Mga Progress Report (Ulat ng Pag-unlad) at Report Card (talaan ng mga asignatura at marka)
Ibibigay ang mga report card (talaan ng mga asignatura at marka) na may pinal na marka sa pagtatapos ng panahon ng paggagrado (semestre/quarter o panahon ng pag-aaral na tatlong buwan, depende sa antas ng grado). Gagawan ng ebalwasyon ang natamo ng bawat estudyante sa kabuuan ng bawat panahon ng pabibigay ng mga marka.
Sa lahat ng antas ng grado, ibibigay ang akademikong pag-unlad sa mga magulang/tagapatnubay bago ang pagpapaskil ng pinal na marka sa kurso, at posibleng kasama rito ang mga report o ulat ng pag-unlad ng estudyante sa mga espesipikong akademikong pamantayan na ipinatutupad sa kurso at antas ng grado, o letrang marka ayon sa pagpapasya ng Superintendente sa Administratibong Regulasyon. Posibleng nasa anyo ng mga dokumentong ipinadadala sa koreo, elektronikong komunikasyon, at/o kumperensiya sa magulang ang gayong mga report.
Kapag naging malinaw sa guro na may panganib na bumagsak sa kurso ang estudyante, tatawag ng kumperensiya ang guro kasama ang magulang/tagapatnubay ng estudyante, o padadalhan ang magulang/tagapatnubay ng nakasulat na report. Ang pagtanggi ng magulang na dumalo sa kumperensiya o tumugon sa nakasulat na ulat ay hindi makapipigil sa pagbagsak ng estudyante sa pagtatapos ng grading period. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 49067) (Polisiya ng Lupon ng SFUSD 5121)
This page was last updated on October 28, 2022