4.4.1 Sosyo-emosyonal na Pagkatuto

Sosyo-emosyonal na Pagkatuto

Ang mga kahusayan sa Sosyo Emosyonal na Pagkatuto (Social Emotional Learning, SEL) ay pangkat ng mga kakahayan, paniniwala at aktitud upang magawa ng estudyante ang mga sumusunod: maintindihan at mapamahalaan ang emosyon; magtakda ng mga positibong tunguhin at matamo ang mga ito; makipagtrabaho at makipaglaro nang may kolaborasyon sa ibang tao, at harapin ang mga hamon bilang oportunidad para matuto. Sinusukat ng SFUSD ang 4 na kahusayan sa SEL sa mga estudyante nito upang makapagplano at makapagpatupad ang mga paaralan ng pagpoprograma, at sa gayon, mapaunlad ang SEL sa mga estudyante nito. 

Ang mga sumusunod ang mga pamantayan sa pagtukoy sa mga kahusayan sa SEL: ang pagiging paraan ng mga kahusayang ito upang mahulaan ang kahihinatnan sa larangang akademiko, karera, at buhay; nasusukat nang maaasahan ang mga kahusayang ito; at puwedeng mapaunlad pa at masukat ang mga interbensiyon para higit pang magkaroon ng mga kahusayang ito. 

Nasusukat ang mga kahusayan sa SEL sa pamamagitan ngy kung saan binibigyan ng estudyante ng marka ang sarili o self-rating (mga grado 4-12) at sa pagbibigay ng marka ng guro sa report card na tk-5. Pinagsumikapang gawin ng mga guro mula sa iba’t ibang departamento ang pagpapahusay ng mga rating rubric o isanasaalang-alang sa pagmamarka, pati na rin ang gabay sa mga pamilya para sa paghihikayat sa pagpapaunlad ng SEL sa bahay.

Ang mga sumusunod ang mga kakayahan:

  • Pagtuon ng isip sa pag-unlad (Growth Mindset): Ang paniniwala na puwedeng umunlad ang mga kakayahan sa pamamagitan ng pagsusumikap. Nakikita ng mga estudyante na may pagtuon sa pag-unlad ang kahalagahan ng pagsusumikap bilang susi sa tagumpay, niyayakap nila ang mga hamon, natututo sila mula sa mga pagpuna, at nagpupursugi kahit may mga hadlang
  • Kakayahang makompleto nang mag-isa ang mga gawain at matamo ang mga layunin (Self-efficacy): Ang paniniwala sa sariling kakayahan para matamo ang gustong kahinatnan o maabot ang tunguhin. Sinasalamin ng self-efficacy ang kumpiyansa  sa kakayahang makontrol ang nakapang-uudyok sa sarili, pag-uugali, at kapaligiran 
  • Pamamahala sa sarili (Self-management): Ang kakayahan na epektibong mapamahalaan ang sariling mga emosyon, iniisip at ugali sa iba’t ibang sitwasyon. Kasama na rito ang pamamahala sa stress o matinding sitwasyon,  paghihintay bago mabiyayaan, pag-udyok sa sarili, at pagtatakda at pagtatrabaho tungo sa mga layuning personal at akademiko
  • Kamalayan sa lipunan (Social awareness): Ang kakayahan na makita ang pananaw ng iba at magkaroon ng malasakit sa mga tao na may iba’t ibang pinagmulan at kultura, maunawaan ang mga panlipunan at etikal na inaasahan sa mga kilos at gawi, at makilala ang mga mapagkukunan ng tulong at suporta sa pamilya, paaralan at komunidad.

Binibigyan ng pagsasanay at sinusuportahan ng Dibisyon para sa Pagbibigay Suporta sa mga Mag-aaral, Pamilya at Komunidad  (Student Family and Community Supports Division, SFCSD) ang mga paaralan sa mga stratehiya at gawain sa pagtuturo at sa pagpapaunlad ng mga kakayahan sa SEL. Ginagawa ito sa pamamagitan ng SEL na Balangkas o Framework; paggamit ng Mga Interbensiyon at Suporta para sa Positibong Kilos at Gawi (Positive Behavior Interventions and Supports, PBIS), pagpapatupad ng mga Gawain para sa Panunumbalik (Restorative Practices), P at ang programa para sa paggabay sa estudyante o student mentoring program, at sa pamamagitan ng ipinatutupad ng distrito na sosyo-emosyonal na kurikulum sa pag-aaral ng K-8 (Ikalawang Hakbang o Second Step).

This page was last updated on October 28, 2022