makunan ng larawan o ma-video.

This page was last updated on October 28, 2022