3.11 Ang Form na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamilya (Multipurpose Family Income Form) na para sa Mga Benepisyo ng Paaralan

Ang Form na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamilya (Multipurpose Family Income Form o MFIF) na para sa Mga Benepisyo ng Paaralan

Isumite ang Form na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamilya (Multipurpose Family Income Form, MFIF) upang makapag-apply para sa mga benepisyo na libre o murang presyo sa paaralan. Hinihikayat namin ang LAHAT ng pamilya na magsumite ng MFIF sa pagsisimula ng bawat akademikong taon. Isumite ang form bago ang unang Miyerkoles sa Oktubre upang masuportahan ang pagpopondo sa inyong paaralan. 

  • Pakibisita ang www.sfusd.edu/MFIF para sa mga instruksiyon kung paano makapagsusumite ng form online sa SchoolCafe.com (makukuha sa Ingles, Arabic, Tsino, Espanyol, at Vietnamese). Ang SchoolCafe.com ang may seguridad at kumpidensiyal ang impormasyon na website na ginagamit ng Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services) upang mabigyan ang mga pamilya ng online na opsiyon na magsumite ng Form na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamilya (Multipurpose Family Income Form, MFIF), na dating kilala bilang Aplikasyon para sa Pagkain (Meal Application). Pananatilihing kumpidensiyal ang mga reslta ng form at mahalaga ito upang makatulong sa paglalaan ng pondo sa inyong paaralan.

  • Maglaan ng 5 araw ng pag-oopisina para sa pagpoproseso ng online na form. Aabisuhan kayo sa pamamagitan ng email (sa email address na nasa inyong file sa Opisina para sa Pag-eenroll o Enrollment Office ng SFUSD) kapag handa nang makuha ang mga resulta ukol sa pagiging kuwalipikado ninyo sa pamamagitan ng inyong account sa SchoolCafe.

  • Kahit na alam ninyong HINDI kayo kuwalipikado para sa mga benepisyo sa paaralan para sa makukuha nang libre o sa murang halaga, hinihiling namin na isumite ninyo ang form na ito upang makapagbigay ng tamang datos para sa pagpopondo sa Distrito. Markahan ang kahon na “Hindi Interesado (Not Interested)” at hindi na hihilingin sa inyo na ilagay ang impormasyon tungkol sa kita.

  • Kailangang isumite ang MFIF ng nakatatanda, tulad ng magulang/tagapatnubay/tagapangalaga. Kailangang kasama sa form na ito:

    • Ang unang pangalan at apelyido ng bawat estudyante na nasa kabahayan, 
      Ang pangalan ng paaralan para sa lahat ng estudyanteng naka-enroll sa SFUSD, 

    • Ang lagda ng nakatatanda, 

    • Ang mga kategorya batay sa laki ng kinikitang pera (income bracket) na nakaayon sa kita ng mga miyembro ng kabahayan at/o ang impormasyon tungkol sa programa para sa pampublikong tulong.

    • Kailangang kasama sa lahat ng form ang unang pangalan at apelyido ng inyong mga estudyante, ang paaralan, at ang lahat ng impormasyon tungkol sa kita ng lahat ng miyembro ng kabahayan.

  • Kung may pagbabago sa laki, kita, o katayuan ng pag-eempleyo ng inyong kabahayan, puwede kayong mag-apply muli sa anumang panahon sa kabuuan ng akademikong taon.

Nakatanggap ba kayo ng “Liham na Direktang Sertipikasyon ukol sa mga Benepisyo na Batay sa Pagiging Kuwalipikado sa Paaralan (Direct Certification Letter for School Eligibility Benefits)”?

Nagagamit lang ang “Liham na Direktang Sertipikasyon ukol sa mga Benepisyo na Batay sa Pagiging Kuwalipikado sa Paaralan (Direct Certification Letter for School Eligibility Benefits)” sa loob ng isang takdang akademikong taon. Nakabatay ang sertipikasyon sa paglahok ng estudyante o ng kabahayan sa programa para sa pampublikong tulong (public assistance program).

  • Kung natatanggap ninyo ang abisong ito at nakalista ang mga pangalan ng lahat ng estudyante ng SFUSD na nasa kabahayan sa liham ng pag-aabiso na ito, hindi na ninyo kailangang magsumite ng MFIF para sa akademikong taon na ito.
  • Kung hindi ninyo natanggap ang pag-aabisong ito para sa kasalukuyang akademikong taon:
    • At tumatanggap ang inyong kabahayan ng CalFresh (Food Stamps), Mga Oportunidad para sa Pagtatrabaho sa California (California Work Opportunity, CalWORKs), o Programa para sa Pamamahagi ng Pagkain sa mga Reserbasyon ng mga Indian (Food Distribution Program on Indian Reservations, FDPIR), mangyaring magsumite ng bagong MFIF na form para sa akademikong taon na ito. Isama ang numero ng inyong kaso (case number) upang awtomatikong maging kuwalipikado para sa mga benepisyong natatanggap ng mga kuwalipikado.
    • At kung may mga bata sa inyong kabahayan na natutugunan ang depinisyon ng pagiging walang tahanan (homeless), programa sa edukasyon ng mga migrante (migrant education program), o naglayas (runaway), mangyaring magsumite ng MFIF taon-taon, at isaad roon ang naaangkop na pangkat para sa bawat estudyante sa espayo na nasa form.
  • Kung wala sa liham na Direktang Sertipikasyon ang mga estudyanteng nasa kabahayan, mangyaring magsumite ng MFIF na naglilista ng lahat ng miyembro ng kabahayan.

Kapag nakatanggap kayo ng abiso, na direkta nang nabigyan ng sertipikasyon ang inyong mga estudyante para sa pagtanggap ng mga benepisyo batay sa pagiging kuwalipikado sa paaralan, hindi na ninyo kailangang isumite ang MFIF na form. Kung hindi kayo nakatanggap ng liham ukol sa Direktang Sertipikasyon (Direct Certification) at tumatanggap ang inyong kabahayan ng CalFresh (Food Stamps), Mga Oportunidad para sa Pagtatrabaho sa California (California Work Opportunity, CalWORKs), Programa para sa Pamamahagi ng Pagkain sa mga Reserbasyon ng mga Indan (Food Distribution Program on Indian Reservations, FDPIR), o MediCaid, isama ang numero ng inyong kaso (case number) sa inyong MFIF na aplikasyon.
Awtomatikong kuwalipikado ang mga bata na natutugunan ang depinisyon ng walang tahanan, migrante, o naglayas, pero kailangan pa ring magsumite ng aplikasyon. 

Bakit napakahalaga ng MFIF para sa mga pamilya?

Sa pamamagitan ng pagiging kuwalipikado para sa mga benepisyo sa paaralan, nabibigyan din ang mga pamilya ng mga benepisyo mula sa Distrito at sa lungsod! Posibleng makatanggap ang mga kuwalipikadong pamilya ng:

  • May diskuwentong utilities o pampublikong serbisyo, tulad ng pagkakaroon ng internet o mga serbisyo ng PG&E
  • Hindi pagsingil ng bayad para sa mga ExCEL na Programang After School (Pagkatapos ng Klase) at eksameng SAT
  • Prayoridad sa pag-eenroll para sa ilang after school na programa
  • At marami pang iba!  Tingnan ang Gabay sa mga Benepisyo para sa Pamilya (Family Benefits Guide)

Bakit napakahalaga ng MFIF para sa SFUSD?

Nakatutulong ang MFIF sa pagkolekta sa napakahalagang pondo para sa suweldo ng mga guro at gamit sa paaralan o school supplies, na nagbibigay ng suporta sa pag-aaral ng mga estudyante. Nakabatay ang pederal, lokal, at pribadong pondo sa bilang ng kuwalipikadong forms na nakokolekta namin. 
 
Mananatili bang kumpidensiyal ang Form na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamilya (Multipurpose Family Income Form)?

May seguridad ang inyong aplikasyon. Ibabahagi lamang ng Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services) ang inyong impormasyon para sa layunin ng pagpapasya ukol sa mga benepisyo ng pamilya at pagpopondo sa mga klasrum. May seguridad ang aming mga online na plataporma.

Paano kung hindi kami mamamayan o legal na residente ng Estados Unidos?

May makukuhang pagkain sa paaralan anuman ang katayuan ng pagiging mamamayan ng estudyante o ng kanyang pamilya. Hindi itinuturing na pagiging “public charge (indibidwal na umaasa sa mga benepisyong mula sa gobyerno)” ang paglahok sa programa sa pagkain ng paaralan. Hindi kinakailangan ng numero sa social security sa form. Kontakin ang Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Estudyante, Pamilya, at Paaralan (Student Family School Resource Link)  sa sflink@sfusd.edu o sa 340-1716-1716 para sa mga tanong.

Paano kung lumipat ako ng paaralan, kuwalipikado pa rin ba ako para sa mga benepisyo sa paaralan?

Oo, patuloy na magiging kuwalipikado bilang mag-aaral ang estudyante sa kabuuan ng kanyang pagkaka-enroll sa SFUSD bawat akademikong taon. Magkaroon man o hindi ng pagbabago sa pinapasukang paaralan, mangyaring magsumite ng bagong MFIF sa bawat akademikong taon.
 
Paano kung may natitira pa akong pondo sa aking account mula sa nagdaang mga taon?
Kailangang magsumite ng nakasulat na kahilingan para sa refund (pagsasauli ng ibinayad) sa 841 Ellis St. SF CA, 94109 o sa pamamagitan ng email sa SchoolLunch@sfusd.edu. Kailangang kasama sa kahilingan para sa refund ang:

  • Numero ng ID ng Mag-aaral (H0)
  • Pangalan ng estudyante
  • Address ng Tahanan

This page was last updated on November 14, 2022