Kodigo ukol sa Pag-asal (Code of Conduct) ng Empleyado ng Paaralan sa mga Estudyante
Inaasahan ng ng Lupon ng Edukasyon (Board of Education) ng San Francisco Unified School District na magsasagawa ang lahat ng empleyado ng mahusay na pagpapasya, at magpapanatili sila ng propesyonal na mga pamantayan at wastong hangganan sa interaksiyon sa mga estudyante. Naglalaman ang Kodigo ukol sa Pag-asal sa mga Estudyante (Code of Conduct with Students) ng mga seksiyon mula sa naaangkop na Polisiya ng Lupon na espesipikong naipatutupad sa mga interaksiyon ng nakatatanda sa mga estudyante. Hindi ito nilalayong maging ganap na listahan ng hindi propesyonal na pag-asal, at hinihikayat ang mga empleyadong tingnan ang kompletong mga dokumento ng Polisiya ng Lupon sa pamamagitan ng mga link at sanggunian na nasa ibaba.
Kasama sa hindi naaangkop na pag-asal ng empleyado ang mga sumusunod, pero hindi nalilimitahan sa mga ito:
Mga Paglabag sa mga Propesyonal na Pamantayan
- Paglahok sa anumang pag-asal na nakapaglalagay sa mga estudyante sa panganib, kasama na ang pisikal na karahasan, banta ng karahasan, pagkakaroon ng baril o iba pang sandata, ngunit hindi nalilimitahan sa mga ito
- Paglahok sa pangha-harass o panliligalig, o pag-uugali kung saan nagsasagawa ng diskriminasyon sa estudyante, o kabiguan o pagtanggi na makialam kapag naobserbahan na may gumawa ng diskriminasyon, pangha-harass, pananakot, o pambubully o pang-aapi, sa estudyante
- Pisikal na pang-aabuso, seksuwal na pang-aabuso, pagpapabaya, o kung hindi man, malay na pananakit o pagdudulot ng pinsala sa bata
- Paggamit ng bastos, malaswa, o mapang-abusong wika laban sa estudyante, o sa harap ng mga estudyante
- Pagganti laban sa estudyanteng nagsabi ng inaalala o gumawa ng reklamo tungkol sa pag-uugali ng nakatatanda
Paglabag sa mga Propesyonal na Hangganan sa Interaksiyon ng Nakatatanda/Estudyante
- Paglahok sa hindi naaangkop na pakikisalamuha o pakikipagbarkadahan sa estudyante, o paghingi, paghikayat, o pagpapanatili ng hindi naaangkop na nakasulat, pasalita, elektroniko, o pisikal na relasyon sa estudyante
- Pakikipagkita nang mag-isa sa estudyante nang walang lehitimong layunin na pang-edukasyon
- Pag-imbita sa estudyante sa bahay ng empleyado o pagbisita sa bahay ng estudyante nang walang lehitimong layuning pang-edukasyon
- Pagpapanatili ng personal na kontak sa estudyante sa labas ng paaralan sa pamamagitan ng elektronikong komuniasyon, kasama na ang social media (halimbawa, Facebook o Instagram), o iba pang paraan nang hindi isinasama ang principal (punong-guro) ng paarlaan at/o ang mga magulang/tagapatnubay ng estudyante
- Pagbubukod sa estudyante para sa personal na atensiyon, gamit ang personalisadong mga katawagan na nagpapahayag ng pagmamahal, pagsisiwalat ng personal, seksuwal o pribadong inaalala ng nakatatanda, at/o paghikayat sa mga estudyante na sabihin ang mga problemang personal o pampamilya nang walang lehitimong layunin na pang-edukasyon
- Paghawak sa mga estudyante o pagpapasimula ng pisikal na kontak nang walang lehitimong layunin na pang-edukasyon
- Pagsasakay sa (mga) estudyante sa personal na sasakyan sa sitwasyong hindi pang-emergency at nang walang nakasulat na awtorisasyon
- Pakikipag-date, panlalandi, o kung hindi man, pagsubok na magkaroon ng romantiko o seksuwal na relasyon sa sinumang estudyante, anuman ang edad ng estudyante
- Paggawa ng seksuwal na pag-insulto, seksuwal na pagbibiro, paglahok sa seksuwal na palitan ng mga salita, pahiwatig o pagsusulat ng seksuwal na liham sa mga estudyante
- Pagtingin nang may malisya, o paggawa ng personal na komento, sa katawan ng estudyante
- Pagpapakita o pagbibigay ng seksuwal na bagay, pornograpiya, litrato, o paglalarawan sa estudyante
Tungkulin sa Pagre-report
Dapat agad na i-report ng sinumang empleyadong maoobserbahan o alam ang tungkol sa hindi naaangkop na pag-asal sa pagitan ng isa pang empleyado at estudyante, ang gayong pag-asal sa administrador ng paaralan o sa Katuwang na Superintendente (Assistant Superintendent). Dapat mag-file ng report o ulat ang sinumang empleyado na alam o nagsususpetsa ng pang-aabuso o pagpapabaya sa bata, alinsunod sa polisiya ng Distrito ng SFUSD at Administratibong Regulasyon ng SFUSD 5141.4 -- Pag-iwas at Pag-uulat ukol sa Pang-aabuso sa Bata (Child Abuse Prevention and Reporting).
This page was last updated on October 28, 2022