Mga Nars ng Pampaaralang Distrito (School District Nurses) at ang Nars para sa Araw (Nurse for the Day)
Mga Nars ng Pampaaralang Distrito (School District Nurses) at ang Nars para sa Araw (Nurse for the Day)
Inaasikaso ng mga Nars ng Pampaaralang Distrito ang kalusugan ng mga indi-indibidwal na estudyante at pati na rin ang usaping pangkalusugan sa kabuuan ng paaralan
Ang Mga Nars ng Pampaaralang Distrito (School District Nurses) ang mag-aasikaso sa indi-indibidwal na kalusugan ng mga estudyante, pati na rin sa mga usapin ukol sa kalusugan sa kabuuan ng paaralan. May kakayahan silang makilala at matugunan ang malawak na hanay ng mga inaalala ukol sa kalusugan at pag-uugali na posibleng makaapekto sa pagtamo ng akademikong tagumpay at pagpasok sa paaralan ng bata, pati na rin sa mga inaalala na may epekto sa kabuuan ng paaralan, tulad ng nakahahawang sakit.
Kasama sa batayang suportang ipinagkakaloob ng School District Nurse ang:
- Identipikasyon at pamamahala sa pangangalaga ng mga estudyante na may mga pangangailangan ang pisikal na kalusugan
- Pagsunod sa mga kinakailangang pangkalusugan para sa pagpasok sa paaralan
- Edukasyon, pagtataguyod, at pagpapayo ukol sa kalusugan
- Komplikadong first aid o paunang lunas
- Pagkontrol sa nakahahawang sakit
- Pagsasanay sa mga kawani sa mga bagay na may kaugnayan sa kalusugan
- Pagtugon sa krisis
Puwedeng konsultahin ng mga paaralan ng SFUSD na walang Nars ng Pampaaralang Distrito (School District Nurse) sa paaralan mismo ang Mga Nars ng Sentral na Tanggapan (Central Nurses), na makatutulong sa espesyal na mga rekomendasyon para sa pag-eeksamen sa pandinig at paningin, pagpaplano sa pangangalaga para sa espesyalisadong mga pangangailangan sa pangangalaga sa pisikal na kalusugan, at pagsasanay ng kawani sa mga bagay na may kaugnayan sa kalusugan.
May Ilang paaralan ang SFUSD na may Nars ng Pampaaralang Distrito na naka-base sa paaralan, nang dalawa hanggang sa limang araw kada linggo, para magkaloob sa mga estudyante at pamilya ng direktang serbisyo at tulay sa mga serbisyo at programang pangkalusugan sa komunidad.
Lahat ng paaralan ay may makokonsultang Nars para sa Araw na Ito (Nurse of the Day), na Nars ng Pampaaralang Distrito (School District Nurse) at puwede siyang maugnayan sa Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Estudyante, Pamilya, at Paaralan (Student, Family and School Resource Link), sa pamamagitan ng telepono mula 8:30am hanggang 4:00pm at sa gayon, matugunan ang mga tanong at inaalalang may kaugnayan sa kalusugan ng paaralan at ng estudyante. Puwedeng makontak ng mga estudyante, kawani at pamilya ang Resource Link upang makakuha ng tulong sa sflink@sfusd.edu o sa (415) 340-1716 (Lunes-Biyernes, 9am-3:00pm; sarado nang 12-1pm para sa tanghalian). May iba pang impormasyon at rekurso na makukuha sa website ng Resource Link.
(Sarado na ang Sentro para sa Pampaaralang Kalusugan o School Health Center magmula noong pagsisimula ng pandemyang COVID-19, pero magbubukas itong muli kapag puwede nang magawa ito.)
Mga Programa para sa Kagalingan ng Katawan at Isip o Wellness Programs (Mga High School)
Nagkakaloob ang mga Programang Wellness sa High School ng serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali (behavioral health) at sa mga serbisyo sa kalusugan (health services) sa mga lugar na ligtas at kumpidensiyal. Ang bawat Programang Wellness ay may kawanihan, na pangkat ng mga nagbibigay ng serbisyo o provider, kasama na ang tagapayo para sa kalusugan ng pag-uugali, social worker, School District Nurse, at Kawani para sa Pag-abot sa Nakararami ukol sa Kalusugang Pangkomunidad (Community Health Outreach Worker) sa karamihan sa mga paaralan. Libre at kumpidensiyal ang lahat ng serbisyo. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang: www.sfwellness.org.
Sentrong Pangkalusugan ng Paaralan (School Health Center) (para sa mga edad 5 hanggang 11)
Matatagpuan ang he SFUSD School Health Center sa:
1515 Quintara Street
San Francisco, CA 94116
Nagkakaloob ng pagbabakuna, Pagtatasa kung may Panganib na Magkaroon ng TB (TB Risk Assessment), at pag-eeksamen ng balat (skin testing) para sa TB, na itinatakda para sa pagpasok sa paaralan. Para maging kuwalipikado, kailangang kuwalipikado ang mga bata sa segurong Medi-Cal, o walang seguro, o mababa ang seguro. Libre ang lahat ng serbisyo. Para magtakda ng pakikipagkita, tumawag sa (415) 242 - 2615.
This page was last updated on November 14, 2022