3.8.9 Pag-eenroll ng Estudyanteng Napaalis sa Iba pang Pampaaralang Distrito

Pag-eenroll ng Estudyanteng Napaalis sa Iba pang Pampaaralang Distrito

(Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915.2)

Hindi pahihintulutang mag-enroll ang mga estudyanteng napatalsik na nang dahil sa mga pagkakasalang nakalarawan sa 48915(a) o 48915(c) sa alinmang iba pang paaralan o distritong pampaaralan sa term o panahon ng expulsion (expulsion), maliban na lamang kung ito ay paaralang pangkomunidad ng county, paaralan ng juvenile court (hukuman para sa mga menor de edad), o pang-araw na paaralan ng komunidad (community day school). Ang mga paglabag sa ilalim ng EC 48915a at 48915c ay: 

  1. Pagdudulot ng malalang pisikal na pinsala sa ibang tao, maliban na lamang kung dahll sa pagtatanggol sa sarili.
  2. Pagkakaroon ng anumang patalim, pampasabog o iba pang mapanganib na bagay na walang makatuwirang gamit sa estudyante. 
  3. Labag sa batas na pagkakaroon ng anumang kontroladong sangkap, maliban na lamang sa unang beses na paglabag dahil sa pagkakaroon ng mas mababa sa isang onsa ng marijuana o medikasyong nabibili nang walang reseta, at kung ginagamit ito ng estudyante para sa mga layuning medikal, o inireseta ito para sa estudyante ng doktor. 
  4. Pagnanakaw o pangingikil.
  5. Pananalakay o Pambubugbog sa sinumang empleyado ng paaralan.
  6. Pagkakaroon, pagbebenta, o kung hindi man, pagbibigay sa iba ng baril.
  7. Pagwawasiwas ng patalim sa ibang tao.
  8. Labag sa batas na pagbebente ng kontroladong sangkap.
  9. Paggawa o pagsubok na gumawa ng seksuwal na pagsalakay.
  10. Pagkakaroon ng pampasabog.

Isasangguni sa Opisina ng Mga Serbisyo para sa Mag-aaral ang mga estudyanteng nabigyan ng mahabang suspensiyon o expulsiyon sa ano pa mang dahilan sa ibang distrito, at humihiling ngayon ng pagpapatala sa SFUSD. Kailangang magkaloob ang mga magulang ng dokumentasyon ng mga detalye ng sirkumstansiyang humantong sa expulsion sa Opisina ng Mga Serbisyo para sa Mag-aaral ng SFUSD. Magsasagawa ng pagdinig ang Administratibong Lupon ng SFUSD na nasa Opisina ng Mga Serbisyo para sa Mag-aaral at nang mapagpasyahan kung patuloy na banta ang mag-aaral sa mga estudyante o kawani ng pampaaralang distrito.

Kailangang ipaalam ng magulang/tagapatnubay sa tumatanggap na distrito ang tungkol sa estado ng expulsion kapag nagpa-enroll.  Isasaalang-alang ang hindi pagsunod sa kinakailangang ito sa pagdinig upang pagpasyahan kung nagbabanta ang mag-aaral ng patuloy na panganib. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 448915.1(b))

This page was last updated on October 28, 2022