3.10.2 Notipikasyon: Pagbibigay ng Gamot sa Estudyante sa Paaralan

Notification: Administration of Student Medications at School

Kinikilala ng SFUSD na ang inyong anak ay posibleng paminsan-minsan na kailangang gumamit o uminom ng gamot sa mga oras ng pagpasok sa paaralan. Upang makapagbigay ng  ligtas at suportadong paraan para dito, bumuo ang SFUSD ng polisiya tungkol sa pangangasiwa ng pagbibigay ng mga gamot sa paaralan. Ang polisiyang ito, na alinsunod sa Kodigo sa Edukasyon ng California, ay sumasaklaw sa lahat ng estudyanteng gumagamit o umiinom ng gamot habang nasa paaralan, at kinabibilangan ng mga sumusunod na gamot:  (a) gamot na inireseta para sa sakit ng estudyante (ie, antibiotics, inhaler para sa hika), (b) gamot na hindi kailangan ng reseta (over the counter) (halimbawa, acetaminophen, ibuprofen), at mga remedyong gawa sa bahay o home remedies.

Kung kailangang umiinom ang inyong anak ng gamot, mangyaring talakayin kasama ng tagapagkaloob ng pag-aalagang kalusugan ng inyong anak ang posibilidad na gamitin o inumin ang gamot sa labas ng mga oras ng pagpasok sa paaralan. Kung kinakailangan ng inyong anak na gumamit o uminom ng gamot o magkaroon ng pang-emergency na gamot sa paaralan (halimbawa, gamot sa hika), pakisunod ang mga gabay na nasa ibaba, sa Form para sa Gamot (Medication Form), na nandito. 

Mga Patnubay sa Pagbibigay ng Gamot sa Estudyante sa Paaralan

Tandaan: Magbibigay lamang ang mga kawani ng gamot kapag natugunan ang mga sumusunod na itinatakda: 

  • 1. Dapat sagutan at kompletuhin KAPWA ng magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga AT ng provider o tagapagkaloob ng pangangalaga sa kalusugan ang Form para sa Gamot o Medication Form (tingnan ang tsapter 3.10.5)  para sa lahat ng gamot na iniinom sa paaralan, kabilang na ang (a) inireresetang gamot, (b) gamot na binili nang walang reseta (over the counter), at (c) mga remedyong gawa sa bahay (home remedies). Dapat ibalik ang lahat ng nakompletong Medication Form sa paaralan ng inyong anak bago ang pangangasiwa ng pagbibigay ng gamot sa paaralan. 
  • 2. Dapat ibigay ng magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga ang mga gamot sa lalagyan/dispenser na may label mula sa botika o sa orihinal na lalagyan/dispenser nito.
  • 3. Dapat ibigay ng magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga ang gamot sa paaralan nang personal o ipadala ito sa itinalagang nakatatanda. Pakikontak ang opisina ng inyong paaralan para sa mga eksepsiyon.
  • 4. Dapat magkompleto at magbigay ng Medication Form taon-taon para sa bawat gamot na ibinibigay sa inyong anak sa paaralan.  
  • 5. Posibleng pangasiwaan ng paaralan ang pagbibigay ng mga gamot ayon sa mga instruksiyon ng provider ng pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng:
    • a. nars ng paaralan o itinalaga at sinanay na kawani;       
    • b. magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga na itinalaga na puwedeng pumunta sa paaralan upang pangasiwaan ang pagbibigay ng mga gamot batay sa naayos nang iskedyul;
    • c. estudyante, na sa ilang tiyak na  pagkakataon, ay puwedeng pangasiwaan ang paggamit at pag-inom ng sariling gamot.Dapat na nakasaad sa ito sa Medication Form mula sa magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga at sa provider ng pangangalaga sa kalusugan; itinatakda ng Batas ng Asembleya 743 sa pampaaralang distrito na tanggapin ang nakasulat na pahayag na ipinagkakaloob ng doktor o siruhano kaugnay ng pagdadala at pagbibigay sa sarili ng estudyante ng nilalanghap na gamot para sa hika, kung saan mula ito sa doktor o siruhano na may kontrata sa prepaid (bayad na sa umpisa pa lamang) na planong pangkalusugan na naaayon sa batas ang mga pagpapatakbo ng mga operasyon sa ilalim ng mga batas ng Mexico, at lisensiyado bilang plano para sa pagbibigay ng serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan sa California. Kailangang ibigay ang nakasulat na pahayag kapwa sa Ingles at Espanyol, at kailangang kasama rito ang panglaan at impormasyon sa pagkontak sa doktor o siruhano.
  • 6. Aabisuhan ang mga magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga bago ang katapusan ng taon ng paaralan na kunin ang (mga) gamot ng kanilang anak. Itatapon nang maayos ng kawani ng paaralan ang gamot na hindi kinuha. 

Nasasakop ng CA Kodigo sa Edukasyon (Education Code) 49414.7 ang pagbibigay ng pang-emergency na gamot laban sa mga atake (anti-seizure medication), at nang makontrol ang mga atake. Kung nagreseta ang doktor ng pang-emergency na gamot laban sa atake upang makontrol ang mga atake ng inyong anak, abisuhan ang principal o punong-guro ng inyong anak, at nang makompleto ang nararapat na papeles at matukoy at mabigyan ng pagsasanay ang kawani na magbibigay ng pang-emergency na gamot laban sa atake. 

Binibigyan ng awtorisasyon ng CA Kodigo sa Edukasyon (Education Code) 49414 ang mga pampaaralang distrito na magkaloob ng pang-emergency na epinephrine auto-injector sa nars ng paaralan o may pagsasanay na kawani na nagboluntaryo para sa sitwasyong emergency nang dahil sa allergy.

Nasa mga sumusunod na pederal na bata sang karapatan ang estudyante na makatanggap ng gamot sa paaralan:  

  • Pampublikong Batas (Public Law) 93-112; 87 Batas 394; 29 Kodigo ng Estados Unidos (United States Code) U.S.C. Seksiyon 794; (H.R. (8070). "Batas ukol sa Rehabilitasyon ng 1973 (Rehabilitation Act of 1973).” 
  • Pampublikong Batas (Public Law) 101-336; 104 Batas 327; 42 Kodigo ng Estados Unidos (United States Code) U.S.C. mga seksiyon 12101-12213; (S. 933). “Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan ng 1990 (Americans with Disabilities Act, 1990) 
  • Pampublikong Batas (Public Law) 105-17; 111 Batas 37; 20 Kodigo ng Estados Unidos (United States Code) U.S.C. Seksiyon -1485; (H.R. (5). "Batas para sa Edukasyon ng mga Indibidwal na may Kapansanan na mga Pag-amyenda ng 1997 (Individuals with Disabilities Education Act Amendments of 1997)." 

Nagkakaloob din ng awtoridad ng batas ang CA Kodigo sa Edukasyon (Education Code) 49423 para sa paghahandog ng tulong sa pagbibigay ng iba pang gamot sa mga paaralan ng California. Bagamat may mga probisyon ang CA Kodigo sa Edukasyon (Education Code) 49422, maaaring tulungan ang sinumang estudyante na kailangang uminom sa regular ng araw ng pagpasok sa klase ng gamot na inireseta para sa kanya ng doktor, ng nars ng paaralan o iba pang itinalagang kawani ng paaralan kung makatatanggap ang pampaaralang distrito ng (1) nakasulat na pahayag mula sa gayong doktor na nagdedetalye ng pamamaraan ng paggamot, dami, at iskedyul ng oras ng pag-inom o pagbibigay ng gamot, at (2) nakasulat na pahayag mula sa magulang o tagapatnbay ng estudyante na nagsasaad na kagstuhan na tlungan ng pampaaralang distrito ang estudyante sa mga bagay na nakatakda sa pahayag ng doktor.  

Puwedeng magbigay ng karagdagang impormasyon ang Nurse of the Day na nasa para sa Dibisyon para sa Pagbibigay-Suporta sa Mag-aaral, Pamilya at Komunidad (Student, Family and Community Support Division) (415) 242-2615.

This page was last updated on November 14, 2022