Pag-eenroll at mga Karapatan ng Kabataang Foster
(Polisiya ng Lupon o Board Policy 6173.1 ng SFUSD)
Ang mga batang dependent (nasa pangangalaga) ng seksiyon ukol sa Dependency (kaso ng menor de edad na posibleng mailagay sa kustodiya ng gobyerno) at nakatira sa pagpupuwesto o pagtatalaga sa kanila sa labas ng kanilang tahanan (out of home placement), ayon sa ipinag-uutos ng seksiyon para sa Pagpapabaya (Delinquency) ng Hukumang Pangkabataan, at gustongmagpatala sa SFUSD ay mag-eenroll sa mga sumusunod na lokasyon:
Magpapatala ang mga estudyante na nakatalaga sa Programa para sa Pangkalahatang Edukasyon at ng Espesyalista sa mga Rekurso (General Education and Resource Specialist Program, RSP) sa Sentro para sa Pagbibigay ng Puwesto sa mga Institusyong Pang-edukasyon (Educational Placement Center, EPC) na nasa 555 Franklin Street, Room 100. (415) 241-6085
Papupuntahin ang mga estudyante na nakatalaga sa Espesyal na Klaseng Pang-araw (Special Day Class, SDC), Mga Sentro para sa Pinagsamang Paaralan at Terapiyutikong Paggamot (Day Treatment), o Hindi Paaralang Pampubliko (Non Public School, NPS) sa Yunit para sa Pagtatalaga sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Placement Unit) na matatagpuan sa EPCEPC para sa naangkop na pagpupuwesto sa paaralan. (415) 355-6995
Agad na ipa-eenroll ng SFUSD ang batang foster kahit na hindi makapagpasulpot ang batang foster ng rekord o damit na normal na kinakailangan para sa pag-eenroll, kagaya ng nakaraang akademikong rekord, medikal na rekord, patunay ng pagiging residente, iba pang dokumentasyon, o unipormeng pampaaralan. Para makita ang naaangkop na pagtatalaga sa paaralan ng estudyante, hinihikayat ang pagkakaloob ng mahahalagang dokumento sa panahon ng pagpapa-enroll.
Kapag nagkaroon ng pagbabago sa pagtatalaga ng tahanan (home placement), pahihintulutan ang batang foster na manatili sa pinagmulang paaralan (school of origin) habang nasa hurisdiksiyon ng hukuman. Kapag lumabas na ang batang foster sa pangangalagang foster sa kalagitnaan ng taon, pinapayagan silang manatili sa kanyang pinagmulang high school sa nananatiling panahon ng akademikong taon. Ang mga estudyante na nasa high school, na may hurisdiksiyon ng hukuman na nagtatapos habang nasa high school, ay puwedeng manatili sa Pinagmulang Paaralan hanggang sa pagtatapos. Kailangang makompleto sa paaralan ang form na pagpapalit ng address (change of address) na may kasamang EPC at card para sa emergency. Kung ang pinagtatalagahang tahanan ay nasa labas ng county, kinakailangan ng distrito-sa-distritong paglilipat (inter-district transfer); gayon pa man, hindi maaantala ang pagtatalaga ng paaralan.
Ang batang foster na nagpapalit ng tahanan alinsunod sa ipinag-uutos ng hukuman o desisyon ng kawani para sa kapakanan ng bata (child welfare worker) ay agad na ituturing na tumutugon sa lahat ng pangangailangan sa paninirahan para sa partisipasyon sa interscholastic sports (palakasan sa pagitan ng mga paaralan), o iba pang extracurricular activities (mga gawain sa labas ng regular na kurikulum).
Upang makakuha ng iba pang impormasyon ukol sa mga rekurso para sa kabataang foster (nasa pangangalaga ng gobyerno), kasama na ang libreng pagtu-tutor, kontakin ang Programa para sa Pakikipag-ugnay ukol sa mga Serbisyo para sa Kabataang Nasa Pangangalaga ng Pamahalaan (Foster Youth Services Coordinating Program, FYSCP) sa (415) 242-2615.
Mga Probisyon ng Panukalang-Batas ng Asembleya 490
Pinamamahalaan ng Panukalang Batas ng Asembleya 490 ang mga tungkulin at karapatan na kaugnay sa edukasyon ng mga dependent at ward (nasa pangangalaga) ng pangangalagang foster. Mahahalagang probisyon ng Panukalang-Batas ng Asembleya 490 ang sumusunod.
Katatagan ng Paaralan
- Itinatakda sa mga tagapagtalagang ahensiya ng county na magtaguyod ng katatagang pang-edukasyon sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa erya ng pinapasukang paaralan ng bata sa kanilang mga desisyon sa pagtatalaga.
- Pinahihintulutan ang batang foster na agad na makapagpatala sa paaralah kahit na wala pa ang mga kinakailangang rekord sa paaralan, pagpapabakuna, o unipormeng pampaaralan.
- Lumilikha ng katatagang pampaaralan sa mga batang foster sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanilang panatili sa pinagmulang paaralan kapag nagbago ang kanilang pagtatalag, at kung nasa kanilang pinakamagandang interes ang pananatili sa paaralan ding iyon.
- Nagkakaloob sa batang foster na manatiling naka-enroll at pumapasok sa pinagmulang paaralan habang hindi pa napagpapasyahan ang mga pagtatalo sa pagtatalaga ng paaralan.
- Itinatakda sa mga Lokal na Ahensiyang Pang-edukasyon (Local Educational Agencies, LEAs) na magkaroon ng kawani bilang tagapag-ugnay para sa edukasyon sa pangangalagang foster, at nang matiyak ang tamang pagtatalaga, paglilipat, at pagpapatala sa paaralan ng mga kabataang foster.
- Itinatakda na maisaalang-alang ang isang komprehensibong pampublikong paaralan bilang unang opsiyon para sa pagtatalaga ng paaralan para sa mga kabataang foster.
Paglilipat ng mga Rekord nang Napapanahon
- Kapwa binibigyan ng responsibilidad ang mga LEA at social worker ng county o mga opisyal ng probation para sa napapanahong paglipat ng mga estudyante at kanilang rekord kapag nagkaroon ng pagbabago ng paaralan.
- Itinatakda sa LEA na ihatid ang impormasyon tungkol sa edukasyon at mga rekord ng estudyante sa susunod na pagtatalagang pang-edukasyon, sa loob ng 2 araw ng trabaho na pagkakatanggap ng kahilingan para sa paglipat, mula sa ahensiya para sa pagtatalaga ng county o LEA.
Proteksiyon para sa mga Grado at Credit
- Kailangang tanggapin ng Distrito ang credit para sa buo o bahagi lamang na coursework na katanggap-tanggap na nakompleto ng estudyante na foster, at nakuha habang pumapasok sa pampublikong paaralan, paaralan ng hukumang pangkabataan, o hindi pampubliko at hindi sectarian na paaralan. Hindi itatakda sa mga estudyante na foster na kuning muli ang isang kurso kung katanggap-tanggap nang nakompleto ng estudyante ang buong kurso sa isang pampublikong paaralan, paaralan ng hukumang pangkabataan o hindi pampubliko at hindi rin sectarian na paaralan o ahensiya; at hindi rin pagbabawalan ang estudyante sa pagkuhang muli o pagkuha ng isang kurso para matugunan ang mga pangangailangan para maging karapat-dapat sa pagtanggap sa California State University o sa University of California. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 51225.2)
- Tinitiyak na hindi maparurusahan ang mga kabataang foster para sa hindi pagpasok sa klase dahil sa mga pagbabago sa pagtatalaga (placement), pagharap sa hukuman, o iba pang gawaing may kinalaman sa kautusan ng hukuman.
Pinagmulang Paaralan (Panukalang-Batas ng Asembleya 1933)
Pinahihintulutan ng Panukalang Batas ng Asembleya 1933 (AB 1933) na manatili ang isang batang foster sa kanyang pinagmulang paaralan hangga’t nasa pangangalagang foster ang bata. Ang ibig sabihin nito, puwedeng manatili ang batang foster sa kanyang pinagmulang paaralan at/ sa school feeder pattern kahit na:
- Magpalit ng antas sa paaralan ang bata, o
- Lumabas ang bata sa erya ng paaralan o sa distrito habang nasa pangangalagang foster.
Kapag isinara ang kaso ng batang foster bago ang pagtatapos ng akademikong taon, kailangang payagan ang batang foster na patuloy na makapasok sa kanyang pinagmulang paaralan sa “kabuuan ng akademikong taon.” Kodigo ng Edukasyon ng CA § 48853.5(d)(2).
Pinagmulang Paaralan (Panukalang-Batas ng Senado 1568) Pinahihintulutan ng Panukalang-Batas ng Senado 1568 (“SB 1568”) ang isang dating batang foster na magpatuloy sa kanyang Pinagmulang Paaralan hanggang sa pagtatapos kapag nawala na ang hurisdiksiyon ng hukuman habang nasa high school ang estudyante. Kodigo sa Edukasyon ng CA § 48853.5
Pinagmulang Paaralan (School of Origin)
Ang pinagmulang paaralan ay maaaring ang paaralan na pinasukan ng batang foster noong permanente siyang binigyan ng tirahan o ang paaralan kung saan huling naka-enroll ang batang foster habang nasa pangangalagang foster. Kung mayroong ibang paaralan kung saan konektado ang batang foster at pinasukan nito nitong nakaraang 15 buwan, pwuede ring ituring ang paaralan na iyon bilang pinagmulang paaralan. Kodigo sa Edukasyon ng CA § 48853.5(e).
Mga Karapatang Pang-edukasyon
May karapatan ang mga magulang na gumawa ng mga desisyong pang-edukasyon para sa kanilang mga anak, maliban na lamang kung ang anak ay nasa legal na pangangalaga (legal guardianship), napalaya na para sa pagpapa-ampon ang anak (winakasan na ang mga karapatang pang-magulang), o kung nilimitahan na ng hukumang pangkabataan o iba pang hukuman ang kanilang karapatang pang-edukasyon. Sa panahon na nililimitahan ng korte ang mga karapatang pang-edukasyon, kailangang magtalaga ito ng nakatatandang may responsibilidad para gumawa ng mga desisyong pang-edukasyon. Kung walang matukoy na gayon ang korte para sa estudyanteng nabigyan na ng pagtatasa, o tumatanggap na ng mga serbisyo para sa espesyal na edukasyon, irerekomenda ng korte ang kaso sa Tagapag-ugnay para sa mga Kahaliling Patnubay sa Edukasyon (Educational Surrogate Coordinator) ng SFUSD para sa pagtatalaga ng kahaliling magulang.
Mga Pagkakaroon ng Pamamaraang Makakuha ng mga Rekord na Pang-edukasyon para sa Kapakanan ng Bata (Child Welfare Access to Education Records, Batas ng Asembleya 643)
Pinahihintulutan ng Panukalang-Batasng Asembleya 643 (AB 643) na magkaroon ng akses sa mga rekord ng estudyante ang caseworker ng ahensiya o iba pang kinatawan ng pang-estado o lokal na ahensiya para sa kapakanan ng mga bata, na siyang may legal na responsibilidad, alinsunod sa batas ng estado, para sa pangangalaga at proteksiyon ng estudyante. Maaaring ipagkaloob ang mga rekord ng estudyante sa mga nasa itaas nang walang nakasulat na pahintulat ang magulang o kung nasa ilalim ng pag-uutos ng hukuman. Kodigo sa Edukasyon ng CA § 49076(L)(i)
Maaaring isiwalat ng mga case worker ng ahensiya o ng kinatawan, ang mga rekord ng estudyante, o ang impormasyon na makatutukoy dito, sa mga awtorisadong tao na nagkakaloob ng kaugnay na tulong na pang-edukasyon. Ang mga rekord, o anumang nakatutukoy na impormasyon na nakapaloob sa mga rekord na iyon, ay hindi dapat isiwalat ng ahensiya sa ibang pagkakataon, maliban na lamang kung pinahihintulutan sa ilalim ng FERPA. Kodigo sa Edukasyon ng CA § 49076(L)(ii)
Pagkakaroon ng Tagapag-alaga/Foster na Magulang ng Pamamaraang Makakuha ng mga Rekord na Pang-edukasyon (Batas ng Senado 233)
Sa ilalim ng batas ng estado, puwedeng makuha ng tagapangalaga/Resource Family (Nasa Labas ng Tahanan na Tagapangalaga sa Kabataang Foster) ang kasalukuyang rekord sa paaralan ng kanilang kabataang foster para sa layunin ng pagtitityak na makakukuha ang estudyante ng mga serbisyo, suporta at gawaing pang-edukasyon (kung baga, makapag-enroll ang estudyante sa paaralan; matulungan siya sa homework o takdang gawain, assignment sa klase o aplikasyon para sa kolehiyo; maka-enroll sa gawaing extracurricular o nasa labas ng kurikulum, mabigyan ng pagtu-tutor, mga gawaing afterschool o pagkatapos ng klase, o para sa pagpapayaman ng kaalaman). Kasama sa mga rekord na puwedeng makuha ng tagapangalaga ang kasalukuyan o pinakabagong mga grado, transcript (opisyal na rekord ng trabaho ng mag-aaral), pagpasok sa klase, pagdidisiplina, online na komunikasyon sa mga plataporma na para sa mga mag-aaral at magulang, mga plano para sa IEP at 504. Puwedeng magkaroon ang tagapangalaga/Resource Family ng mga rekord na ito kahit na hindi siya ang may hawak ng pang-edukasyon na mga karapatan. Puwedeng magamit ng mga Tagapangalaga/Resource Families na walang hawak na pang-edukasyon na mga karapatan ang Limitadong ParentVUE CA Kodigo sa Edukasyon (Education Code) 49069.3 (a), (b).
Mga Karapatan ng Paaralan sa Pagdidisiplina (Panukalang-Batas ng Asembleya 1909)
Pinamamahalaan ng Panukalang-Batas ng Asembleya 1909 ang mga tungkulin at karapatang may kaugnayan sa mga estudyante na foster sa mga proseso ng pagdidisiplina sa paaralan. Mga mahahalagang probisyon ng Panukalang-Batas ng Asembleya 1909 ang sumusunod:
Pagpapahaba ng Suspensiyon
Kapag isinangguni ang batang foster sa pulong para sa pagpapahaba ng suspensiyon, para sa paglabag na hindi nangangailangan ng pagsangguni ukol sa ipinag-uutos na suspensiyon/expulsion (mahabang suspensiyon), kailangang maabisuhan ang abugado ng kabataang foster at ang kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata tungkol sa mga proseso at maimbitahan na lumahok sa pulong para sa pagpapahaba ng suspensiyon. Ang Abisong ito ay puwede ring ipagkaloob sa abugado ng estudyante/kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata para sa mga paglabag na hindi nangangailangan ng ipinag-uutos na suspensiyon at expulsion. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48853.5, 48911).
Manifestation Determination (proseso para malaman kung ang problema ay palatandaan ng kapansanan)
Kapag nagsagawa ng manifestation determination para sa estudyanteng foster para sa paglabag na hindi nangangailangan ng ipinag-uutos na pagsangguni para sa expulsion, iimbitahin ang abugado ng estudyante at ang kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata sa pulong. Puwedeng ibigay ang imbitasyon sa pamamagitan ng koreo, email o tawag sa telepono. Puwede ring ibigay ang Abisong ito sa abugado ng estudyante/kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata para sa mga paglabag na nangangailangan ng ipinag-uutos na pagsangguni para sa expulsion.
Abiso ukol sa Expulsion (Mahabang Suspensiyon)
Kapag inirerekomenda ang estudyanteng foster para sa expulsion dahil sa paglabag na hindi nangangailangan ng ipinag-uutos na pagsangguni para sa expulsion, kailangang ipagbigay-alam ng Distrito sa abugado ng estudyante at sa kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata ang tungkol sa pagdinig 10 araw ng kalendaryo bago ang petsa ng pagdinig. Puwedeng ibigay ang abisong ito sa pamamagitan ng koreo, email o tawag sa telepono. Puwede ring ibigay ang abisong ito sa abugado ng estudyante/kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata para sa mga paglabag na nangangailangan ng pagsangguni para sa ipinag-uutos na expulsion.
Pagpapatibay ng Paaralan at Pagpapalawak ng Suporta ng Komunidad:
Napatotohanan nang fact o katunayan na mas mahusay na gumaganap sa paaralan ang mga kabataang nasa matatag na tahanan at may matatatag na suporta. Gayon pa man, 62% ng mga kabataang foster ng San Francisco ang nakatira sa labas ng San Francisco.
Kung interesado kayong mag-foster, mag-ampon, o magboluntaryo para sa kabataang foster, pumunta sa www.foster-sf.org.
This page was last updated on November 14, 2022