3.9.14 Notipikasyon: Impormasyon tungkol sa Type 2 na Diyabetes

Notipikasyon: Impormasyon tungkol sa Type 2 na Diyabetes

(Kodigo sa Edukasyon ng CA 49452.7)

Ang Type 2 na diyabetes ang pinakakaraniwang uri ng diyabetes sa mga nakatatanda. 

Ilang taon pa lang ang nakararaan nang bibihira ang type 2 na diyabetes sa mga bata, pero nagiging mas karaniwan na ito, lalo na sa mga tinedyer na labis ang timbang. 

Ayon sa Mga Sentro para sa Pamamahala at Pagpigil sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention, CDC) ng Estados Unidos, magkakaroon ang isa sa tatlong batang Amerikano na ipinanganak matapos ang 2000 ng type 2 na diyabetes sa kanyang buhay. Ang pre-diabetes (kondisyon bago ang diyabetes) ang siyang nauuna sa Type 2 na diyabetes, at isa sa limang kabataan na edad 12-18 ay may pre-diabetes. 

Naaapektuhan ng type 2 na diyabetes kung paano nagagamit ng katawan ang asukal (glucose) para sa enerhiya. 

Ginagawang glucose ng katawan ang carbohydrates na nasa pagkain, at glucose ang batayang fuel o nagpapagana sa mga cell ng katawan.

Gumagawa ang pancreas ng insulin, ang hormone na naglilipat sa glucose mula sa dugo tungo sa mga cell.

Sa type 2 na diyabetes, nilalabanan ng mga cell ng katawan ang epekto ng insulin, at tumataas ang mga antas ng glucose sa dugo.

Sa pagdaan ng panahon, tmaabot sa napakataas at mapanganib na antas ang glucose sa dugo, na tinatawag na hyperglycemia. 

Posibleng humantong ang hyperglycemia sa mga problemang pangkalusugan gaya ng sakit sa puso, pagkabulag at sakit sa bato.

Inirerekomenda na dapat magpa-eksamen para sa sakit ang mga estudyanteng nagpapakita at posibleng may panganib at mga babalang senyal kaugnay ng type 2 na diyabetes

Mga Panganib na Isinasaalang-alang (Risk Factors) Kaugnay ng Type 2 na Diyabetes

Hindi ganap na nauunawaan ng mga tagasaliksik kung bakit nagkakaroon ang ilang tao ng type 2 na diyabetes at hindi ang iba; pero inuugnay ang mga sumusunod na panganib na dapat isaalang-alang sa dumaraming type 2 na diyabetes sa mga bata:

  • Labis na timbang. Ang pinakamatinding panganib para sa type 2 na diyabetes sa mga bata ay ang labis na timbang. Sa Estados Unidos, labis ang timbang ng halos isa sa bawat limang bata. Mahigit sa doble ang tsansang magkakadiyabetes ang batang labis ang timbang.
  • Kasaysayan ng pamilya sa diyabetes. Maraming apektadong mga bata at kabataan ang may kahit isang magulang na may diyabetes o may pangunahing kasaysayan ang pamilya sa sakit.
  • Hindi pagiging aktibo. Nakababawas ang pagiging hindi aktibo sa kakayahan ng katawang tumugon sa insulin.
  • Espesipikong grupong panlahi/etniko. Higit na nagkakaroon ng type 2 na diyabetes ang mga katutubong Amerikano, Aprikano Amerikano, Hispaniko/Latino, o Asyano/Taga-Isla Pasipiko kung ihahambing sa ibang grupong etniko.
  • Pagdadalaga/Pagbibinata (Puberty). Higit na nagkakaroon ang mga dalagita/binatilyo ng type 2 na diyabetes kaysa sa nakababata pa, marahil dahil sa normal na pagtaas ng level ng hormones na puwedeng magdulot  ng resistensiya sa insulin sa yugto ng mabilis na paglaki at pisikal na pag-unlad.

Mga Babalang Senyal at Sintomas Kaugnay ng Type 2 na Diyabetes 

Mabagal umunlad ang mga babalang senyal at sintomas ng type 2 na diyabetes sa mga bata, at sa una, posibleng  walang sintomas. Gayon pa man, hindi lahat ng may resistensiya sa insulin o type 2 na diyabetes ang nagkakaroon ng mga babalang senyal, na ito at hindi kailangang may type 2 na diyabetes ang lahat ng mayroon ng mga sintomas na ito.

  • Matinding gutom, kahit pagkatapos kumain
  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
  • Matindi at tuyong bibig at madalas na pag-ihi
  • Pakiramdam ng labis na pagod
  • Malabong paningin
  • Mabagal na paggaling ng mga sugat
  • Makinis na pangingitim  o alsa ang gilid na bahagi ng balat, lalo na sa batok o ilalim ng braso
  • Iregular na regla, walang regla at/o labis na pagtubo ng buhok sa mukha o katawan sa mga babae
  • Mataas na presyon ng dugo o abnormal na taas ng taba sa dugo

Mga Paraan sa Pag-iwas at Paggamot sa Type 2 na Diyabetes

Makakatulong ang desisyon sa malusog na pamumuhay sa pag-iwas at paglunas sa type 2 na diyabetes. Kahit may kasaysayan ang pamilya sa diyabetes, makakatulong sa mga bata ang pagkain ng mabubuting pagkain sa tamang dami at regular na pag-eehersisyo para marating o mapanatili ang normal na timbang at normal na antas ng glucose sa dugo. 

Kumain ng masustansiyang pagkain. Maging matalino sa pagpili ng pagkain. Kumain ng pagkaing mababa sa taba at calories.

Gumawa ng mas maraming pisikal na gawain. aabutin nang hindi bababa sa 60 minuto ang pisikal na gawain sa araw-araw.

Uminom ng gamot. Kung hindi sapat ang pagdidiyeta at ehersisyo para malunasanang sakit, baka kailangang gamutin na ang type 2 na diyabetes.

Unang hakbang sa paggamot sa type 2 na diyabetes  ang pagbisita sa doktor. Matutukoy ng doktor kung labis ang timbang ng bata ayon sa edad, timbang at tangkad. Makahihiling din ang doktor ng mga pag-eksamen sa blood glucose ng bata para malaman kung may diyabetes o pre-diabetes ito.

Mga Uri ng Makukuhang Mga Eksamen para sa Diyabetes 

Eksamen na Glycated hemoglobin (A1C). Eksaminasyon ng dugo na sumusukat sa average na antas ng blood sugar sa loob ng dalawa o tatlong buwan. Nagpapakita ng diyabetes ang A1C level na 6.5 percent o mas mataas sa dalawang bukod na eksamen.

Random (walang pag-aayuno) na pagsubok sa blood sugar. Random na kukuha ng sample ng dugo. Pahiwatig ng diyabetes ang random na blood sugar level na 200 milligramo kada desilitro (mg/dL) o mas mataas pa. Dapat makumpirma ang eksameng ito ng eksaminasyon ng blood glucose habang nag-aayuno o fasting.

Eksaminasyon ng blood sugar habang nag-aayuno. Kukuha ng blood sample pagkatapos ng magdamag na pag-aayuno.   Normal ang may ayunong level ng blood sugar kapag mas mababa sa 100mg/dl. Itinuturing na pre-diyabetes ang level na 100 hanggang 125 mg/dL Pagtukoy sa diyabetes ang level na 126 mg/dL o mataas pa sa dalawang magkabukod na test

Oral na glucose tolerance test.   Eksaminasyon na sumusukat sa antas ng may ayuno na blood sugar pagkaraan ng magdamag na ayuno na may peryodikong pagsubok sa susunod na ilang oras pagkainom ng likidong maasukal. Pagtukoy sa diyabetes ang 200 mg/dL na pagbasa pagkaraan ng dalawang oras.

Maiiwasan/magagamot na sakit ang type 2 na diyabetes sa mga bata at layunin nitong gabay na maitaas ang kaalaman tungkol sa sakit.  ontakin ang Nurse of the Day sa 242-2615 kung mayroon kayong katanungan.

This page was last updated on October 28, 2022