4.1.3 Kung Ano ang Dapat Gawin ng Magulang/ Tagapag-alaga Kung Liliban sa Klase ang Estudyante

Kung Ano ang Dapat Gawin ng Magulang/ Tagapag-alaga Kung Liliban sa Klase ang Estudyante

Kung mananatili ang estudyante sa bahay, kailangang gawin ng magulang/tagapangalaga/tagapag-alaga ang isa sa mga sumusunod:

  • Tawagan ang klerk para sa pagpasok sa klase (attendance clerk) sa araw ng pagliban. Ipakilala ang sarili bilang magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga ng inyong estudyante. Ibigay ang dahilan ng pagliban at ang mga inaasahang mga petsa ng pagliban. O
  • Sumulat ng maiksing liham sa principal o sa tagatala ng pagpasok (attendance clerk) at ipadala ito sa estudyante kapag bumalik na siya sa klase. 

Kailangang kasama sa maiksing liham ang pangalan ng estudyante, ang petsa ng pagliban, ang dahilan ng pagliban, ang pirma ng magulang/tagapag-alaga, at ang petsa. (Polisiya ng Lupon 5113) (Polisiya ng Lupon ng SFUSD 5113)

Ang mga liham na humihinging pahintulutan ang pagliban ay kailangang isumite sa paaralan sa loob ng 72 oras (3 araw) ng pagliban. Kapag hindi ginawa ng magulang/tagapag-alaga ang isa sa mga nasa itaas, tatanggap ang estudyante ng Hindi Pinapahintulutang Pagliban (Unexcused Absence)

 

This page was last updated on October 28, 2022