Sertipiko ng Pagkompleto (Certificate of Completion)
Sa halip na diploma sa high school, posibleng mabigyan ang estudyante na may kapansanan ng sertipiko ng pagkompleto kapag natugunan ng estudyante ang mga sumusunod na itinatakdang pangangangailangan: (1) katanggap-tanggap na nakompleto ang ipinakukuhang alternatibong kurso na naaprubahan na ng tagapamahalang lupon (governing board) ng Distrito, kung saan pumasok ng paaralan ang estudyante, o ng Distrito na may hurisdiksiyon sa estudyante, ayon sa pagkakatukoy sa kanyang IEP, (ii) katanggap-tanggap na natugunan niya ang kanyang mga tunguhin at layunin sa high school ayon sa pagkakatukoy sa kanyang IEP, (iii) katanggap-tanggap ang pagpasok niya sa mga klase ng high school, lumahok siya sa instruksiyon na inirerekomenda sa kanyang IEP, at natamo niya ang mga layunin na nasa pahayag ng mga serbisyo sa paglipat (statement of transition services).
Kuwalipikadong sumali ang estudyante na makakukuha ng Sertipiko ng Pagkompleto sa anumang seremonya ng pagtatapos at anumang gawain ng paaralan kaugnay ng pagtatapos, kung saan kuwalipikadong lumahok ang nagtatapos na ka-edad na estudyante na walang kapansanan. Ang karapatang lumahok sa seremonya ng pagtatapos ay hindi nangangahulugan na magkapareho ang sertipiko ng pagtatapos sa diploma ng high school. (Polisya ng Lupon ng SFUSD 6146.1)
This page was last updated on October 28, 2022