3.5.3 Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Dispute Resolution) sa Espesyal na Edukasyon

Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Dispute Resolution) sa Espesyal na Edukasyon

Nagbibigay ang pederal at pang-estadong mga batas ng ilang pamamaraan para sa paglutas ng mga problema. Pakitingnan ang Buod ng mga Karapatan ng Magulang (Summary of Parents’ Rights (ipinagkakaloob din ito sa miting para sa Programa para sa Pang-indibidwal na Edukasyon [Individualized Educational Program, IEP]).

Para makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aayos sa mga hindi pagkakasundo, kasama na ang paraan ng pagfa-file o paghahain ng reklamo, kontakin ang Mga Serbisyo para sa Pagrerekomenda at nang Matiyak ang Pagsunod sa mga Patakaran (Procedural Safeguards Referral Service) ng Dibisyon para sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Division) ng Departamento ng Edukasyon ng California (California Department of Education, CDE), sa pamamagitan ng telepono sa (800) 926-0648; sa pamamagitan ng  fax sa (916) 327-3704; o sa pamamagitan ng pagbisita sa seksiyon na “Kung Paano Nilulutas ang mga Hindi Pagkakasundo (How Disputes are Resolved)” na nasa Abiso ukol sa Pagtitiyak ng mga Patakaran (Notice of Procedural Safeguards) webpage

Bagamat nagtatakda ang batas ng mga pormal na pamamaraan para sa pagresolba sa mga alitan, nakapagtakda na rin ang SFUSD ng sistema ng internal, mas di-pormal na resolusyon, at hinihikayat kayong gamitin ito kapag naniniwala kayong may namumuong problema.

Heto ang ilang suhestiyon:

  1. Talakayin ang problema sa guro sa klasrum ng inyong anak at/o iba pang kawani ng paaralan na nakaaalam sa mga pangangailangan ng inyong anak.  Puwedeng makasama rito ang resource teacher ng inyong anak, tagapayo, espesyalista sa pagdinig o wika, o iba pang espesyalistang tumutulong sa inyong anak. Puwede rin kayong makipag-usap sa espesyalista para sa nilalaman ng programa sa espesyal na edukasyon na nakatalaga sa inyong paaralan.
  2. Pag-aralan ang IEP ng inyong anak at alamin kung naipatutupad ang plano o kung dapat itong baguhin.  Kailangan ba itong baguhin para matugunan ang anumang nagbabagong pangangailangan ng inyong anak?  Puwede kayong sumulat para humiling ng pag-aaral ng IEP sa anumang panahon. Kailangang isagawa ang miting sa loob ng 30 araw mula sa paghiling, nang hindi binibilang ang mga araw na nasa pagitan ng regular na pagpasok sa paaralan o  araw ng bakasyon na lampas sa limang araw na may pasok.
  3. Kung walang resolusyon, talakayin ang problema sa principal ng paaralan. Posibleng hilingin ng principal ang katulong na principal na may responsibilidad para sa espesyal na edukasyon na tumulong.            
  4. Puwedeng makatulong ang Ombudsperson para sa Espesyal na Edukasyon sa mga magulang at tagapatnubay sa paggamit sa Mga Serbisyo para sa Espesyal na Edukasyon at sa pagtugon sa inaalala ukol sa mga serbisyo sa espesyal na edukasyon para sa kanilang mga anak. Puwedeng kontakin ng magulang/tagapatnubay na may tanong o inaalala ukol sa Mga Serbisyo para sa Espesyal na Edukasyon ang opisina ng Ombudsperson na matatagpuan sa 555 Franklin Street 1st Floor, San Francisco, CA 94102 o tumawag sa 415-447-7802 o sa (415) 759-2222.   
  5. Alternatibong Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Alternative Dispute Resolution, ADR). Nakipag-partner na ang Departamento para sa mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Services Department) ng SFUSD sa Bar Association of San Francisco (BASF) at nang makapag-alok ng karagdagang landas tungo sa paglutas ng mga hindi pagkakasundo sa pampaaralang distrito hinggil sa mga pangangailangan sa pag-aaral ng mga estudyante. Naghahandog ang may pagsasanay at walang kinikilingang mga tagapagpadaloy o facilitator mula sa Programa para sa Alternatibong Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Alternative Dispute Resolution, ADR) ng Bar Association ng may kakayahang pamamagitan o mediation para sa pag-iwas at paglutas sa mga reklamo sa pagitan ng mga magulang at ng kawani ng pampaaralang distrito. Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang web page ng Programang ADR o kontakin ang Adminstrador ng Programa (Program Administrator) sa adr@sfusd.edu, o sa (415) 823-4051.

Mga Reklamo ukol sa Espesyal na Edukasyon 

Kapag nagkaroon ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng Distrito at ng magulang/tagapatnubay ng estudyanteng may kapansanan ukol sa pagtukoy, pagtatasa, o pagbibigay ng puwestong pang-edukasyon sa estudyante, o sa pagkakaloob ng libre at naaangkop na pampublikong edukasyon (free appropriate public education, FAPE) sa estudyante, hinihikayat ng SFUSD ang maaga at impormal na resolusyon ng hindi pagkakasundo sa antas ng paaralan hanggang sa makakayanan ito. Ang Distrito o magulang/tagapatnubay ay maaaring:

  1. Lumahok sa proseso ng Alternatibong Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Alternative Dispute Resolution, ADR)
  2. Mag-file ng pamamagitan o mediation lamang at/o pagdinig na may due process  (magkatarungang pagkilala sa mga karapatan sa ilalim ng batas) sa Opisina ng mga Administratibong Pagdinig ng Dibisyon para sa Espesyal na Edukasyon (Office of Administrative Hearings Special Education Division)
  3. Mag-file ng reklamo sa Departamento ng Edukasyon (Department of Education) ng California ng  Proseso sa Pagrereklamo  - Proseso ng Pagtiyak ng Kalidad (Departamento ng Edukasyon ng CA)).

 May matatagpuang detalyadong impormasyon ukol sa proseso ng paglutas sa hindi pagkakasundo ukol sa espesyal na edukasyon sa https://www.sfusd.edu/sped/dispute-resolution.

Opisina ng Ombudsperson para sa mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon

Naglilingkod ang Ombudsperson (tagapagtaguyod ng interes ng publiko) para sa Espesyal na Edukasyon bilang walang kinikilingan na mapagkukunan ng tulong at impormasyon ng mga pamilya sa pamamagitan ng  

  • Pag-iimbestiga sa mga inaalala ukol sa pagsunod sa mga patakaran na nauukol sa mga Programa para sa Pang-indibidwal na Edukasyon (Individual Education Programs, IEP) at/o mga gawain upang makasama ang lahat sa paaralan at sa loob ng mga departamento; 
  • Pagkonekta sa mga pamilya sa SFUSD at sa mga mapagkukunan ng tulong at impormasyon sa komunidad para sa mga indibidwal na may kapansanan;  
  • Pagkakaloob ng pagsasanay at gabay ukol sa Mga Karapatan ng Magulang sa Espesyal na Edukasyon (Parental Rights in Special Education); pagkonekta sa mga pamilya sa mga opsiyon sa Alternatibong Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Alternative Dispute Resolution) sa SFUSD, at pagtulong sa mga pamilya na magamit ang Mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon.   
  • Nakikipagtrabaho rin ang ombudsperson sa mga kawani ng SFUSD upang mapaglingkuran ang mga pamilya at estudyanteng may IEP at makapagbibigay siya ng propesyonal na pag-unlad (professional development, PD) ukol sa pakikipagtrabaho sa mga pamilya ng estudyanteng tumatanggap ng mga serbisyo sa espesyal na edukasyon. 

Mahigpit na nakikipagtrabaho ang opisinang ito sa Dibisyon para sa mga Serbisyo sa mga Estudyante at Pamilya (Student and Family Services Division) upang masuportahan ang pamilya ng mga estudyanteng may kapansanan, at nang lubusan silang makalahok sa mga sistema ng SFUSD nang naaayon sa mga pamantayan sa pakikilahok ng mga pamilya at sa batayang mga pinahahalagahan ng SFUSD, nang may espesyal na pagdidiin sa “Resolusyon ukol sa mga Gawain para sa Pagsasama sa Lahat (Inclusive Practices Resolution)” ng Lupon ng Edukasyon (Board of Education) ng SFUSD. 

Para sa karagdagang impormasyon at tulong sa pag-navigate sa Mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon mangyaring makipag-ugnayan sa:

Mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon ng SFUSD 
555 Franklin Street, 1st Floor
San Francisco, CA 94102
Phone: (415) 759-2222

This page was last updated on November 14, 2022