4.1.5 Ano ang Mangyayari kung Napakarami nang Hindi Pinahihintulutang Pagliban ng Estudyante?

Ano ang Mangyayari kung Napakarami nang Hindi Pinahihintulutang Pagliban ng Estudyante?

(Kodigo sa Edukasyon ng CA 48260.5)

Kung mayroong hindi pinahihintulutang pagliban ang estudyante, magpapadala ang paaralan ng sulat sa bahay, tatawag sa bahay, at hihiling ng pulong sa magulang/tagapatnubay para makabuo ng plano sa paggawa ng aksiyon at makatukoy ng anumang serbisyong nagbibigay-suporta na kinakailangan ng pamilya para matulungan ang estudyante na makarating sa klase. 

Heto ang maaasahan ng mga pamilya pagkatapos ng  hindi pinahihintulutang pagliban:

  • Matapos ang ika-1 at ika-2 na hindi pinahihintulutang pagliban, tatawag ang paaralan sa bahay ng estudyante.
  • Matapos ang 3 na hindi pinahihintulutang pagliban (ayon sa depinisyon sa itaas), magpapadala ang Distrito sa magulang/ tagapatnubay ng liham na “Unang Deklarasyon ng Pagiging Legal na Bulakbol ” at posibleng humiling ng miting para sa pagsuporta sa estudyante. Kapag nagpatuloy ang mga hindi pinahihintulutang pagliban sa akademikong taon din na iyon, padadalhan ng Distrito ang magulang/tagapangalaga ng estudyante ng liham na “Ika-2 na Deklarasyon ng Pagiging Legal na Bulakbol” at maghahandog ng miting para sa pagsuporta sa estudyante.
  • Kapag magpatuloy ang mga hindi pinahihintulutang pagliban sa akademikong taon din na iyon, padadalhan ng Distrito ang magulang/tagapangalaga ng estudyante ng liham na “Ika-2 na Deklarasyon ng Pagiging Legal na Bulakbol,” at bibigyang-klasipikasyon na ang estudyante na Habitwal na Bulakbol, at posibleng isangguni sa Lupong Tagarepaso ng Pagpasok sa Klase (School Attendance Review Board SARB). 

Ang mga estudyante na patuloy na magkakaroon ng mga hindi pinahihintulutang pagliban sa akademikong taon din na iyon ay posibleng isangguni sa opisina ng Abugado ng Distrito (District Attorney) para maisakdal dahil sa paglabag sa batas na Sapilitang Edukasyon (Compulsory Education) ng California  (Kodigo Penal ng CA 272, 48293, Kodigo sa Edukasyon ng CA  48293)

This page was last updated on October 28, 2022