4.8 Mga Permit para sa Pagtatrabaho (Work Permit)

Mga Permit para sa Pagtatrabaho (Work Permit)

Itinatakda ng batas na magkaroon ang mga mag-aaral na may edad 14 hanggang 17 ng Permiso para sa Pagtatrabaho para ma-empleyo. 

Ipinagkakaloob ang Work Permit sa mga mag-aaral ng SFUSD ng   

Transcript & Work Permit Office
20 Cook Street, Room 11
San Francisco, CA 94118
Phone: 415-750-4500 x1020

Ipinoproseso ang mga Work Permits para sa mga estudyante ng SFUSD sa pamamagitan ng online na sistema, ang Informed K12. Upang makapag-apply para sa work permit, pumunta sa website ng Mga Transcript, Rekord ng Estudyante at Permit sa Pagtatrabaho (Transcripts, Student Records & Work Permits) ng SFUSD na nasa sfusd.edu/records, i-klik ang seksiyon na Work Permit at i-klik ang link at nang masimulan ang aplikasyon

PAKITIYAK NA MABABASA ANG BUONG SEKSIYON UKOL SA WORK PERMITS PARA MAKUHA ANG KOMPLETONG MGA INSTRUKSIYON.

Para makompleto ang online na aplikasyon, kailangan ng estudyante ng sumusunod na impormasyon:

  • Para sa mga layunin ng pagtiyak ng identidad, kailangang gamitin ng estudyante ang email address sa SFUSD.
  •  Kailangan ilagay ng estudyante ang magkaibang mga email address na para sa magulang/tagapatnubay  AT sa superbisor/taga-empleyo - hindi ipoproseso ang mga aplikasyon na wala ang impormasyong ito
  •  Ilagay ang unang pangalan at apelyido nang eksaktong-eksakto sa pagkakasulat nito sa social security card (kard mula sa panlipunang seguridad) ninyo
  • Numero sa Social Security (panlipunang seguridad)
  •  Patunay ng pagkaka-enroll at mga grado (kopya ng pinakahuling report card o ulat ng mga asignatura at marka, kasama na ang pagpasok sa klase)

May makukuhang impormasyon online tungkol sa mga pederal at pang-estadong batas sa paggawa para sa mga kabataang manggagawa sa: https://www.cde.ca.gov/ci/ct/we/workpermitsforstudents.asp

This page was last updated on November 14, 2022