Eksamen na CAASPP

Ang Pagtatasa ng California sa Pagganap at Pag-unlad ng estudyante (California Assessment of Student Performance and Progress, CAASPP) ang sistema ng pagtatasa o assessment para sa kabuuan ng estado na ginagamit ng mga pampublikong paaralan ng California. Layunin ng programang CAASPP na magkaloob ng impormasyon na ginagamit upang masubaybayan ang pag-unlad ng estudyante at matiyak na umaalis ang lahat ng estudyante sa high school nang handa para sa kolehiyo at karera. Lalahok ang mga estudyante ng SFUSD na nasa mga grado 3-8 at 11 sa pag-eeksamen na CAASPP simula sa tagsibol o spring 2023.

Nakabatay ang naka-base sa kompyuter na mga eksamen ng CAASPP sa Mga Batayang Pamantayan ng Estado na Para sa Lahat (Common Core State Standards) ng California para sa mga sining ng wikang Ingles (English language arts)/pagbasa at pagsulat (literacy) at matematika. Kasama sa mga pagtatasang ito ang Smarter Balanced na eksameng puwedeng gamitan ng komputer (computer-adaptive) sa English language arts/literacy at mathematics at sa Kapalit na Pagtatasa ng California (California Alternate Assessment) para sa ilang estudyanteng may kapansanan. 

Upang malaman ang tungkol sa mga uri ng tanong sa eksamen ng CAASPP puwede ninyong makita kunin ng inyong anak ang online na eksamen para sa pagpapraktis (practice test) sa Web page ng Smarter Balanced Practice Test ng Departamento ng Edukasyon ng California (California Department of Education, CDE) na nasa http://www.caaspp.org/practice-and-training/index.html

Sa pagsisimula ng akademikong taon 2023. Makukuha na ng mga magulang ang indi-indibidwal na ulat ukol sa mga score o marka. Kasama sa mga detalyadong ulat ang pangkalahatang marka (overall score), ang deskripsiyon ng akademikong antas ng estudyante sa mga sining ng wikang Ingles at matematika,at iba pang impormasyon. Makikita at mada-download ang mga ulat ukol sa score ng estudyante sa pamamagitan ng SFUSD Family Portal (ParentVue): portal.sfusd.edu.

Kung gusto ninyo ng iba pang impormasyon, pakibisita ang tab na Parent/Student (Magulang/estudyante) ng Web page ng CDE CAASPP na nasa www.cde.ca.gov/ta/ac/cm/

May karapatan ang mga Magulang/Tagapatnubay na humiling ng eksempsiyon o hindi pagsali sa lahat ng pag-eeksamen na CAASPP o ng bahagi nito. Kung mayroon kayong anumang tanong o inaalala ukol sa partisipasyon ng inyong anak, pakikontak ang Opisina para sa Pagtatasa ng mga Natamo (Achievement Assessments Office) ng SFUSD sa (415) 241-6400.

 

This page was last updated on February 6, 2023