3.10.4 Form: Impormasyon ukol sa Pang-indibidwal na Planong Pangkalusugan at Plano ukol sa Pang-emergency na Pangangalaga

Form: Impormasyon ukol sa Pang-indibidwal na Planong Pangkalusugan at Plano ukol sa Pang-emergency na Pangangalaga

Mangangailangan ang mga bata na may talamak na sakit tulad ng hika, diabetes, mga alerhiya, at kombusiyon o seizure ng mga serbisyong pangkalusugan sa paaralan, tulad ng naaangkop na patakaran, gamot, o pang-emergency na tugon.   Nagbibigay ng impormasyon ang pang-indibidwal na planong pangkalusugan at plano ukol sa pang-emergency na pangangalaga  sa mga kawani ng paaralan kung paano mapapamahalaan ang kondisyon sa kalusugan o  tutugunan ang sitwasyong emergency na posiblengmangyari dahil sa kondisyon ng kalusugan ng estudyante

  • Kailangang kompletuhin sa bawat taon ang pang-indibidwal na planong pangkalusugan at plano ukol sa pang-emergency na pangangalaga ng provider ng pangangalaga sa kalusugan at ng magulang/ tagapatnubay/ tagapag-alaga ng estudyante.
  • Kung kasama ang pagbibigay ng gamot sa pang-indibidwal na planong pangkalusugan at plano ukol sa pang-emergency na pangangalaga, kailangan ding makompleto ang medication form at  mapirmahan ito ng provider ng pangangalaga sa kalusugan at ng magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga.
  • Dapat ibigay sa paaralan ng magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga ang lahat ng gamot at kagamitan sa pagbibigay ng gamot nang nasa orihinal o may label o etiketa mula sa botika na lalagyan/dispenser.
  • Makukuha ang plano ukol sa pang-emergency na pangangalaga at medication form sa www.sfusd.edu at sa tsapter na ito ng  Handbook. 
  • Kung mayroon kayong tanong, pakitawagan ang Nars para sa Araw na Ito (Nurse of the Day) ng SFUSD sa pamamagitan ng Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng mga Estudyante at Pamilya (Student, Family and School Resource Link), sa 415-340-1716 o sa pamamagitan ng email sa sflink@sfusd.edu

Makahahanap kayon ng pang-indibidwal na plano para sa kalusugan (individualized health plan)/ plano para sa pang-emergency na pangangalaga (emergency care plan) sa ibaba: Plano para sa Pang-emergency na Pangangalaga (Emergency Care Plan)

This page was last updated on October 28, 2022