3.8.4 Mga Karapatan sa Pag-eenroll ng mga Estudyante at Pamilyang Nakararanas ng Kawalan ng Tahanan (Students and Families Experiencing Homelessness, SAFEH)

Mga Karapatan sa Pag-eenroll ng mga Estudyante at Pamilyang Nakararanas ng Kawalan ng Tahanan (Students and Families Experiencing Homelessness, SAFEH)

(Polisiya ng Lupon o Board Policy ng SFUSD 6173)

Batas na McKinney-Vento

Ang Batas na McKinney-Vento ay pederal na batas na nilikha upang  matanggal ang mga hadlang na hinaharap ng mga estudyanteng nakararanas ng kawalan ng tahanan sa kanilang pagpapatala, pagpasok sa klase, at tagumpay sa paaralan. 

Depinisyon sa Kawalan ng Tahanan (Homelessness)

Ayon sa Batas na McKinney-Vento para sa Pagbibigay-Tulong sa mga Walang Tahanan (McKinney-Vento Homeless Assistance Act), ang estudyante ay walang tahanan o homeless kung nakatira siya sa: 

  • Bahay o apartment kung saan kasama ang mahigit sa isang pamilya dahil sa pagkawala ng pabahay o dahil sa pinansiyal na kahirapan (kung baga, “naka-doble o doubled-up” o “naka-triple o tripled up” 
  • Kasama ng mga kaibigan o pamilya dahil naglayas (runaway) o kabataang wala sa pisikal na kustodiya ng magulang o tagapatnubay (unaccomopanied youth). 
  • Nakatira sa pabahay na nasa hindi magandang kondisyon o substandard (kung baga, walang koryente, tubig, o gas)
  • Nasa shelter (shelter na pampamilya, mga nakaalpas sa karahasan sa tahanan o pangkabataan, o programa para sa transisyonal na pamumuhay)
  • Nasa motel, hotel SRO, o pabahay na lingguhan ang bayad
  • Nasa abandonadong gusali, kotse, trailer park, kampuhan o campground o nasa kalye 

Pagpili ng Paaralan/ Mga Karapatan ng mga Estudyante (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48852.7)

Ang estudyanteng walang tirahan ay maaaring pumasok sa huling paaralan kung saan siya naka-enroll, kung maari, o pumasok sa paaralan sa lugar na pansamantalang naninirahan ang pamilya. 

Kapag nagbago ang estado ng estudyanteng homeless bago ang pagtatapos ng akademikong taon at magkaroon na siya ng tahanan, isa sa mga sumusunod ang ipatutupad:

(1) Puwedeng manatili ang mga estudyanteng nasa high school sa pinagmulang paaralan hanggang sa makapagtapos; (2) Puwedeng manatili ang mga estudyanteng nasa mga grado 1-8 sa pinagmulang paaralan sa kabuuan ng akademikong taon.  

Tinutukoy ng “pinagmulang paaralan (school of origin)” ang paaralan na pinapasukan ng estudyante noong may permanente na siyang tirahan o ang paaralan kung saan huling naka-enroll ang estudyante. Kung iba ang paaralan na pinasukan ng estudyante noong may permanente pa siyang tirahan sa paaralan kung saan huling naka-enroll ang estudyante, o kung may iba pang paaralan na pinasukan ang estudyante kung saan konektado ang estudyante at pinasukan niya ito nitong nakaraan lamang na 15 buwan, pagpapasyahan ng tagapag-ugnay para sa edukasyon (education liason), nang may konsultasyon at pagpayag ng estudyante at ng taong may karapatan na gumawa ng mga desiyon para sa estudyante, at habang isinasaalang-alang ang pinakamainam para sa estudyante, kung ano ang paaralan na ituturing na pinagmulang paaralan. 

Puwedeng maghain ng mga reklamo ng hindi pagsunod sa mga probisyong ito gamit ang Uniform Complaint Procedures (Tignan ang Tsapter 7 Mga Polisiya at Patakaran sa Pagrereklamo).

Pag-eenroll (Enrollment)

Kailangang agad na ipatala ng mga paaralan ang mga estudyante na homeless, kahit na wala silang

  • Mga Akademikong Rekord
  • Patunay ng Paninirahan (Proof of Residency)
  • Mga Medikal na Rekord  
  • Mga Rekord ng Pagpapabakuna*

*Pahihintulutan ang 30-araw na kondisyonal na pagpapatala kapag hindi nagkaloob ng mga rekord ng pagpapabakuna.

Ang mga Estudyante at Pamilyang Nakararanas ng Kawalan ng Tahanan na gustong magpa-enroll sa SFUSD sa unang pagkakataon ay magpapa-enroll sa Sentro para sa Pagbibigay ng Puwesto sa Edukasyon (Educational Placement Center, EPC) na matatagpuan sa 555 Franklin Street, Room 100 ((415) 241-6085 o (415) 241-6136).  

Ang mga pamilyang naka-enroll na sa SFUSD, at dahil dito ay natutugunan ang mga itinatakda na nakalista sa itaas ay dapat kontakin ang Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng mga Estudyante at Pamilya (Student & Family Resource Link): 

Mga Serbisyo

Ang social worker na naka-base sa paaralang K-8  (nasa K-8) at ang Wellness Coordinator (Tagapag-ugnay para sa Kagalingan ng Katawan at Isip) ng HS ang siyang “point person (taong may responsibilidad) para sa mga estudyante at pamilyang nakararanas ng kawalan ng tahanan. 

Puwedeng makipag-ugnay ang mga SAFEH na pamilya sa mga propesyonal na ito kung mayroon silang espesipikong mga pangangailangan o rekurso. Puwedeng makontak ng SAFEH na pamilya ang Programa para sa mga Pamilya at Kabataang nasa Transisyon (Families and Youth in Transition Program) o tawagan ang Tagapag-ugnay para sa sa Pagpapatupad ng Batas na McKinney-Vento (McKinney-Vento Liaison) sa SFUSD sa pamamagitan ng pagkontak sa Link para sa mga Estudyante at Pamilya (Student & Family Link): 

Proseso para sa Pag-aayos ng Mga Alitan 

Kailangang tiyakin ng mga lokal na ahensiyang pang-edukasyon (local educational agencies, LEA) na bawat bata at kabataang homeless ay may kapantay na akses sa kaparehong libre at naangkop na pampub-likong edukasyon, kasama na ang mga pampublikong programang pre-school, na kagaya ng sa iba pang bata at kabataan. Ang mga sumusunod ang mga bahagi para sa pag-aayos ng mga alitan:  

Kapag nagkaroon ng alitan tungkol sa pagpili ng paaralan o pagpapa-enroll, kailangang agad na ipa-enroll ang bata/ kabataan sa paaralan kung saan siya nagpapa-enroll habang hindi pa nagpapasya tungkol sa alitan. (Batas Publiko o Public Law 107-110, Seksiyon 722 (g)(3)(E)(iv)). Binibigyang-depinisyon ang pagpapa-enroll bilang “pagpasok sa klase at buong paglahok sa mga gawain ng paaralan.”

Kailangang isangguni ng paaralan ang estudyante, magulang, o tagapatnubay sa Tagapag-ugnay (Liaison) ng Distrito at nang maisagawa ang proseso ng pag-aayos ng alitan sa pinakamabilis na panahon hanggang sa maaari. Kailangang tiyakin ng Tagapag-ugnay ng Distrito na masusunod din ang proseso sa pag-aayos ng mga alitan para sa mga kabataang wala sa pisikal na kustodiya ng mga magulang o tagapag-alaga (unaccompanied youth). 

Kailangang magkaloob ng nakasulat na paliwanag ng desisyon ng paaralan tungkol sa pagpili ng paaralan o pagpapatala kapag tinutulan ng magulang, tagapatnubay o unaccompanied youth ang gayong pagpili ng paaralan o desisyon sa pagpapa-enroll kasama na ang karapatan na mag-apela (Pampublikong  Batas 107-110, Seksiyon 722(g)(3)(E)(ii)). Kailangang kompleto ang nakasulat na paliwanag, maikli hanggang maaari, payak ang pagkakasaad, at ipinagkakaloob sa wika na naiintindihan ng magulang, tagapatnubay, o unaccompanied youth.

Kapag nanatiling hindi naaayos ang alitan sa antas ng distrito o kapag inapela ito, ipadadala ng Tagapag-ugnay ng Distrito ang lahat ng nakasulat na dokumentasyon at kaugnay na papeles sa homeless liason sa opisinang pang-edukasyon (COE) ng county.  Ang tagapag-ugnay ng COE ang Tagapamahalang Direktor ng Dibisyon para sa Pagbibigay-Suporta sa Mag-aaral, Pamilya at Komunidad. Rerepasuhin ng Tagapamahalang Direktor ang mga materyal at magpapasya tungkol sa pagpili ng paaralan o pagpapatala sa loob ng limang (5) araw ng trabaho matapos matanggap ang mga materyal. Aabisuhan ng Tagapamahalang Direktor ang Tagapag-ugnay ng Distrito at ang magulang tungkol sa desisyon.

Kapag hindi pa rin naayos ang alitan, ipadadala ng Tagapamahalang Direktor ng Departamento para sa Pagbibigay-Suporta sa Mag-aaral, Pamilya at Komunidad ang lahat ng nakasulat na dokumentasyon at kaugnay na papeles sa Tagapag-ugnay para sa Mga Walang Tahanan ng Estado (State Homeless Coordinator). Matapos ang pagrerepaso ng LEA, COE, at impormasyon ng magulang, aabisuhan ng Departamento ng Edukasyon ng California ang magulang tungkol sa pagpili ng paaralan o desisyon hinggil sa pagpapa-enroll sa loob ng (10) araw ng trabaho matapos matanggap ang mga materyales. Puwede kayong makipag-ugnay sa State Homeless Coordinator, na si Leanne Wheeler sa pamamagitan ng telepono (916) 319-0383 o sa pamamagitan ng email sa lwheeler@cde.ca.gov.

Mga Grado at Hindi pa Kompletong (Partial) Credit

Kailangang tanggapin ng Distrito ang credit para sa buo o bahagi lamang na coursework na katanggap-tanggap na nakompleto ng estudyanteng homeless, at nakuha habang pumapasok sa pampublikong paaralan, paaralan ng hukumang pangkabataan, o hindi pampubliko at hindi sectarian na paaralan. Hindi itatakda sa mga estudyanteng homeless na kuning muli ang kurso kung katanggap-tanggap nang nakompleto ng estudyante ang buong kurso sa pampublikong paaralan, paaralan ng hukumang pangkabataan o hindi pampubliko at hindi rin sectarian na paaralan o ahensiya; at hindi rin pagbabawalan ang estudyante sa pagkuhang muli o pagkuha ng kurso para matugunan ang mga pangangailangan para maging karapat-dapat sa pagtanggap sa California State University o sa University of California. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 51225.2)

Disiplina/Manifestation Determination (proseso para malaman kung ang problema ay palatandaan ng kapansanan) 

Kapag nagsagawa ng manifestation determination sa estudyante na homeless para sa paglabag na hindi nangangailangan ng ipinag-uutos na pagsangguni para sa expulsion, iimbitahin ang Homeless Liaison na lumahok sa pulong. Posibleng ibigay ang imbitasyon sa pamamagitan ng koreo, email, o tawag sa telepono. Posible ring ibigay ang Abisong ito sa Homeless Liaison para sa mga paglabag na nangangailangan ng ipinag-uutos na pagsangguni para sa expulsion. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915.5(e))

Abiso ng Expulsion (Mahabang Suspensiyon)

Kapag inirerekomenda ang  estudyante na homeless para sa expulsion para sa paglabag na hindi nangangailangan ng ipinag-uutos na pagsangguni para sa expulsion, kailangang ipagbigay-alam ng Distrito sa Homeless Liaison ang tungkol sa pagdinig 10 araw ng kalendaryo bago ang petsa ng pagdinig. Posibleng ibigay ang abisong ito sa pamamagitan ng koreo, email, o tawag sa telepono. Puwede ring ibigay ang Abisong ito sa Homeless Liaison para sa mga paglabag na nangangailangan ng pagsangguni ukol sa ipinag-uutos na expulsion. ((Kodigo sa Edukasyon ng CA 48918.1(b))

Palakasan sa Pagitan ng Mga Paaralan (Interscholastic Sports) o Extracurricular Activities (Mga Gawain sa Labas ng Regular na Kurikulum) 

Ang bata o kabataang homeless ay agad na ituturing na tumutugon sa lahat ng pangangailangan sa paninirahan para sa partisipasyon sa  interscholastic sports o iba pang extracurricular activities.

This page was last updated on November 14, 2022