Mga Kinakailangang Credit at Kurso

Inilararawan sa Seksiyon A sa ibaba ang mga kinakailangang credit at kurso para sa mga estudyante ng SFUSD.  Mayroong 4 plano para sa mga credit at kurso na nakalarawan sa Seksiyon A. Kasama rito ang:  Plano 1`(Lahat ng Estudyante); Plano 2 (Mga Isinilang sa Ibang Bansa na estudyante na Edad 15 o Mas Matanda pa); Plano 3 (Mga Kabataang Foster o nasa pangangalaga ng gobyerno, Kasama sa Probation o panahon ng pagsubok, Homeless o Walang Tahanan/Nasa Transisyon, Mga Anak ng Pamilyang Militar, Migranteng Estudyante o Bagong Dating na Migrante na Kalahok sa Programang Newcomer at Lumipat Matapos ang kanilang Ikalawang Taon ng High School o Bagong Dating na Mag-aaral ng Ingles (Newcomer English Learner Student) na mga Estudyanteng Limitado o Nahinto ang Pormal na Edukasyon); Plano 4 (Mga estudyante na naka-enroll sa mga paaralan na pinamamahalaan ng Opisina ng Edukasyon (Office of Education) ng San Francisco County. 

Inilalarawan ng Seksiyon B sa ibaba ang Alternatibo sa Diploma para sa High School. 

Ang Kabanata 4.5.3 ng Handbook na ito ay naglalarawan ng Alternatibo sa High School Diploma.

Seksiyon A:  Mga Kinakailangang Credit at Kurso

Kailangang makompleto ng mga estudyante ang minimum ng mga sumusunod na bilang ng kurso sa mga natukoy na subject, kung saan tumatagal ang bawat kurso ng isang taon, maliban na lamang kung may ibang nakasulat. Puwedeng makuha ang mga credit na ito sa pamamagitan ng tradisyunal na kurso o alternatibong pamamaraan na naaprubahan na, kagaya ng sabay na pagpapaenroll (dual enrollment) sa community college, kursong online, summer school, edu-kasyon para sa matatanda (adult education), karanasan sa trabaho, eksamen para sa kakayahan (proficiency) o klase mula sa iba pang institusyong akreditado. Nakabalangkas ang mga pangangailangan para makakuha ng credit sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraang ito sa Administratibong Regulasyon na naaprubahan na ng Superintendente. 

Plano 1:  Lahat ng Estudyante 

Mga Kurso Mga Semestre Credits

a.  Kasaysayan (History)/Araling Panlipunan (Social Science)

(kasama ang Kasaysayan ng US, Kasaysayan ng Daigdig, at Pamahalaang Amerikano / Ekonomiya)

6 30

b.  Ingles Para sa Paghahanda sa Kolehiyo (College Preparatory English

(Mga kursong naaprubahan na ng Opisina ng Presidente ng University of California, na naghahanda sa mga mag-aaral na kumuha ng mga kursong nasa antas ng kolehiya; isang taon lamang ng aprubadong ELD ang kinakalkula bilang “b” English.) 

8 40

c.  Matematika (Mathematics) 

(Tatlong taon ng matematikang aprubado ng UC, madalas na Algebra 1, Geometry, at Algebra 2.)

6 30

d.  Siyensiyang Panlaboratoryo (Laboratory Science) 

(Isang taon bawat isa para sa mga siyensiyang bayolohikal at pisikal. Inirerekomenda ng UC ang ikatlong taon ng siyensiya. Komunsulta sa tagapayo para sa mga kasalukuyang hinihingi ng University of California at California State Universities at kasalukuyang listahan ng mga tinatanggap na kurso ng UC-D. 

4 20

e.  Mga Wika ng Mundo (World Languages)

(Kinakailangan ng dalawang taon ng iisang wika bukod sa Ingles.) 

*Tingnan ang mga karagdagang tala na nasa dulo ng Seksiyon B. 

4 20

f.  Sining Biswal at Sining ng Pagganap (Visual and Performing Arts)

(Isang taon ng iisang disiplina:  Pagsasayaw (Dance), Drama/Teatro, Musika o Sining Biswal.)

2 10

Pisikal na Edukasyon (Physical Education)  

*Tingnan ang mga karagdagang tala na nasa dulo ng Seksiyon A. 

4 20
Ediukasyon sa Kalusugan (Health Education)  1 5
Kurso para sa Kolehiyo at Karera 1 5

g.  Mga Elektibo (Electives)    

(Mga abanteng kurso sa  Matematika, Sining, Ingles, Mga Siyensiyang Panlaboratoryo, Dayuhang  Wika, Araling Panlipunan, Ethnic Studies o iba pang kurso. Kailangang mga a-g na aprubadong kurso ang hindi bababa sa 2 semestre o 10 credit ng mga elektibo ayon sa itinatakda ng University of California at ng California University System)

10 50
     
Kabuuang Credits na Kinakailangan   230

Ang mga estudyanteng  may kapansanan na gustong makakuha ng regular na high school diploma ay kailangang makakompleto ng mga itinakdang credits at kurso ng Distrito. Maaaring tumanggap ng mga akomodasyon at/o modipikasyon sa mga kinakailangang kursong ito ang mga estudyante na may kapansanan, ayon sa pagkakatukoy sa IEP o Planong 504.

Plano 2: Mga Isinilang sa Ibang Bansa na estudyante na Edad 15 o mas Matanda pa 

Ang mga isinilang sa ibang bansa na estudyante na papasok sa Distrito at may edad na hindi bababa sa 15 bago sumapit ang Setyembre 1 ng taon ng pagpasok ay ilalagay sa ika-10 na grado. Puwedeng makakuha ng diploma ang mga estudyante na nasa kategoryang ito sa pamamagitan ng pagtugon sa mga sumusunod na kinakailangang kurso at credit:

Deskripsiyon ng Kategorya Mga Semestre Credits
a. Kasaysayan (History)/Araling Panlipunan (Social Science) (kasama ang Kasaysayan ng US, Kasaysayan ng Daigdig, at Pamahalaang Amerikano / Ekonomiya) 6 30
b. Ingles (English)  (3 taon) 6 30
c. Matematika (Mathematics)  (kasama ang Algebra 1, Geometry at Algebra 2.) 6 30
d. Siyensiyang Panlaboratoryo (Laboratory Science)  (isang taon bawat isa para sa mga siyensiyang bayolohikal at pisikal.) 4 20
e. Mga Wika ng Mundo (World Languages) (Kinakailangan ng dalawang taon ng iisang wika bukod sa Ingles.) *Tingnan ang mga karagdagang tala na nasa dulo ng Seksiyon B.  4 20
f. Sining Biswal at Sining ng Pagganap (Visual and Performing Arts) 
(Isang taon ng iisang disiplina:  Pagsasayaw (Dance), Drama/Teatro, Musika o Sining Biswal.)
2 10
Pisikal na Edukasyon (Physical Education)* Tingnan ang mga karagdagang tala na nasa dulo ng Seksiyon B.  4 20
Edukasyon sa Kalusugan (Health Education)  1 5
Kurso para sa Kolehiyo at  Karera 1 5
g. Mga Elektibo (Electives)     
(Mga abanteng kurso sa  Matematika, Sining, Ingles, Mga Siyensiyang Panlaboratoryo, Dayuhang  Wika, Araling Panlipunan, Ethnic Studies o iba pang kurso. Kailangang mga a-g na aprubadong kurso ang hindi bababa sa 2 semestre o 10 credit ng mga elektibo ayon sa itinatakda ng University of California at ng California University System.)
4 10
Kabuuan   180

Ang mga estudyante na may edad 14 bago ang Setyembre 1 sa taon ng pagpasok ay ilalagay sa ika- 9 na grado at kinakailangang matugunan ang mga pangangailangan para sa pagtatapos ng Plano 1. Ilalagay sa ika-9 na grado ang mga estudyante na mas mababa sa 8 ang mga taon ng pag-aaral. 

Pangangailangang Pirmahan ang Waiver: Para magamit ang Plano 2, kailangang pumirma ang kuwalipikadong estudyante at ang magulang/tagapatnubay ng nakasulat na waiver para tanggapin na hindi natutugunan ng. Plano 2 ang mga pangangailangang a-g at posibleng maapektuhan ang pagkakatanggap ng estudyante sa institusyong post-secondary (pambokasyonal, kolehiyo at unibersidad). Makatatanggap din ng impormasyon ang estudyante tungkol sa mga oportunidad sa paglipat sa pamamagitan ng Mga Kolehiyong Pangkomunidad (Community Colleges) ng California.  Lalo pang ibabalangkas ang proseso para sa pagpapayo at pagbibigay ng waiver sa paggamit ng Plano 2 ng Administratibong Regulasyon na naaprubahan na ng Superintendente.

Plano 3 -- Mga Kabataang Foster o nasa pangangalaga ng gobyerno, Kasama sa Probation o panahon ng pagsubok, Homeless o Walang Tahanan/Nasa Transisyon, Mga Anak ng Pamilyang Militar, o Migranteng Estudyante na Lumilipat ng Paaralan Matapos ang 2 Taon ng High School o Bagong Dating na Migrante na Kalahok sa Programang Newcomer at nasa Kanilang Ikatlo no Ika-apat na Taon ng High School o mga Estudyanteng Limitado o Nahinto ang Pormal na Edukasyon (Students with Limited or Interrupted Formal Education, SLIFE).

Itatakda sa mga kabataang foster, kasama sa probation, homeless/nasa transisyon, anak ng pamilyang militar o migranteng estudyante na  palipat mula sa isang paaralan tungo sa isa pa, matapos makompleto ang kanilang ikalawang taon ng high school, o sa mga bagong dating na imigranteng estudyante na lumalahok sa programang Newcomer at nasa ikatlo o ika-apat na taon ng high school na magkompleto ng lahat ng itinatakda ng estado para sa pagtatapos, ayon sa pagkakatukoy sa Kodigo sa Edukasyon 51225.3, pero hindi sila kasali sa anumang karagdagang itinatakda para sa pagtatapos na pinagtibay ng Distrito, maliban na lamang kung magdesisyon ang Superintendente o ang itinalaga nito na makatwirang makakayanan ng estudyanteng makompleto ang mga kinakailangan sa takdang panahon para makapagtapos sa dulo ng ika-apat na taon ng high school. Sa loob ng 30 araw ng paglipat, aabisuhan ang sinumang gayong estudyante ng tungkol sa posibilidad na magkaroon ng eksempsiyon o hindi pagkakasali o kung kuwalipikado ang estudyante para dito. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 51225.1)

Ang mga estudyanteng may limitado o nahintong pormal na edukasyon at nakapag-enroll sa high school sa U.S. Nang hindi bababa sa dalawang taon sa panahon ng pinaplanong pagtatapos at aabot sa edad na 18 nang may mas kaunti sa 100 credit ay hindi rin kinakailangang makapagkompleto ng mga kurso ng higit pa sa itinatakda ng estado, maliban na lamang kung magdesisyon ang Distrito na makatwirang makakayanan ng estudyanteng makompleto ang mga kinakailangan sa takdang panahon para makapagtapos sa dulo ng ika-apat na taon ng high school. 

Mga Kurso Mga Semestre Credits
a.  Kasaysayan (History)/Araling Panlipunan (Social Science) (3 taon kasama na ang Kasaysayan ng US, Kasaysayan ng Daigdig, at Pamahalaang Amerikano / Ekonomiya) 6 30
b.  Ingles (English)  (3 taon) 6 30
c.  Matematika (Mathematics)  (2 taon, kasama na ang Algebra 1) 4 20
d.  Siyensiya (Science)  (2 taon, kasama na ang mga siyensiyang bayolohikal at pisikal.) 4 20
e.  Sining Biswal at Sining sa Pagganap (Visual and Performing Arts) o Wika ng Mundo (World Language)* (1 taon) Tingnan ang mga karagdagang tala sa dulo ng Seksiyon B. 2 10

f. Pisikal na Edukasyon (Physical Education)*  (2 taon) Tingnan ang mga karagdagang tala na nasa dulo ng Seksiyon B.

4 20
Kabuuang Credits na Kinakailangan   130

Pangangailangang Pirmahan ang  Waiver: Para magamit ang Plano 3, kailangang pumirma ang kuwalipikadong estudyante (at, kung naaangkop, ang taong  may karapatang gumawa ng mga desisyong pang-edukasyon para sa estudyante) ng nakasulat na waiver para tanggapin na hindi natutugunan ng  Plano 3 ang mga pangangailangang a-g at maaaring maapektuhan ang pagkakatanggap ng estudyante sa isang institusyong post-secondary (pambokasyonal, kolehiyo at unibersidad). Makatatanggap din ng impormasyon ang estudyante tungkol sa mga oportunidad sa paglipat sa pamamagitan ng Mga Kolehiyong Pangkomunidad (Community Colleges) ng California. Lalo pang ibabalangkas ang proseso para sa pagpapayo at pagbibigay ng waiver sa paggamit ng Plano 3 ng Administratibong Regulasyon na naaprubahan na ng Superintendente.

Potensiyal na Ika-limang Taon: Kapag napagpasyahan ng pampaaralang distrito na makatuwirang makokompleto ng estudyante na kuwalipikado para sa Plano 3 ang mga itinakdang pangangailangan ng pampaaralang distrito para sa pagtatapos sa loob ng ika-limang taon ng high school ng estudyante, ipagbibigay-alam at pagpapayuhan ng distrito ang estudyante tungkol sa karapatang ito, ayon sa lalo pang nakabalangkas sa Regulasyong Administratibo na naaprubahan na ng Superintindente.

Pagtanggap sa Dati nang Trabaho at Hindi pa Kompletong (Partial) Credits): Tatanggap ang mga estudyante na kuwalipikado para sa Plano 3 ng credit para sa trabaho sa mga kurso (coursework) na katanggap-tanggap na nakompleto habang pumapasok sa ibang pampublikong paaralan, paaralan ng hukumang pangkabataan (juvenile court), paaralang tsarter, paaralan sa ibang bansa, o paaralan o ahensiyang hindi pampubliko o hindi para sa iisang pangkat (nonsectarian) o ahensiya, kahit na hindi nakompleto ng estudyante ang kabuuang kurso, at makatatanggap ng buo o hindi pa kompletong credit para sa nagawa nang trabaho sa kurso. Kapag nabigyan ng hindi pa kompletong credit  para sa isang partikular na kurso, i-eenroll ang estudyante sa pareho o katulad na kurso, kung naaangkop, at nang maipagpatuloy at makompleto ng estudyante ang kabuuang kurso. Hindi pipigilan ang kuwalipikadong estudyante sa pagkuhang muli o pagkuha ng kurso upang matugunan ang mga itinatakdang pangangailangan para maging kuwalipikado sa pagpasok sa California State University o sa University of California. Lalo pang nakabalangkas ang pagbibigay at pagtanggap ng hindi pa kompletong credits sa Administratibong Regulasyon na naaprubahan na ng Superintendente.

Plano 4 -- Para sa mga Estudyante na Naka-enroll sa Paaralan o Programang Pinamamahalaan ng Opisina para sa Edukasyon (Office of Education) ng County ng San San Francisco 

Mga Kurso Mga Semestre Credits
a. Kasaysayan/Araling Panlipunan (History/Social Science)
(kasama na ang Kasaysayan ng US, Kasaysayan ng Mundo at Pamahalaang/Ekonomiyang Amerikano)
6 30
b. Ingles (English) (3 taon) 6 30
c. Matematika (Mathematics) (kasama na ang Algebra, Geometry, at Algebra 2) 4 20
d. Siyensiya (Science) 4 20
e. Sining Biswal at Mga Sining ng Pagganap (Visual and 
Performing Arts) o Wika ng Mundo (World Language)
2 10
Pisikal na Edukasyon (Physical Education)* 4 20
Edukasyong Pangkalusugan (Health Education) 1 5
Kurso para Kolehiyo at Karera (College & Career Course) 1 5
f. Mga Elektibo o Electives (4 taon na pagpapahusay sa mga kakayahang akademiko, personal, pangkarera o pangkolehiyo) 8 40
Kabuuang Credits na Kinakailangan   180

Seksiyon B

Karagdagang Mga Tala:

Mga Wika ng Mundo (World Languages) 

  • Ang aprubadong kurso sa Amerikanong Wikang Pansenyas (American Sign Language) ay ituturing na tumutugon sa pangangailangang ito.

  • Ang mga estudyanteng nag-aaral ng Wika ng Mundo (World Language) sa pribadong paaralan sa panahon na naka-enroll din sa high school ng distrito ay puwedeng maging kuwalipikadong makatanggap ng pang-high school na credit sa kurso para sa kanilang instruksiyon. Hanggang sa 20 credit, na may pinakamataas na bilang na 10 credit kada taon, ang maibibigay sa estudyante na nakatutugon sa pamantayang nakalista sa Administratibong Regulasyon hinggil sa mga alternatibong paraan para matugunan ang mga kinakailangang kurso at credit.   

  • Ang mga estudyante na estudyante ng Ingles (English Learner, EL) na nakapagpapakita ng kakayahan sa kanilang pangunahing wika na kapantay o higit pa sa inaasahan sa estudyante matapos ang dalawang taon ng pag-aaral sa klasrum ng Wika ng Mundo, (World Language) ay posibleng hindi na mangailangan (exempted) ng itinatakdang Wika ng Mundo. Layunin ng hindi na pagpapakuhang ito ang mabigyan ang mga nasa sekondaryang estudyante na EL ng pagkakataon na kumuha ng karagdagang mga kursong ELD, at bigyan ng pagkilala ang mga kakayahan sa pangunahing wika na nakuha na nila. Hindi intensiyon ng hindi na pagpapakuhang ito ang pagpigil sa mga estudyante na Mag-aaral ng Ingles na kumuha ng mga kurso na Wika ng Mundo. Lahat ng estudyante na nagpaplanong pumasok sa kolehiyo ay dapat pag-aralan ang pangangailangan para sa dayuhang wika

Pisikal na Edukasyon (Physical Education)

High School Mga Grado 9-12
  • Kinakailangan ang hindi bababa sa dalawang taon ng mga klase sa Pisikal na Edukasyon at 20 credit upang maka-graduate alinsunod sa Polisiya ng Lupon ng SFUSD.
  • Kailangang naka-enroll ang lahat ng nasa ika-9 grado sa Kurso sa Pisikal na Edukasyon.
  • Kailangang may pamamaraang makakuha ng mga elective (pinipili ng estudyante) na kurso sa PE ang lahat ng nasa ika-11 at ika-12 grado na nakatanggap na ng 20 credit. 
  • Bagamat hindi A-G na itinatakdang kurso ang PE, kailangan ito para sa pagtatapos. Puwedeng makatanggang PE at A-G credit ang mga estudyanteng naka-enroll sa FITL2.
Ipinag-uutos ng Estado na Eksamen sa Kalusugang Pisikal (Physical Fitness Test)
  • Kokompletuhin ng lahat ng estudyanteng nasa ika-5, ika-7, at ika-9 grado ang Ipinag-uutos ng Estado na Eksamen sa Kalusugang Pisikal  sa mga klase sa PE sa spring o pantagsibol na semestre. 

This page was last updated on November 14, 2022