4.2.6 Polisiya sa Paggagrado

Polisiya sa Paggagrado

Ang guro ng kurso ang nagtatakda ng grado ng mga estudyante. Hindi na mababago ang mga grado maliban na lang kung mapag-aalamang may klerikal o mekanikal na pagkakamali, pandaraya, may intensiyong manlinlang (bad faith) o inkompetensiya. Para tutulan ang grado ng estudyante, kailangang magsumite ang magulang/tagapatnubay ng nakasulat na kahilingan sa Katulong na Superintendente ng paaralan. Pagpapasyahan ang kahilingang ito sa loob ng 30 araw ng pagkakatanggap. Kapag hindi binago ang grado, puwedeng magsumite ang magulang ng apela sa Lupon ng Edukasyon sa loob ng 30 araw ng pagtanggi na baguhin ang grado. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 490664, 49070)

Kung ano ang dapat gawin sakaling may pagkakamali:

Sa mga kaso kung saan naniniwala ang estudyante o ang magulang na nagkaroon ng pagkakamali sa ibinigay na grado para sa semestre, kailangang makipagkita ang estudyante/magulang sa Tagapayo (Counselor) para hilingin ang pagpapasimula ng “Edit Transcript Form (Form para sa Pagbabago ng Transcript). Kailangang mapirmahan ang papel ng tagapayo, guro at principal bago mapalitan ang grado.

 

This page was last updated on October 28, 2022