4.9.5 Abiso ukol sa mga Pang-edukasyon na Applications/ Tools

Abiso ukol sa mga Pang-edukasyon na Applications/ Tools

Natukoy na ng mga Departamento ng Teknolohiya, Kurikulum, Pagtuturo, at Espesyal na Edukasyon ang mahahalagang pang-edukasyon na kasangkapan, kung saan kailangan namin ng permiso ng tagapatnubay para magamit sa inyong estudyante. Layunin ng abiso na ito na mabigyan ng impormasyon ang mga magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga na magkakaroon ng akses ang inyong anak sa paggamit ng isa o higit pa sa sumusunod na applications bilang kasangkapang pang-edukasyon, maliban na lamang kung magsusumite kayo ng nakasulat na abiso ng hindi pagsali (opt-out notice). Kung ayaw ninyong magkaroon ng akses ang inyong anak sa anumang aplikasyon o sa lahat ng aplikasyon, mangyaring magpadala ng nakasulat na abiso tungkol sa hindi paggamit sa guro sa klasrum o sa principal ng inyong anak. Ang applications na ito ay: 

  • Adobe Creative Cloud at Creative Cloud Express
  • Britannica, na sanggunian na nasa internet
  • Code.org, na kasangkapan sa may interaksiyong pag-aaral
  • Common Sense Media, na kasangkapan, na digital o sa pamamagitan ng internet na kasangkapan ng ahensiya ukol sa kurikulum
  • Data Commons API, na aklatan ng datasets (koleksiyon ng datos) para sa kurikulum ukol sa data science (paggamit ng siyentipikong paraan para sa pangongolekta ng datos)
  • Desmos, na kasangkapan sa matematika
  • EdPuzzle, na kasangkapan sa pagtatasa o assessment
  • EduBlocks, na kasangkapan sa pagpoprograma
  • Explain Everything Whiteboard, na kasangkapan para sa whiteboard
  • Gale in Context, na sanggunian na nasa internetGeoGebra, na kasangkapan sa matematika
  • GoFormative, na kasangkapan sa pagtatasa o assessment
  • Google Colab, na kasangkapan sa pagkuha ng mga tala at pagpoprograma
  • Green Guardians, na mapagkukunan ng tulong at impormasyon para sa kaalamang nauukol sa kapaligiran
  • Hoopla, na kasangkapan para sa eBook
  • Kahoot,, na kasangkapan sa pagtatasa o assessment
  • Kaggle, na kapaligiran para sa pagproggrama at data science (paggamit ng siyentipikong paraan para sa pangongolekta ng datos)
  • Khan Academy, na kasangkapan sa may interaksiyong pag-aaral
  • KQED Learn/KQED Teach, na nagtataglay ng mapagkukunan ng tulong at impormasyon ukol sa siyensiya
  • Loom, na kagamitan para sa pakikipagkomunikasyon gamit ang bidyo
  • Miro, na kasangkapan para sa whiteboard
  •  New Visions CloudLab, na mga kasangkapan upang maging produktibo Padlet, na kasangkapan para sa pakikipagkolaborasyon
  • PBS Learning Media, na nagtataglay ng mapagkukunan ng tulong at impormasyon   ukol sa siyensiya
  •  PearDeck, na kasangkapan sa pagtatasa o assessment
  •  PhET Simulations, na imitasyon sa pisika (physics simulation)
  •  Scratch, na kasangkapan sa pagpoprograma
  •  Scratch, Jr na kasangkapan sa pagpoprograma
  • SERP Interactives, na kasangkapan sa imitasyon sa pisika (physics simulation)
  •  SIRS Discoverer at SIRS Issue Researcher, na sanggunian na nasa internet
  •  Sprocket, na kasangkapan sa pamamahala sa kurikulum curriculum management tool
  •  Socrative, na kasangkapan sa pagtatasa o assessment
  •  Sutori, na kasangkapan sa pagtuturo  
  • TinkerCAD, na kasangkapan sa pagmomodelong 3D
  • WGBH Interactives, na nagtataglay ng mapagkukunan ng tulong at impormasyon ukol sa siyensiya

Para sa pinakabagong impormasyon ukol sa applikations na ito, pakibisita ang Aprubadong webpage na Mga Kasangkapan Apps na nasa Internet para sa mga Estudyante ng SFUSD (Digital Tools & Apps for SFUSD Students).
 

This page was last updated on November 14, 2022