4.2.10 Independiyenteng Pag-aaral

Independiyenteng Pag-aaral

(Polisiya ng Lupon ng SFUSD 6102.6)

Binibigyang awtorisasyon ng Lupon ng Edukasyon ang Independiyenteng Pag-aaral bilang stratehiya sa pagtuturo na opsiyonal at alternatibo, kung saan maaaring matamo ng mga estudyante ang mga layunin ng kurikulum at matugunan ang mga itinakdang pangangailangan para sa pagtatapos. Tatlong uri ng independiyenteng pag-aaral ang iniaalok sa loob ng SFUSD:

Ang Maikling Independiyenteng Pag-aaral (Short-Term Independent Study) ay puwedeng isagawa ng estudyante sa regular na K-12 paaralan sa ilalim ng superbisyon ng mga regular na nakatalagang guro kung itinatakda ng mga partikular na sitwasyon na lumahok siya sa independiyenteng pag-aaral nang hanggang sa dalawang linggo. Kasama sa mga sitwasyon na nagbibigay-katwiran sa partisipasyon sa maikling independiyenteng pag-aaral ang:  

  • (1) pansamantalang kapansanan o sakit na pumipigil sa estudyante sa pagpasok sa paaralan;
  • (2) kamatayan sa pamilya o iba pang emerhensiya ng pamilya na nangangailangang maglakbay ang estudyante. Hindi para sa pambakasyong biyahe ang independiyenteng pag-aaral.
  • (3) mga estudyanteng itinatakda ng kautusan sa kalusugan na ibukod ang sarili o magkuwarentenas, o gustong magkuwarantenas mula sa paaralan sa loob ng maiksing panahon upang makaiwas sa sakit batay sa pag-aalala na malalagay sa panganib ang kanilang kalusugan ng harap-harapan o in-person na pagtuturo dahil sa kasalukuyang biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID, ayon sa pagpapasya ng magulang/tagapatnubay. 
  • (4) Pang-emergency  na independiyenteng pag-aaral para sa naapektuhang estudyante, na ihahandog sa loob ng 10 araw ng pagsasara ng paaralan nang dahil sa sunog, baha, hindi madaanang kalye, epidemya, lindol, napipintong panganib sa kaligtasan batay sa pagpapasya ng lokal na mga tagapagpatubad ng batas, welga sa transportasyon, o emergency na likha ng digmaan/ kautusan ukol sa hindi ordinaryong sitwasyon. (EC 46393, 41422). 

Ang Independiyenteng Pag-aaral sa Pisikal na Edukasyon (Physical Education Independent Study) ay puwedeng makuha ng mga estudyanteng naka-enroll sa (1) mga programang JROTC; (2) landas sa karera (career pathway) na nangangailangan ng pagkakasunod-sunod ng kurso na 2 o higit pang taon; (3) alternatibong paaralan na pinili; o (4) programa ng paaralan para sa pagpapatuloy (continuation school) o paaralan ng county. (Polisiya ng Lupon ng SFUSD 6142.7) Kailangang pumirma ang magulang at ang kawani ng paaralan ng nakasulat na kasunduan na may bisa pa rin sa kasalukuyan, bago lumahok ang estudyante sa Independiyenteng Pag-aaral.

Ang Independence High School ay para sa mga estudyante na may edad na pang-high school at nakakuha na ng hindi bababa sa 60 credits. Tingnan ang tsapter 3.8.10 para sa iba pang impormasyon.

This page was last updated on November 14, 2022