Kahalagahan ng Pagpasok sa Klase
Itinatakda ng batas ng California na pumasok sa klase araw-araw ang mga batang may edad na 6 hanggang 18. Bagamat hindi nasasakop sa kasalukuyan ang mga batang hindi pa umaabot sa anim na taong gulang, ipinapakita ng mga pananaliksik na mahalaga ang maagang edukasyon (pre-school at kindergarten) para sa akademikong tagumpay sa hinaharap. Responsibilidad ng magulang/tagapag-alaga na tiyakin na nakapapasok sa klase araw-araw ang kanyang anak.
Para sa suporta sa pagpapanatili sa inyong anak sa paaralan, o kung mayroon kayong katanungan tungkol sa Polisiya sa Pagpasok sa Klase ng Distrito (District Attendance Policy), pakitawagan ang Mga Serbisyo para sa mga Mag-aaral (Pupil Services) sa: (415) 241-3030 o sa officeofpupilservices@sfusd.edu
Mga Tip para sa mga Magulang/Tagapag-alaga: Pagdating nang Nasa Oras sa Paaralan
- Tiyakin na maagang natutulog ang inyong anak at nakakatulog siya nang mahimbing.
- Gumawa ng pang-umagang iskedyul (magbihis, kumain ng almusal, magsepilyo) at sundin ito.
- Kausapin ang anak tungkol sa kahalagahan ng pagpasok sa klase araw-araw para sa akademikong tagumpay.
- Magtakda ng hindi nagagambalang oras gabi-gabi para makagawa ng takdang-aralin ang inyong anak.
Mahalaga ang Regular na Pagpasok sa Klase!
Itinatakda ng mga pambansa at lokal na pananaliksik na ang mga estudyante na madalas na lumiban sa klase, pinahihintulutan man (excused) o hindi, ay mas mabababang antas ng literacy (kakayahang bumasa at sumulat), mas mabababang marka, at mas matataas na bilang ng umaalis na sa pag-aaral kaysa sa mga estudyante na regular na pumapasok sa klase.
Naniniwala ang Tagapamahalang Lupon (Governing Board) na gumaganap ang regular na pagpasok ng mahalagang papel sa pagtamo ng tagumpay ng estudyante. Makikipagtrabaho ang Lupon sa mga magulang/tagapatnubay upang matiyak ang pagsunod sa lahat ng batas ng estado ukol sa pagpasok sa klase, at posibleng gumamit ng naaangkop na legal na pamamaraan upang malutas ang mga problema ng chornic absence o patuloy na pagliban sa klase o pagbubulakbol (truancy). Ang pagliban na lampas sa 10% o higit pang mga araw ng klase, pinapahintulutan man ang mga pagliban na iyon o hindi, ay ituturing na Chronic Absence. Tatanggap ang mga magulang ng opisyal na notipikasyon para sa labis-labis na pinahihintulutang pagliba (Polisiya ng Lupon ng SFUSD 5113)
Para sa suporta sa pagpapanatili sa inyong anak sa paaralan, o kung may mga tanong kayp ukol sa Polisiya ng Distrito ukol sa Pagpasok sa Paaralan (District Attendance Policy), pakikontak ang Dibisyon para sa mga Serbisyo sa mga Estudyante at Pamilya (Student Family Services Division) sa pamamagitan ng pag-eemail sa sflink@sfusd.edu.
This page was last updated on October 28, 2022