4.2.13 Programa para sa Pagbabalik ng Ibinayad sa Singil sa Pagkuha ng Eksameng Advanced Placement (eksamen para sa pagkuha ng credit na pangkolehiyo, AP)

Programa para sa Pagbabalik ng Ibinayad sa Singil sa Pagkuha ng Eksameng Advanced Placement (eksamen para sa pagkuha ng credit na pangkolehiyo, AP)

Ang Advanced Placement (AP) ay kursong pang-high school, na matindi ang hamon, naghahanda sa mga estudyante para sa gawain sa mga kursong pangkolehiyo, at nagbibigay sa kanila ng oportunidad na makakuha ng credit na pangkolehiyo.   Naghahandog ang SFUSD ng 30 magkakaibang kurso na AP. Para makakuha ng credit na pangkolehiyo, kailangang kumuha ang mga estudyante ng eksameng AP sa naaangkop na asignatura. Itinataguyod ng Opisina para sa Kolehiyo at Karera (Office of College and Career) ang Programa para sa Pagbabalik ng Ibinayad sa Singil sa Pagkuha ng Eksameng Advanced Placement na ibinibigay sa mga high school na estudyanteng mababa ang kita. Interesado ang distrito sa pagtatanggal sa mga pinansiyal na handlang na nakapipigil sa maraming estudyante na mababa ang kita at nasa komprehensibong high school sa pagkuha ng mga eksamen para sa kursong Advanced Placement. 

Kuwalipikadong sumali ang mga estudyanteng mababa ang kita, naka-enroll sa klaseng Advanced Placement (AP), at nagpaplanong kumuha ng eksameng AP sa pagtatapos ng kurso sa Programa para sa Pagbabalik ng Ibinayad sa Singil sa Pagkuha ng Eksameng AP.

Ipagbibigay-alam sa inyo ng Tagapag-ugnay (Coordinator) para sa AP ng bawat high school ang mas murang halaga ng singil na kailangan ninyong bayaran para sa eksamen. Hindi kuwalipikado sa programang ito ang mga paaralang Pribado at Tsarter. 

Ang Opisina para sa Kolehiyo at Kahandaan sa Karera (Office of College and Career Readiness) ang nag-aasikaso ng pagbabayad sa mga singil na ito para sa bawat paaralan. Kung mayroon kayong tanong, tanungin muna ang tagapag-ugnay o coordinator ng AP sa inyong paaralan o tawagan ang Office of College and Career Readiness sa 415-379-7744.

 

This page was last updated on October 28, 2022