Notipikasyon o Abiso: Sarbey sa mga Delikadong Gawi ng Kabataan (Youth Risk Behavior Survey) ng SFUSD
Magsasagawa ang Dibisyon para sa mga Serbisyo sa mga Estudyante at Pamilya (Student, and Family Services Division), sa pakikipagtulungan sa Mga Sentro para sa Pamamahala at Pagpigil sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention) at sa Departamento sa Edukasyon (Department of Education) ng California, ng Sarbey sa mga Delikadong Gawi ng Kabataan (Youth Risk Behavior Survey,YRBS) sa mga grado 6 hanggang 12 sa 2022-23. Ibabahagi ang mga resulta ng sarbey sa mga administrador, guro, kawani, at magulang /tagapangalaga.
Nilalaman ng Sarbey. Sinusubaybayan ng sarbey ang mga pag-uugaling nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng kabataan at nakababatang nasa sapat na edad o young adults — mga kilos at gawi na maaaring kabilang sa nagdudulot ng hindi sinasadyang pinsala at karahasan; kaligtasan sa paaralan; paninigarilyo at paggamit ng mga produkto ng tabako; pag-inom ng alak at paggamit ng droga at iba pang sangkap; seksuwal na mga kilos at gawi na maaaring humantong sa hindi sinasadyang pagbubuntis at sakit na naisasalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik (sexually transmitted diseases, STD), kasama na ang impeksiyong human immunodeficiency virus (HIV); mga pag-uugali sa pagkain na hindi mabuti sa kalusugan at kawalan ng pisikal na aktibidad; at mga kalakasan at taglay na yaman ng kapaligiran at indibidwal.
Boluntaryo Ito. Hindi kailangang sumali sa sarbey ang inyong anak. Iyon lamang mga tanong na gustong sagutin ng mga estudyanteng sasali sa sarbey ang sasagutin niya, at puwede rin silang huminto sa pagsagot sa anumang panahon. Gayon pa man, napakahalagang sagutin ng inyong anak ang sarbey para patuloy naming mapaghusay ang mga programa para sa edukasyon sa kalusugan at mga serbisyo sa pagbibigay ng suporta sa inyong anak at sa iba pang estudyante sa ating distrito.
Kumpidensiyal Ito. Walang pangalan na marerekord o maikakabit sa mga form para sa online na sarbey o sa datos. Ipapakita lamang ang mga datos sa ilalim ng istriktong pagkontrol upang matiyak na walang mapapangalan. Makatatanggap ng karagdagang impormasyon ang magulang/tagapangalaga ng mga bata na ala-suwerteng mapipiling lumahok sa sarbey bago magsimula ang pagbibigay ng sarbey. Para lamang sa mga magulang/tagapangalaga ng mga batang nasa ika-6 grado. kinakailangan ng inyong nakasulat na permiso upang makalahok ang inyong anak sa sarbey. Para sa mga magulang/tagapangalaga ng mga bata na nasa ika-7 hanggang ika-12 grado, pakibigay ang nakasulat ninyong kahilingan sa guro ng inyong anak kung gusto ninyong huwag sumali ang inyong anak sa sarbey.
Para sa Iba pang Impormasyon. Pakikontak ang Dibisyon para sa mga Serbisyo sa mga Estudyante at Pamilya (Student and Family Services Division) sa (415) 242-2615, kung gusto ninyong basahin sa inyo sa telepono ang mga item o tanong sa sarbey, o kung gusto ninyong makipagkita sa isang indibidwal upang marepaso ang sarbey.
This page was last updated on October 28, 2022