Polisiya ukol sa Physical Education (Pisikal na Edukasyon)
(Polisiya ng Lupon o Board Policy ng SFUSD 6142.7)
Lumalahok ang lahat ng estudyante na nasa mga gradong K-9 sa mga klase sa pisikal na edukasyon (PE). Itinatakda ng Kodigo sa Edukasyon ng California seksiyon 51210(g) na makatanggap ang lahat ng estudyante na nasa grado 1 hanggang 6 ng hindi bababa sa 200 minuto na pagtuturo ng Pisikal na Edukasyon tuwing 10 araw -- na, 100 minuto bawat linggo—na karagdagan sa mga panahon ng merienda at pananghalian. Nangangako ang San Francisco Unified School District na titiyakin nito na nakatatanggap ang lahat ng estudyante ng mga itinatakdang minuto ng pagtuturo ng Pisikal na Edukasyon.
Nakapagtakda na ang bawat klaseng pang-elementarya ng Distrito ng iskedyul para sa Pisikal na Edukasyon, na nagpapakita ng mga araw, oras, at tagal ng pagtuturo ng PE bawat linggo. May makukuhang kopya ng mga iskedyul ng PE sa bawat klase, at sa opisina ng paaralan.
Kung gusto ninyo ng kopya ng iskedyul ng PE, pakikontak ang principal ng inyong anak. Kung mayroon kayong tanong o alalahanin tungkol sa iskedyul ng PE o ng pagtuturo, mangyaring makipag-usap sa guro ng inyong anak o sa principal. Kung hindi kayo nasisiyahan sa impormasyon na ipinagkakaloob ng guro o ng principal, huwag mag-atubiling kontakin ang: Direktor ng Opisina para sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity) sa (415) 355-7334.
Para sa mga estudyante ng middle school: 400 minuto ng PE tuwing 10 araw (hal., 40 minuto bawat araw).
Para sa mga estudyante ng high school: Lahat ng estudyante na nasa ika-9 na grado ay kinakailangang kumuha ng PE, at lahat ng mga estudyante ay kailangang lumahok nang 2 taon ng PE sa kabuuan, nang 400 minuto tuwing 10 araw.
Mga Positibong Alternatibo (Mga Middle School)
Karamihan sa mga middle school ng SFUSD ay may programang Mga Positibong Alternatibo. Nagkakaloob ng backpacking, rope courses at mga paglalayag (sailing trips) na mga espesyal na oportunidad sa estudyante at positibong alternatibo sa mga mapanganib na kilos at gawi.
This page was last updated on October 28, 2022