4.2.5 Panahon ng Paggagrado (Grading Period)

Panahon ng Paggagrado (Grading Period)

Mayroong 18 linggo sa isang semestre. Kung ang partikular na paaralan ay nasa 6-linggong panahon ng pag-uulat, ipadadala ang ulat ng pag-unlad (report of progress) o ulat ng pinal na grado (final grade report) sa bahay ng estudyante sa pamamagitan ng koreo, matapos ang ika-6 na linggo, ika-12 linggo, at ika-18 linggo (panghuling ulat ng grado o final grade report). Kung ang paaralan ay nasa 9-linggong panahon ng pag-uulat, ipadadala ang ulat ng pag-unlad (report of progress) o ulat ng pinal na grado (final grade report) sa bahay ng estudyante sa pamamagitan ng koreo matapos ang ika-9 na linggo, at ika-18 linggo (panghuling ulat ng grado o final grade report). Iyon lamang panghuli o pinal na grado ang ilalagay sa scholarship record at magtatakda ng average ng grado para sa semestre. (Ibibigay ang mga ulat ukol sa pag-unlad at/o pansamantang ulat o progress at/o interim reports kapag hiniling ang mga ito sa pamamagitan ng mga kawani ng paaralan, at ayon sa pasya ng administrador. Marami sa paaralan ang nagpapaskil ng progress reports sa Synergy Gradebook).

This page was last updated on October 28, 2022