3.9.4 Mga Pagkain sa Paaralan ng Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services, SNS)

Mga Pagkain sa Paaralan ng Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services, SNS)

Nagkakaloob ng mabuti para sa kalusugan at masustansiyang pagkain sa mga estudyante na nasa ating mga paaralan para sa Maagang Edukasyon (Early Education) at TK-12

Nagkakaloob ang Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services) ng SFUSD ng balanse ang nutrisyon na pagkain sa mga estudyanteng nasa Maagang Edukasyon (Early Education) at sa mga paaralang TK-12.

May pangako ang Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services, SNS) na magkaloob sa mga estudyante ng suporta kung saan may katarungan sa pagkakapantay-pantay o equity, na kailangan nila upang magtagumpay sa klasrum at sa iba pang lugar, sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanilang may sapat na nutrisyon sa kanilang landas. Nagtatrabaho kami upang makalikha ng magkakaugnay na sistem o ecosystem para sa pagkain sa paaralan na nakasentro sa estudyante, may katarungan sa pagkakapantay, at matatag ang pinansiya, kung saan mayroong mauunlad na empleyadong nagkakaloob ng may dignidad na karanasan sa pagkain, at napalalahok ang lahat ng estudyante sa positibong kultura ng pagkain. 

Simula sa akademikong taon 2022-2023, patuloy kaming makagbibigay ng libreng pagkain sa lahat ng estudyante. Hindi na kailangan ng pagpapalista bago tumanggap ng pagkain (pre-enrollment) para makakuha ang estudyante ng libreng pagkain. 

  • Magbibigay ang Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral ng SFUSd ng Almusal at Tanghalian sa lahat ng estudyante ng SFUSD nang walang bayad. 
  • Kung susulitin ng inyong anak ang libreng pagkain sa paaralan, makatitipid kayo ng oras at pera! Dahil sa inyong partisipasyon, mapananatili ang pondong Pederal dito sa San Francisco at masusuportahan ang mga pagpapahusay sa programa ng paaralan sa pagkain.
  • Tingnan ang bell schedule (oras ng pagsisimula at haba ng klase) ng inyong paaralan para sa mga oras ng pagbibigay ng pagkain.

Inihahain ang pagkain sa paaralan ng Mga Kawani para sa Pagkain (Dining Staff) ng SFUSD sa cafeteria at kusina ng mga paaralan ng SFUSD. Sila ang bumubuo sa pangkat ng mahigit sa 200 indibidwal, na may dedikasyon at malalim ang malasakit sa kalusugan ng lahat ng estudyante; hindi magiging posible ang aming trabaho kung wala ang kanilang pamumuno, mahusay na kakayahan, at kaalaman ukol sa kasaysayan. 
 
Alamin pa ang tungkol sa ating mga programa at inisyatiba para sa pagkain sa sfusd.edu/nutrition.

Natutugunan o nalalampasan pa ng Distrito ang mga gabay sa nutrisyon na nakabalangkas sa mga Pederal, Pang-estado at lokal na polisiya, na itinakda ng Departamento ng Agrikultura ng Estados Unidos (U.S. Department of Agriculture, USDA) at ng Departamento ng Edukasyon ng California (California Department of Education, CDE). Nakaayon ang aming mga gawain sa pagkuha ng pagkain sa Polisiya ukol sa Pagbili ng Mabuting Pagkain (Good Food Purchasing Policy, GFPP), na sinusuportahan ang aming pangako ukol sa kalusugan at pagkakaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay ng ating mga estudyante at ng sistema sa pagkain.

Pinopondohan ang aming mga operasyon sa pamamagitan ng pagbabalik sa ginastos (reimbursements) na mula sa Pederal at Pang-estadong mga gobyerno, lokal na pagbebenta, at Pangkalahatang Pondo (General Fund) ng SFUSD.  Pinopondohan ang aming may inobasyon na proyekto ng Someland Foundation, ng No Kid Hungry (Walang Bata na Magugtom), ng San Francisco Sugary Drinks Distributor Tax (Buwis ng San Francisco sa Nagbebenta ng Maasukal na Inumin) at ng SF 2016 General Obligation Bond (utang ng gobyerno).

Tingnan ang tsapter 3.11 para sa Form ng Kantina ng Paaralan na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamilya (Multipurpose Family Income School Cafe Form) at nang mapagpasyahan ang mga benepisyo para sa libre o murang pagkain sa paaralan. 

Kontakin Kami

Website: www.sfusd.edu/schoolfood

Kinaroroonan ng opisina: 841 Ellis St. San Francisco, CA 94109

Email: SchoolLunch@sfusd.edu

Telepono: (415) 340-1716

Sundan kami sa social media: @SFUSDschoolfood

ANONG PAGKAIN ANG INIHAHAIN SA PAARALAN?

Naghahain kami ng almusal at tanghalian sa lahat ng paaralan. May makukuhang meryenda at hapunan sa piling mga paaralan at programang afterschool. 

Araw-araw, nagsisikap kami na magbigay ng pamamaraan sa kabuuan ng araw para sa pagkuha ng pagkain na mabuti sa kalusugan, may pagkakaiba-iba batay sa kultura, abot-kaya ang halaga, makatarungan, nakapananatili sa kapaligiran o sustainable, at gustong-gusto ng mga estudyante. Kasama sa pagkain ang iba’t ibang karne o gulay na mapagpipiliang ulam, sariwang prutas at gulay, at opsiyonal na 1% o fat-free na gatas. Malinaw na nakasulat ang uri ng karne sa lahat ng menu. Nagsisikap kaming kumuha ng lokal at nakapagpapanatili sa kapaligiran na produkto hangga’t maaari, kasama na ang mga produktong itinatanim sa California at mga produktong mula sa lokal at maliliit na negosyo. Tingnan ang mga menu sa www.sfusd.edu/menus.

  • Kung gusto ninyong bumili ng indi-indibidwal na pagkain at hindi ng kompletong libreng pagkain (tulad ng gatas o buong prutas lamang), kailangan munang gumawa ng account ang Magulang/Tagapatnubay sa SchoolCafe.com para mag-upload ng pondo. Ang kompleto at balanseng pagkain lamang ang maaaring maihandog nang libre sa mga estudyante. 
  • Naghahandog din ang SNS ng naka-bag na tanghalian para sa mga field trip ng paaralan. Ibinibigay ang order para dito ng guro o kawani ng paaralan kapag nag-iiskedyul sila ng field trip. 
  • May mga estasyon ng tubig na nasa loob o malapit sa cafeteria. 

Pinararami pa namin ang bilang ng pagkain na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng programa para sa listahan ng mga pagkain sa loob ng paaralan (in house menu program).  Pinaglilingkuran ng McAteer Culinary Center, na malaki at komprehensibong kusina na ginawan ng renobasyon noong Fall 2019, ang mga paaralan para sa Maagang Edukasyon (Early Education) na nasa independiyenteng lokasyon, at dalawang high school na nasa kampus (ang The Academy at ang Ruth Asawa School of the Arts); at maghahanda rin sila ng sariwa ang pagkakaluto na pagkain para sa piling paaralang elementarya, na makatatanggap naman ng pinaganda pang pasilidad sa kusina sa pamamagitan ng mga proyekto ng Bond Modernization (mga proyekto para sa modernisasyon na pinopondohan ng utang ng gobyerno). Sa aming mga middle school (panggitnang paaralan) at high school (mataas na paaralan), kukuha kami ng mas mahuhusay na kagamitan upang makapagluto at makagawa ng pagkain nang mas sariwa ang pagkakahanda sa loob ng paaralan. Habang pinagaganda pa ang mga pasilidad para sa paggawa at paghahain ng pagkaing sariwa ang pagkakahanda, maaari pang mapaghusay ang aming mga gawain sa pagbili ng pagkain. Puwede kaming bumili ng mataas ang kalidad na pagkain at mga sangkap nang naaayon sa Programa sa Pagbili ng Mabuting Pagkain (Good Food Purchasing Program), na magpapahintulot sa aming nabigyan ng nutrisyon ang aming mga estudyante sa pamamagitan ng mga opsiyon sa menu na mula sa lokal na pinagkukunan at nakapagpapanatili sa kapaligiran. 

Sa mga paaralang limitado ang pasilidad, nakikipag-partner ang Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services) sa tagalabas ng SFUSD na nagbebenta o vendors, at nang makapagbigay ng pagkain sa mga estudyante. Halimbawa, ineempake ang pagkaing ipinagkakaloob ng lokal na kompanya na tumutugon sa mga pamantayan sa kalidad ng SFUSD sa pasilidad nito sa San Lorenzo, CA, at pagkatapos ay inilalagay sa refrigerator, at inihahatid araw-araw sa iba’t ibang paaralan.

Mga Gabay sa Nutrisyon

Natutugunan at nalalampasan pa ng lahat ng pagkaing inihahain sa paaralan ang mga pamantayan ng estado at pederal na gobyerno, na dinisenyo upang mabigyan ng enerhiya ang inyong mga estudyante sa kabuuan ng araw. Tingnan ang aming mga gabay sa www.sfusd.edu/bewell. Nangangalap ang SNS ng mga sangkap na mataas ang kalidad at lahat ng pagkain ay walang artipisyal na kulay, lasa, pampatamis, MSG, benzoates, bromates, sulfites, hydrogenated fat, BHA, BHT, TBHQ at sodium nitrites/nitrates.

Espesyal na Pangangailangan sa Diyeta

Hindi naghahain ang SFUSD ng anumang pagkain na may mani o iba pang tree nut. Gayon pa man, nagpapasok talaga kami ng mga produkto na maaaring ginawa sa mga pasilidad na humahawak o nagpoproseso ng nuts, kung kaya’t hindi namin magagarantiya na lubusang walang bahid o bakas ng nuts ang pagkain. Magkakaloob ang SFUSD ng kapalit na pagkain/gatas sa bata na may allergy, hirap sa pagtunaw sa pagkain (food intolerance), o kapansanan na nagdudulot ng mga restriksiyon sa kanyang diyeta. Kailangang masuportahan ang pangangailangan para sa pagpapalit o substitusyon ng form para sa medikal na pahayag (medical statement form) ng Departamento ng Edukasyon ng California (California Department of Education), at maaari itong ma-download mula sa www.sfusd.edu/specialmeals

Ang form para sa akomodasyon sa pagkain (meal accomodation form) ay kailangang:

  • pirmado ng lisensiyadong doktor, katuwang ng doktor (physician assistant) o dalubhasang nars (nurse practitioner);
  • inilalarawan ang espesipikong diyeta o akomodasyon na inireseta ng propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan; 
  • at inililista ang espesipikong mga pagkain na kailangang hindi maisama at ang mga iminumungkahing kapalit.  

Puwede kompletuhin at pirmahan ang form para sa pagpapalit ng gatas (milk substitution form) ng magulang/legal na tagapatnubay ng estudyante. 
 
Isumite ang kompletong mga form para sa kahilingan ukol sa diyeta (dietary request form) sa pamamagitan ng email sa SchoolLunch@sfusd.edu. Mangyaring maglaan ng 10 araw ng trabaho para makuha ang hinihiling na espesyal na diyeta sa inyong paaralan. Pakitandaan na hindi naghahandog ang SFUSD ng indi-indibidwal na pagpapalit ng pagkain o gatas para sa walang kapansanan at hindi katwirang medikal, tulad ng mga preperensiya para sa pagkain o dahilan na nakabatay sa relihiyon o paniniwala ukol sa moralidad. Pinahahalagahan ng Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services) ang pagkakaloob ng iba’t ibang uri ng mapagkukunan ng protina sa aming menu at naghahandog kami araw-araw ng opsiyon na gulay lamang (vegetarian).

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Espesyal na mga Pangangailangan sa Diyeta (Special Dietary Needs), kasama na ang mga form ukol sa medikal na pahayag (medical statement forms) ng Departamento ng Edukasyon ng California at kung paano makakukuha ng mga ulat ukol sa allergen at mga sangkap na pampalusog o nutrients, bisitahin ang www.sfusd.edu/specialmeals.

Mula Taniman Hanggang Paaralan (Farm-to-School)

Ang San Francisco Unified ang ikalawang pampaaralang distrito sa bansa na nagpatupad ng Programa sa Pagbili ng Mabuting Pagkain (Good Food Purchasing Program, GFPP), na pananaw na may 5 pinahahalagahan, at gumagamit ng kapangyarihan ng pagbili upang maitaguyod ang mga gawain para sa pagkain na bukas sa lahat at may katarungan sa pagkakapantay-pantay. Bilang pinakamalaking pampubliko na tagabigay ng pagkain sa San Francisco, may pagkakataon ang Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services) na lumahok sa pambansang paglipat tungo sa sistema ng pagkain na mas mabuti para sa kalusugan. Alamin pa ang tungkol dito sa www.goodfoodpurchasing.org.

This page was last updated on November 14, 2022