3.9.18 Notipikasyon: Abiso ukol sa Pag-iinspeksiyon para sa Asbestos

Notipikasyon: Abiso ukol sa Pag-iinspeksiyon para sa Asbestos

Bilang pagsunod sa mga regulasyon ng Ahensiya para sa Proteksiyon ng Kapaligiran Environmental Protection Agency ng Estados Unidos (U.S. Environmental Protection Agency, US EPA) na ipinag-uutos ng Batas para sa Agad na Pagtugon sa Panganib ng Asbeto ng 1986 (Asbestos Hazard Emergency Response Act of 1986, AHERA), nagsagawa ang SFUSD ng pag-iinspeksiyon sa lahat ng gusali ng Distrito na naglalaman ng mga klasrum na K-12 at itinayo bago ang 1986. Layunin ng pag-iinspeksiyon na ito ang malaman ang pagkakaroon at kondisyon ng mga gamit sa konstruksiyon na naglalaman ng asbeto (asbetos-containing building materials, ACBM). Magmula noong pinaka-unang pag-iinspeksiyon na nakompleto noong Taglagas 1988, nagtataguyod na ang Distrto ng mga peryodikong mapagbantay na pag-iinspeksiyon ng mga natukoy na ACBM tuwing anim na buwan, ayon sa ipinag-uutos ng mga regulasyon ng EPA, at nagsasagawa ng buong muling pag-iinspeksiyon ng mga gusali tuwing ikatlong taon. Isinasagawa ang lahat ng pag-iinspeksiyon ng mga akreditadong inspektor. 

Ang mga ulat na espisipiko para sa bawat paaralan tungkol sa mga napag-alaman sa inspeksiyon, pati na rin ang mga plano sa pamamahala na nagdedetalye kung paano pangangasiwaan ang ACBM at nang mapigilan ang paglabas ng asbestos fiber, ay tinitipon at nirerepaso ng akreditadong tagaplano para sa pamamahala ng asbesto.

Ang mga ulat na ito, na nakalagay sa binder na may pulang pabalat, ay ipinagkakaloob sa bawat paaralan, at kailangang handang makuha sa administratibong tanggapan ng paaralan. Hinahawakan ang duplikadong kopya ng mga ulat at plano para sa pamamahalang ito sa tanggapan ng Programa para sa Pagkontrol sa Asbesto (Asbestos Control Program) ng SFUSD  na nasa 135 Van Ness Avenue, Room 407, San Francisco, CA 94102. 

(Kodigo ng mga Pederal na Regulasyon, Tsapter 40, Bahagi 763, Subpart o Porsiyon ng Bahagi ng Seksiyon E)

This page was last updated on October 28, 2022