Mga Paglilipat ng Paaralan/Pagbabago sa Pagiging Kuwalipikado sa Programa
Nakagagambala ang paglipat sa akademikong taon para sa mga estudyante at paaralan, at hindi ito tinatanggap sa pangkalahatan. Hindi pahihintulan ang mga paglipat matapos ang unang linggo ng Setyembre maliban na lamang sa mga sumusunod na sirkumstansiya:
- Pagpapalit ng address
- Aksiyong pandisiplina
- Mga Inaalala sa kaligtasan
- Mga paglipat na Inaprubahan ng Pangkat para sa IEP para sa mga estudyante ng espesyal na edukasyon
i. Pagpapalit ng address
Ang mga magulang/tagapatnubay na lilipat sa nasasakupan ng San Francisco ay posibleng mapayagan na ilipat ang kanilang anak sa paaralan na mas malapit sa bagong tahanan batay sa makukuhang espasyo/programa, at para sa espesyal na edukasyon, batay sa mga bukod-tanging pangangailangan ng estudyante ayon sa itinatakda ng IEP ng estudyante. Puwedeng irekomenda ng EPC ang magulang/tagapatnubay ng estudyante ng espesyal na edukasyon sa IEP team ng estudyante. (Tingnan ang “Mga Paglipat na Aprubado ng Pangkat para sa IEP o IEP Team-Approved Transfers” na nasa ibaba.)
Puwedeng magsumite ang mga magulang/tagapatnubay ng kahilingan para sa paglipat sa pamamagitan ng pagkompleto ng form na Pagpapalit ng Address (Change of Addresss) at pagsusumite nito sa Educational Placement Center (EPC) sa 555 Franklin Street, Room 100, telepono: (415) 241-6085. Kailangang maisumite ang pagpapalit ng address sa loob ng 14 araw matapos ang paglilipat.
Kailangang may kasamang ID na may larawan ng magulang/ tagapatnubay at patunay ng bagong address ang form para sa Pagpapalit ng Address. Kailangang nasa dalawang patunay ng address ang pangalan at address ng magulang/tagapatnubay at kailangang may petsa ito at nasa kasalukuyang panahon.
Katanggap-tanggap na dokumento ang alinmang dalawa sa mga sumusunod: singil sa utility (halimbawa, koryente, tubig o gas) na may petsang nasa loob ng 45 araw, o kasulukuyang polisiya sa seguro ng sasakyan at pagpaparehistro ng sasakyan, polisiya sa seguro ng may-ari ng tahanan o umuupa, pahayag ukol sa buwis sa ari-arian, kasunduan sa pag-upa, kasunduang Seksiyon 8, pay stub (patunay ng suweldo), pagkakarehistro ng botante, o liham na ipinadala sa koreo sa magulang/tagapatnubay ng ahensiya ng gobyerno (halimbawa, mga serbisyong panlipunan) at may petsang nasa loob ng 45 araw. Hindi maaaprubahan ang mga paglipat na ito hanggang sa makalipas ang ika-15 ng Abril.
ii. Aksiyong Pandisiplina
Puwedeng lumipat ang mga estudyante sa pamamagitan ng Mga Serbisyo para sa Mag-aaral (Pupil Services) bilang resulta ng pagdinig para sa mahabang suspensiyon (expulsion hearing) o kumperensiya para sa pagpapayo. Kapag inilipat ang estudyante ng espesyal na edukasyon sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Mag-aaral bilang resulta ng pagdinig sa pagpatalsik o kumperensiya ng pagpapayo, titiyakin ng Mga Serbisyo ng Mag-aaral at ng nagpapadalang paaralan na maifa-fax ang kopya ng kasalukuyang IEP ng estudyante sa tumatanggap na paaralan. Kung kinakailangan, lalahok ang nagpapadalang paaralan sa IEP ng tumatanggap na paaralan sa loob ng 30 araw.
iii. Proseso ng Paglipat para sa Kaligtasan (Safety Transfer)
Kailangang nakabatay ang mga kahilingan para sa proseso ng paglipat para sa kaligtasan sa mga nagpapatuloy at kapani-paniwalang banta ng malubhang pisikal, sikolohikal o emosyonal na pinsala. Halimbawa, posibleng pasimulan ang Paglipat para sa Kaligtasan dahil sa may patunay na pag-aalala para sa kaligtasan kaugnay ng karahasan, seksuwal na pangha-harass/pag-atake (“Titulo IX”) o insidente ng pambu-bully o pang-aapi. Pinasisimulan ang lahat ng kahilingan ng paglipat para sa kaligtasan sa paaralan, ng magulang/tagapatnubay na magsusumite ng nakasulat na deskripsiyon ng nagpapatuloy at kapani-paniwalang banta sa kaligtasan ng estudyante at ng kinakailangang dokumentasyon ng ahensiya (tingnan sa ibaba) sa administrador ng paaralan o ng itinakda nito. Kokompletuhin ng paaralan ang imbestigasyon tungkol sa ini-report na pag-aalala, at kung mapapatunayan ang pag-aalalang ito, kokompletuhin ng paaralan ang kahilingan ng Paglipat para sa Kaligtasan.
Kasama sa kahilingan ng paglipat para sa kaligtasan ang:
- Pirmado at nakompleto nang form para sa Paglipat para sa Kaligtasan (Safety Transfer form) na kinompleto ng nakatalaga sa paaralan
- Kopya ng imbestigasyon ng paaralan na kinompleto ng paaralan upang matugunan ang mga inaalala ng magulang
- Kopya ng kailangang dokumentasyon ng ahensiya (tingnan sa ibaba) na ipinagkaloob ng pamilya.
Kailangang isumite ng magulang/tagapatnubay ang mga sumusunod na uri ng dokumentasyon ng ahensiya ukol sa nagpapatuloy at kapani-paniwala na banta ng malubhang pisikal, sikolohikal, o emosyonal na pinsala.
- Nakasulat na pahayag mula sa kinatawan ng naaangkop na ahensiya ng estado o lokal na ahensiya, kasama na ang, ngunit hindi nalilimitahan sa, mga opisyal para sa pagpapatupad ng batas o social worker, o propesyonal na wasto ang pagkakaroon ng lisensiya o pagpaparehistro, kasama na ang, ngunit hindi nalilimitahan sa mga psychiatrist (espesyalistang doktor sa mga sakit sa isip), psychologist o sikologo, o mga therapist sa pag-aasawa at pamilya, O
- Utos ng korte, kasama na ang pansamantalang pagpigil sa mga partikular na aksiyon (restraining order) at atas sa pagpapatupad (injunction), na inilabas ng hukom, O
- Kopya ng ulat ukol sa imbestigasyon (insidente) na kinompleto ng naaangkop na Ahensiya para sa Pagpapatupad ng Batas (Law Enforcement Agency) O Ang Titulo IX na liham ng Pag-aabiso ukol sa Kinahinatnan (Notice of Outcome)/ liham ukol sa napagpasyahan na natanggap mula sa paaralan O
- Liham ukol sa kinahinatnan/ liham na nagpapahayag ng pagpapasya ukol sa pambu-bully o pang-aapi na natanggap mula sa paaralan.
Puwede ring magsama ang magulang/tagapatnubay ng anumang iba pang nagbibigay ng suportang dokumentasyon.
Ipadadala sa elektronikong paraan ng itinalaga ng paaralan ang nakompleto nang pakete ukol sa Paglipat para sa Kaligtasan (Safety Transfer packet) sa Opisina para sa mga Serbisyo sa Mag-aaral (Office of Pupil Services) , sa pamamagitan ng pagsusumite ng kahilingan sa pamamagitan ng OPS Portal.
Nirerepaso ang mga kahilingan para sa Paglipat para sa Kaligtasan ng lupon na binubuo ng pangkat na mula sa iba’t ibang disiplina (multidisciplinary team) na nasa distrito.
Rerepasuhin ang mga kahilingan para sa paglipat para sa kaligtasan sa ilalim ng mga sumusunod na proseso:
- 1. Ipoproseso sa loob ng dalawang linggo ang lahat ng kahilingan na taglay ang lahat ng kinakailangan dokumentasyon.
- a. Aaprubahan ang mga kahilingan para sa Paglipat para sa Kaligtasan kapag may natatangi at espesyal na sitwasyon na hindi karaniwan sa iba pang estudyante at kung saan may nasasangkot na patuloy at kapani-paniwalang banta ng malubhang pisikal, sikolohikal, o emosyonal na pinsala sa estudyante.
- b. Pinahihintulutan ang mga kahilingan para sa paglipat para sa kaligtasan batay sa bawat kaso, at hindi ito pahihintulutan para sa bawat hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga indibidwal na posibleng mangyari sa paaralan.
- c. Rerepasuhin ng lupon ang mga rekord ng estudyante sa pag-aaral nito, kung nangangailangan ang sitwasyon ng kahilingan para sa Paglipat para sa Kaligtasan, at ang mga naaangkop na pagbibigay ng puwesto sa paaralan.
- d. Tutukuyin ng panel ang isang naaangkop na alternatibong paarlaan.
- e. Nakabatay ang pagbibigay ng puwesto sa pagtatasa kung saan puwedeng ligtas na makapasok ang estudyante, at para mabawasan at maiwasan ang hindi pagkakasundo sa iba pang estudyante o kawani.
- 2. Bukod rito, rerepasuhin ang mga liham ng kinahinatnan ng kahilingan para sa Paglipat para sa Kaligtasan, na nakabatay sa mga insidente ng pambu-bully sa ilalim ng mga sumsuunod na espesipikong pamantayan:
- a. Ipoproseso ang mga kahilingan para sa Paglipat para sa Kaligtasan na kasama ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon sa loob ng dalawang linggo.
- b. Rerepasuhin ng lupon na binubuo ng pangkat na mula sa iba’t ibang disiplina (multidisciplinary panel) ang kahilingan ang nakalakip na dokumentasyon.
- c. Batay sa opinyon ng mga tagapatnubay/magulang, tutukuyin ng panel ang naaangkop na alternatibong paaralan.
- 3. Susundin ng lahat ng Kahilingan para sa Paglipat para sa Kaligtasan ang mga sumusunod na pamantayan:
- a. Nakabatay ang lahat ng pagbibigay ng puwesto sa mga paaralan kung saan may makukuhang espasyo/ programa sa panahon ng pag-abruba sa kahilingan.
- b. Ipagbibigay-alam ng Mga Serbisyo para sa Mag-aaral (Pupil Services) sa pamilya ang tungkol sa bagong itinalagang paaralan.
- c. Pinal na ang lahat ng pagtatalaga ng lupon.
Kung matapos ang pagkompleto ng imbestigasyon ng paaralan ay hindi nakahanap ng ebidensiya ukol sa inaalala, ipagbibigay-alam ng itinalaga ng paaralan sa pamilya na hindi natugunan ang pamantayan para sa pagsusumite ng Kahilingan para sa Paglipat at na:
- 1. Mananatili ang estudyante sa kasalukuyang paaralan.
-
2. Makikipagkita ang itinalaga ng paaralan sa pamilya upang makabuo ng plano para sa pagsuporta sa estudyante.
-
3. Kailangang sundin ng mga pamilya ang mga gabay sa pagpasok sa klase ng SFUSD.
-
4. Puwedeng mag-aplay ang mga pamilya para sa paglipat sa Spring (Tagsibol) o Fall (Taglagas) sa pamamagitan ng Sentro para sa Pagbibigay ng Puwesto sa mga Institusyong Pang-edukasyon (Educational Placement Center).
Education Placement Center
555 Franklin Street
San Francisco, CA 94102
iv. Mga Paglipat na Inaprubahan ng Pangkat para sa IEP (Espesyal na Edukasyon)
Para sa mga estudyante ng espesyal na edukasyon, ang pangkat para sa IEP ang nagpapasya ukol sa pagbibigay ng puwesto sa estudyante sa least restrictive environment (kapaligirang pang-edukasyon kung saan magkakasama ang lahat, nangangailangan man ng espesyal na edukasyon o hindi). Posibleng mangailangan ng pagbabago sa paaralan sa panahon ng akademikong taon kung pagpapasyahan ng Pangkat para sa IEP ng estudyante na ang mga pangangailangan ng estudyante ay hindi matutugunan sa kasalukuyang paaralan. Kung kinakailangan ng pagbabago ng paaralan, magtatawag ang bagong tagapamahala ng kaso (case manager) ng pulong para sa IEP sa loob ng 30 araw upang matugunan kung paano ihahatid ang mga serbisyo sa bagong paaralan.
V. Iba pang Paglipat
- 1. Pagbabago ng Programa (Mga Programa para sa Paglubog sa Wika o Language Immersion at Kakayahang Magbasa at Magsulat sa Dalawang Wika o Biliteracy). Puwedeng magsumite ang mga magulang/tagapatnubay na gustong palitan ang puwesto ng kanilang anak tungo sa isang programa sa wika o palabas mula sa isang programa sa wika (halimbawa, pagbabago mula sa programa para sa programang Kakayahang Magbasa at Magsulat sa Dalawang Wika Kung Saan Espanyol ang Isa o Spanish Biliteracy tungo sa programa para sa pangkalahatang edukasyon o kabaligtaran nito), ng aplikasyon sa EPC sa pamamagitan ng naaangkop na proseso sa siklo ng pag-eenroll. Kailangang nakabatay ang kahilingan para sa paglipat sa makukuhang espasyo/programa, antas ng grado ng estudyante, at kahusayan sa wika at/o mga pangangailangan ng estudyante.
Para sa mga estudyanteng hindi matagumpay sa kanilang landas sa wika (language pathway) sa kanilang kasalukuyang paaralan sa SFUSD, puwedeng konsultahin ng mga magulang ang paaralan ukol sa Pagbabago ng Programa (Change of Program), at sa gayon ay makalipat palabas ng landas sa wika. Tatalakayin at pagpapasyahan ng Pangkat para sa May Koordinasyong Pangangalaga (Coordinated Care Team) kung naaangkop ang gayong paglipat. Kailangang magsumite ang Principal (Punong-guro) ng ebidensiya na nagpapakita na hindi matagumpay ang estudyante sa kanyang kasalukuyang landas o pathway. Kung walang makukuhang espasyo sa landas para sa pangkalahatang edukasyon (general education pathway) sa kasalukuyang paaralan ng bata, puwedeng magsumite ang magulang ng kahilingan para sa Pagbabago ng Programa (Change of Program) at nang mailipat ang estudyante sa paaralan na may espasyo at natutugunan ang kanyang mga pangangailangan.
- 2. Mga Paglipat ng Nasa Probation o Pagsubok. Kokompletuhin ng Departamento para sa Probation ng Kabataan ang form na “Kahilingan para sa Pagtatalaga o Paglipat ng Estudyante sa Paaralan (Request for Student School Placement or School Transfer)” na isusumite sa SFUSD Pupil Services, 727 Golden Gate Avenue, 2nd Floor, sa naatasang Administrador ng Programa (Program Administrator), maliban na lamang sa mga kabataang naka-probation at nasa pagtatalagang wala-sa-tahanan (Foster Youth), na direktang isasangguni sa EPC.
vi. Mga Patakaran para sa Paglabas/Pagbibitiw
Sinumang estudyante na ililipat sa nasasakop na mga paaralan ng SFUSD ay hindi dapat paalisin sa paaralan. Papasok ang EPC sa lahat ng mga internal na paglipat sa SFUSD na may kinalaman sa mga estudyante sa Espesyal na Edukasyon, pagpapalit ng programa, mga paglipat sa pagitan ng mga distrito, o pagpapalit ng address.
Pagpapasyahan ng Mga Serbisyo para sa Mag-aaral ang mga paglipat para sa kaligtasan o aksiyong pandisiplina.
Sinumang estudyante na aalis at hihiling ng muling pag-eenroll sa SFUSD sa loob ng gayon ding semestre ay ibabalik sa dating paaralan kung saan siya naka-enroll kung may bakante at hindi pa napupunan ang bakante sa siklo ng pag-eenroll.
This page was last updated on November 14, 2022