4.2.7 Mga Grado sa Middle at High School

Mga Grado sa Middle at High School

Nakakakuha ang estudyante ng 5 credit para sa bawat kurso na nakokompleto niya nang may gradong “D” o mas mataas pa, basta’t nakadalo siya nang buong semestre o lumipat siya sa bagong paaralan nang “isinasagawa na ang grado (grade in progress)” sa dating paaralan. Posibleng magtalaga ang paaralan ng mga kursong mas mababa sa 5 ang credits. Karamihan sa mga kursong ito ay 9 na linggo lamang nagkaklase o mas kaunti ang oras ng klase sa isang linggo.

Hindi puwedeng kumuha ang isang estudyante ng high school nang mahigit sa 45 credit sa isang semestre. Lahat ng apela para sa hindi pangkaraniwang sitwasyon ay kailangang iharap sa principal.

Lahat ng paaralan ay puwedeng magtakda ng variable credit, na kilala rin bilang partial credit, sa mga estudyante na hindi natugunan o nakatapos ng mga itinatakdang panangailangan. Nakabatay ang variable credit sa bilang ng oras ng klase sa ratio na isang credit sa bawat oras.

Gumagamit ang SFUSD ng mga letrang grado ayon sa mga sumusunod (Administratibong Regulasyon ng SFUSD AR 5121):

Letrang Grado Porsiyento Katumbas na Numerong Grado
A 90 - 100% 4.00
B 80 - <89.9% 3.00
C 70 - <79.9% 2.00
D 60 - <69.9% 1.00
F 50 - <59.9% 0.00

Ang letrang grado sa bawat klase ay may katumbas na nakatalagang numerong grado ayon sa tsart sa itaas.  a pagtatapos ng semestre, awtomatikong kinakalkula ang  Grade Point Average (GPA) para sa bawat estudyante sa pamamagitan ng pagmumultiply ng numerong puntos sa bilang ng credits na sinusubukan para sa kurso, pagsusuma ng mga numerong grado, at pagdidivide ayon sa kabuuang numero ng sinusubukang mga credit.  

Halimbawa:

Kurso Letrang Grado Katumbas na Numerong Grado I-multiply sa Sinubukang Credits = Numerong Grado
World Lit. 1 A 4.0 5 = 20.0
Algebra 1 C 2.0 5 = 10.0
PE 1 C 2.0 5 = 10.0
KABUUAN     15 = 40.0

40 (kabuuang numerong grado ) ÷ 15 (kabuuang sinubukang credits) = 2.66(GPA)

This page was last updated on October 28, 2022