Kurikulum para sa Edukasyong Pangkalusugan (Health Education)
Bahagi ang Edukasyong Pangkalusugan sa kinakailangang programa sa pagtuturo sa lahat ng grado sa mga paaralan ng San Francisco. Tunguhin ng edukasyong pangkalusugan na dagdagan pa at pagtibayin ang mga diskusyon tungkol sa kalusugan sa mga tahanan at magturo ng kaalaman at kakayahan na kinakailangan para makagawa ang mga kabataan ng mga desisyon para mapaunlad ang kanilang kalusugan.
Itinataguyod ng mga aralin sa klasrum at ng mga karagdagang programa ang: 1) personal na responsibilidad para sa habam-buhay na kalusugan, 2) paggalang at pagtataguyod ng kalusugan ng iba, 3) pag-unawa sa proseso ng paglaki at pag-unlad, at 4) paggamit ng mga impormasyon, produkto, at serbisyo na may kinalaman sa kalusugan nang may kaalaman. Posibleng gawin ang mga leksiyon na ito sa loob ng pisikal na klasrum o virtual (sa pamamagitan ng internet), sa pamamagitan ng platform sa Distance Learning (uri ng pag-aaral na isinasagawa sa pamamagitan ng internet o learning kits dahil magkalayo ang guro at estudyante) ng SFUSD.
Tatanggap ang lahat ng estudyanteng nasa grado 7-12 ng komprehensibong edukasyon ukol sa kalusugang seksuwal (sexual health education) at edukasyon para sa pag-iwas sa HiV nang hindi bababa sa isang beses sa mga panggitnang grado at isang beses sa high school (Batas na Malusog na Kabataan o Healthy Youth Act ng California AB 239)
Inilalarawan ng sumusunod na seksiyon ang mga konseptong naaayon sa edad at mga karagdagang programa na inihahain sa mga antas ng elementarya, middle school, at high school. Makukuha para sa pag-iinspeksiyon ang mga nakasulat at audiobiswal na materyales na pang-edukasyon na ginagamit sa komprehensibong edukasyon sa kalusugang seksuwal at pag-iwas sa HIV. Puwede ring makita ang kurikulum o pinag-aaralan sa bawat antas sa sfusdhealtheducation.org. Puwedeng tingnan ang iba pang mapagkukunan ng tulong at impormasyon at mga programang kaugnay ng kalusugan sa www.sfusd.edu/health-education.
Transisyonal na Kindergarten
Personal na Kalusugan at Kalusugan ng Komunidad: Natutukoy at isinasagawa ang batayang pangangalaga sa katawan.
Paglaki at Pag-unlad: Napapangalanan at nailalarawan ang limang pandama.
Paaralang Elementarya
Kurikulum: HealthSmart (ETR, 2017); Second Step (Ikalawang Hakbang, Committee for Children, 2011 Tell Me About AIDS (Sabihin mo sa Akin ang Tungkol sa AIDS, American School Health Association, 2007), mga libro at leksiyon tungkol sa LGBTQ Family Diversity (Pagkakaiba-iba batay sa Pamilyang LGBTQ); Planned Parenthood Puberty Lessons (Mga Leksiyon ukol sa Pagdadalaga at Pagbibinata mula sa Planned Parenthood, Planned Parenthood, 2016). Child Safety Awareness (Kamalayan ukol sa Kaligtasan ng mga Bata, Safe and Sound at SFUSD 2018), iMatter – Puberty, Gender, and Fairness – A Grade 5 Curriculum (Pagdadalaga o Pagbibinata, Kasarian at Pagiging Makatarungan - Isang Kurikulum para sa ika-5 Grado, The Population Council, 2014); mga naaprubahang librong pampanitikan ng Curriculum and Materials Task Force o Espesyal na Pangkat para sa Kurikulum at Materyales (iba’t ibang awtor).
Polisiya: Tatanggap ang mga estudyante ng hindi bababa sa 20 leksiyon sa kalusugan kada grado kada taon. Inirerekomendang pagpapatupad:
- 3 leksiyon ukol sa kalusugan ng isip, kalusugang emosyonal at panlipunan (kasama na ang pagpigil sa karahasan);
- 3 leksiyon ukol sa paglaki at pag-unlad (kasama na ang pag-iwas sa HIV, safe touch o ligtas na paghawak, at puberty o pagdadalaga at pagbibinata para sa ika-3, ika-4 at ika-5 grado);
- 3 leksiyon ukol sa alak, sigarilyo at iba pang droga;
- 3 leksiyon ukol sa nutrisyon at mga pisikal na gawain;
- 3 leksiyon ukol sa nutrisyon at pisikal na gawain;
- 3 leksiyon ukol sa pagkakaiba-iba ng mga pamilya;
- 32 leksiyon ukol sa iba pang nilalaman na nasa larangan ng kalusugan at makabuluhang mga isyung pangkalusugan batay sa mga pangangailangan at inaalala ng mga estudyante.
Ayon sa umiiral na batas, na mga seksiyong 51930-51939 ng Kodigo sa Edukasyon ng CA, hindi pinaghihiwa-hiwalay batay sa kasarian ang mga estudyante para sa pagtuturo ng kalusugan.
Middle School o Panggitnang Paaralan (Grado 6, Grado 7, Grado 8)
Nakatakdang Kurikulum: Healthy Me, Healthy Us. comprehensive sexuality (Malusog na Ako, Malusog na Tayo, komprehensibong seksuwalidad, SFUSD 2017); Project Alert drug education (Proyektong Alerta edukasyon ukol sa droga, BEST Foundation, 2000); Second Step na sosyo-emosyonal na pagkatuto (Ikalawang Hakbang, Committee for Children, 2017)
Polisiya: 30 leksiyon sa klase kada grado kada taon. Inirerekomendang pagpapatupad:
- 6 leksiyon ukol sa kalusugan ng isip, kalusugang emosyonal at panlipunan;
- 6 leksiyon ukol sa paglaki at pag-unlad;
- 6 leksiyon ukol sa alak, sigarilyo at iba pang droga;
- 6 leksiyon ukol sa nutrisyon at mga pisikal na gawain;
- 3 leksiyon ukol sa pag-iwas sa pinsala at kaligtasan;
- 2 leksiyon ukol sa pagkakaiba-iba ng mga pamilya at kamalayan tungkol sa LGBTQ;
- 1 leksiyon ukol sa iba pang nilalaman na nasa larangan ng kalusugan at makabuluhang mga isyung pangkalusugan batay sa mga pangangailangan at inaalala ng mga estudyante;
High School o Mataas na Paaralan
Nakatakdang Kurikulum: Be Real. Be Ready. Smart Sexuality Curriculum (Maging Totoo. Maging Handa. Kurikulum para sa Matalinong Seksuwalidad, SFUSD/ AHWG, 2017); selected lessons from Health Smart (Pagiging Matalino ukol sa Kalusugan, ETR, 2017)
Polisiya: Itinatakda ang iisang-semestreng kurso sa edukasyong pangkalusugan para sa pagtatapos o graduation. Inirerekomendang pagpapatupad:
- 15 leksiyon ukol sa pagpapahalaga sa sarili, kalusugan ng isip/kalusugang emosyonal, at mga kakayahang personal/panlipunan;
- 15 leksiyon ukol sa buhay pampamilya, edukasyon ukol sa seksuwalidad, pag-iwas sa STD/HIV at pagbubuntis, at human trafficking (ilegal na pagbibiyahe sa mga tao para sa pagsasamantala sa paggawa o seksuwal na pagsasamantala);
- 15 leksiyon ukol sa pag-iwas sa pang-aabuso sa droga at iba pang sangkap, kasama na ang 6 para sa pag-iwas sa paninigarilyo;
- 8 leksiyon ukol sa pag-iwas sa karahasan;
- 2 leksiyon ukol sa pagkakaiba-iba sa seksuwalidad;
- 10 leksiyon ukol sa nutrisyon at pagtangkilik sa pisikal na gawain;
- 25 natitirang leksiyon batay sa mga pangangailangan/alalahanin ng mga estudyante; kagaya ng personal na kalusugan, kalusugan ng mga konsumer, pag-iwas sa pinsala, mga relasyon, at iba pa.
Mga Rekurso para sa Edukasyong Pangkalusugan sa Kabuuan ng Distrito
May ilang ahensiya sa komunidad na naghahandog ng mga presentasyon sa klasrum na tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa pagdadalaga at pagbibinata (puberty) at seksuwalidad, at naaprubahan na sila para sa pagbibigay ng mga presentasyon sa klasrum sa San Francisco para sa mga gradong elementarya, middle school at high school. Matatagpuan ang listahan ng mga organisasyong naaprubahan na sa www.sfusd.edu. Humanap doon ng iba pang impormasyon tungkol sa mga Serbisyong Nagbibigay-Suporta para sa Kabataang LGBTQ, Serbisyo para sa Kabataang Foster at mga Programang ExCEL na Pagkatapos ng Klase (Support Services for LGBTQ Youth, Foster Youth Services, and ExCEL After School Programs).
Abiso sa Magulang/Tagapatnubay/Tagapag-alaga ukol sa mga Leksiyon sa Reproduktibong Kalusugan at Pag-iwas sa HIV
Ayon sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 48980 at 51938, kailangang abisuhan (1) ang mga magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga na puwedeng mainspeksiyon ang mga nakasulat at audio-biswal na materyal na pang-edukasyon na ginagamit para sa komprehensibong edukasyon ukol sa kalusugang seksuwal at sa edukasyon para sa pagpigil sa HIV /AIDS, (2) kung ituturo ang mga pang-edukasyong materyal na ito ng mga kawani ng distrito o ng taga-labas na konsultant, (3) na puwedeng humingi ng kopya ang magulang/tagapatnubay ng kopya ng Kodigo sa Edukasyon Seksiyon 51937 at kasunod pa, at (4) na puwedeng pasulat na hilingin ng magulang/ tagapatnubay na huwag tumanggap ang kanilang anak ng mga leksiyon sa reproduktibong kalusugan tulad ng pagpigil sa HIV /AIDS nang hindi napaparusahan. Natutugunan ng handbook na ito ang ganitong pangangailangan.
Kung gagamit ang Distrito ng taga-labas na konsultant o panauhing tagapagsalita, kailangang pagkalooban ang magulang/ tagapatnubay ng abiso nang hindi bababa sa 14 araw bago ang instruksiyon, na may (1) petsa ng instruksiyon; (2) pangalan ng organisasyon o kinasasapian ng bawat tagapagsalita; at (3) impormasyon tungkol sa karapatang humiling ng kopya ng Mga Kodigo sa Edukasyon 51937, 51933 at 51934.
Kung gusto ninyong huwag maisama ang inyong anak sa anumang bahagi ng programa sa edukasyon ukol sa reproduktibong kalusugan, mangyaring magsumite ng nakasulat na kahilingan sa guro sa edukasyong pangkalusugan ng inyong anak sa kanyang paaralan.
Puwedeng makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa programa sa edukasyong pangkalusugan ng inyong anak sa pamamagitan ng pagkontak sa guro sa edukasyong pangkalusugan ng inyong anak at/o sa principal.
Para sa mga detalye sa pagkuha ng condom, basahin pa ang tungkol dito sa Programa ukol sa Pagkuha ng Condom (Condom Availability Program) na nasa tsapter 3.9.9.
Mga Tema Kada Buwan para sa Kamalayang Pangkalusugan (Health Awareness)
Agosto / Setyembre |
Mas Mainam Kung Magkasama: Bumuo ng Malusog na Komunidad |
---|---|
Oktubre |
Maging Ligtas, Maging Matalino: Pag-iwas sa Paggamit ng Droga |
Nobyembre/Disyembre |
Maging Kakampi at Tumindig para sa Kapayapaan: Pag-iwas sa Karahasan |
Enero/Pebrero |
Lumalaking mga Katawan at Aktibong Pagpapahintulot: Malusog na Seksuwalidad at Mga Relasyon |
Marso |
Maging Tayo: Nutrisyon at Pisikal na Gawain |
Abril |
Paghahanap ng Iyong Boses at Pagsunod sa Iyong Puso: Dangal at Adbokasiyang LGBTQ |
Mayo |
Buksan ang Pintuan, Lumabas at Magsiyasat: Kaligtasan sa Tag-araw at Kalusugang Pangkapaligiran |
This page was last updated on October 28, 2022