6.3.4 Due Process o Makatarungang Pagpapatupad ng Batas sa Suspensiyon

Due Process o Makatarungang Pagpapatupad ng Batas sa Suspensiyon

(Polisiya ng Lupon at Administratibong Regulasyon 5144.1)

Tinatanggal ng suspensiyon ang estudyante mula sa kanyang klasrum at/o sa kampus ng paaralan, at nagbubunga ng pagkawala ng mahalagang oras pang-akademiko ng estudyante. Hinihikayat ang estudyante na humingi ng tulong at suporta mula sa kawani na positibo ang relasyon sa kanila, at nang maka-iwas sa paggawa ng pinipiling kilos (behavior choice) na maaaring humantong sa pagpataw ng suspensiyon. Hinihikayat ang mga kawani na manghimasok at magkaloob ng suporta at/o proseso ng panunumbalik upang matulungan ang (mga) estudyante na huwag nang palakihin ang mga hindi magandang pag-uugali at mabigyang-kalutasan ang anumang tunggalian o hindi magandang asal na maaaring humantong sa suspensiyon o pagsangguni para sa expulsion.

Hurisdiksiyon para sa Suspensiyon 

(Kodigo sa Edukasyon ng CA 48900(s))

Walang estudyante na masususpinde o mapatatalsik para sa alinman sa mga aksyon na nakalista sa itaas, maliban na lamang kung ang aksyon ay kaugnay ng aktibidad sa paaralan o pagpasok sa klase, at naganap sa loob ng paaralan na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng superintendente o principal, o naganap sa loob ng iba pang pampaaralang distrito. 

Maaaring masuspinde o mapatalsik ang  estudyante para sa mga aksyon na nakalista sa Kodigo sa Edukasyon ng Estado 48900 at kaugnay sa aktibidad ng paaralan o pagpasok sa paaralan at naganap sa anumang panahon, kasama na ang mga sumusunod, bagamat hindi nalilimitahan sa mga ito:

  • a. Habang nasa nasasakupan ng paaralan.
  • b. Habang papunta sa paaralan o pauwi mula sa paaralan.
  • c. Sa panahon para sa tanghalian (lunch period), nasa kampus man o wala.
  • d. Habang papunta sa, o pabalik mula sa, isang aktibidad na itinataguyod ng paaralan.

Suspensiyon na Ipinapataw ng Guro/ Kinakailangang Nararapat na Proseso 

(Kodigo sa Edukasyon ng CA 48910)

Pinakamarami nang Posibleng Araw ng Suspensiyon:

Sinumang guro o kapalit na guro ay maaaring magsuspinde mula sa kanyang klasrum para sa araw ng suspensiyon, pati na rin ang susunod na araw, para sa alin man sa mga aksyon na nakalarawan sa Kodigo sa Edukasyon ng Estado 48900.

Pakikipagkumperensiya sa Magulang/Tagapatnubay/Tagpag-alaga

Ang guro na nagpataw ng suspensiyon ay kailangang agad na i-ulat ang suspensiyon sa principal ng paaralan at ipadala ang estudyante sa principal para sa naangkop na aksyon. Hihilingin ng guro sa magulang/ tagapatnubay/ tagapag-alaga ng estudyante na dumalo ng kumperensiya sa pagitan ng magulang/tagapangalaga-tagapag-alaga – guro tungkol sa suspensiyon.

Pagbisita sa Klasrum

Kung makatwiran, maaring hilingin ng guro, sa magulang/ tagapatnubay/tagapag-alaga  na dumalo sa klasrum kung saan nasuspinde ang kanilang anak ng guro para sa mga paglabag, kaugnay ng pagsuway, panggagambala, paggawa ng mahalay na aksiyon, at/o palaging pagmumura o pambabastos. Kung gusto ng guro na bisitahin ng magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga ang klasrum, magpapadala ang principal ng nakasulat na liham sa magulang/ tagapatnubay/tagapag-alaga na nagsasaad na alinsunod sa batas (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48900.1) ang pagdalo ng magulang/tagapatnubaytagapag-alaga.  Naangkop lamang ang itinatakdang pangangailangan na ito sa magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga na nakatira sa tahanan kasama ang estudyante.

Titiyakin ng guro na makikipagkita ang principal o itinalaga nito sa magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga matapos na makompleto ang pagbisita sa klasrum at bago lisanin ang paaalan. Makikipag-ugnay ang principal o itinakda nito sa mga magulang/ tagapatnubay/ tagapag-alaga na hindi tutugon sa kahilingan ng guro na pumunta sila sa paaralan. Susundin ng principal o itinalaga nito ang mga patakaran alinsunod sa seksiyon na ito. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48900.1)

Mga Suporta sa Panahon ng Suspensiyon na Isinasagawa sa Paaralan (In-School Suspension)

Kailangang magkaroon ng mga hindi nagbabagong opsiyon sa loob ng paaralan para sa mga estudyante na nasuspinde ng guro, kung saan ang mga opsiyong ito ay may kasamang matinding superbisyon ng kawaning may mga kredentiyal,  pagpapayo sa pag-uugali, at pagtatapos ng gawaing pampaaralan ayon sa itinatakda ng Kodigo sa Edukasyon ng CA 48911.1. 

Suspensiyong Ipinapataw ng Principal/ Kinakailangang Nararapat na Proseso 

(Kodigo sa Edukasyon ng CA 48911)

Pinakamarami nang Araw ng Suspensiyon:  

Nililimitahan ang haba ng suspensiyon na ipinapataw ng Principal sa 5 magkakasunod na araw para sa anumang iisang insidente, nang hanggang sa pinakamalaki nang pinahihintulutang 20 araw ng pagpasok sa kanuuan ng akademikong taon.

Kailangang magawa ang rekomendasyon para sa expulsion (mahabang suspensiyon) nang hindi lalampas sa ika-limang araw ng suspensiyon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48903)

Impormal na Kumperensiya:  

Bago suspindihin ang estudyante, magdaraos ang principal o kanyang itinalaga ng impormal na kumperensiya kasama ng estudyante, o kung magagawa, kasama ng guro, superbisor, o kawani ng paaralan na nagsangguni sa estudyante sa principal. Sa impormal na kumperensiya, ipagbibigay-alam sa estudyante ang dahilan ng aksiyong pandisiplina at ang ebidensiya laban sa kanya, at bibigyan siya ng pagkakataon na magharap ng kanyang bersiyon at ebidensiya para sa kanyang depensa. 

Sitwasyong Emergency:  

Posibleng masuspindi ang estudyante nang walang kumperensiya kapag nagpasya ang principal o ang kanyang itinalaga na mayroong sitwasyong pang-emergency. Ang sitwasyong pang-emergency, ay isang sitwasyon na natukoy ng principal, itinalaga ng principal, o superintendente, na nagdudulot ng malinaw at nariyan nang panganib sa buhay, kaligtasan o kaligtasan, o kalusugan ng mga estudyante  ng kawani ng paaralan.

Kapag sinuspinde ang estudyante nang walang kumperensiya bago ang suspensiyon, ipagbibigay-alam kapwa sa magulang/ tagapatnubay/tagapag-alaga at sa estudyante ang karapatan ng estudyante para sa gayong kumperensiya, at ang karapatan ng estudyante na bumalik sa paaralan para sa layunin ng pagdalo sa kumperensiya. 

Isasagawa ang kumperensiya sa loob ng dalawang araw ng pagpasok, maliban na lamang kung iwinawaksi ng estudyante ang karapatang ito, o pisikal na hindi makararating sa anumang dahilan, kasama na ang pagkakakulong o pagpapa-ospital, bagamat hindi nalilimitahan sa mga ito. Kung gayon, isasagawa ang kumperensiya kapag pisikal na kakayanin na ng estudyante na makabalik sa paaralan para sa kumperensiya. 

Abiso ng Pagkakasuspinde:  

Sa panahon ng suspensiyon, gagawa ng makatuwirang pagsusu-mikap ang kawani ng paaralan na makipag-ugnay sa magulang o tagapangalaga ng estudyante, harapan man o sa pamamagitan ng telepono. Kung hindi maabot ang magulang/ tagapatnubay/ tagapag-alaga, mananatili ang estudyante sa kampus hanggang sa maugnayan ang magulang/ tagapatnubay/ tagapag-alaga o hanggang sa dulo ng araw ng pagpasok. Kapag nasususpinde ang estudyante sa klase, ipinagbibigay-alam sa magulang o tagapatnubay ang tungkol sa suspensiyon sa pagsulat.

Kumperensiya para sa Muling Pagpasok:

Makatatanggap ang bawat estudyante na nasuspinde sa paaralan ng kumperensiya para sa muling pagpasok at plano para sa interbensiyon na bubuuin kasama ang estudyante at (mga) tagapatnubay/magulang, at kasama sa planong ito ang malinaw at nagawan ng dokumentasyon na mga ekspektasyong akademiko at inaasahang pag-uugali para sa estudyante, at anumang karagdagang serbisyo at suporta na ipagkakaloob ng kawani ng paaralan para matulungan ang estudyante na matugunan ang mga ekspektasyong iyon. Tutugunan ng magulang/ tagapatnubay, nang hindi naaantala, ang anumang kahilingan mula sa mga opisyal ng paaralan, na dumalo sa kumperensiya para sa muling pagpasok, bagamat ang pagkabigo ng magulang na makalahok ay hindi makapipigil sa estudyante sa pagpasok matapos ang suspensiyon, at hindi rin nito mapipigilan ang paaralan at ang estudyante sa pagdaraos ng kumperensiya o pagbuo ng plano para sa interbensiyon.   

Pagsususpinde Habang Ipinoproseso ang Expulsion (Mahabang Suspensiyon):  

Sa kaso kung saan iprinoproseso ang expulsion (mahabang suspensiyon) sa anumang paaralan, maaaring pahabain pa ng Superintendente o kanyang itinalaga ang haba ng suspensiyon hanggang sa maibigay ng Lupon ang pinal na desisyon nito sa aksyon. 

Maaari lamang ipagkaloob ang ekstensiyon ng suspensiyon habang hinihintay ang desisyon ng Lupon ukol sa expulsion kapag natukoy ng Superintendente o ng kanyang itinalaga (Dibisyon para sa Pagbibigay-Suporta sa Mag-aaral, Pamilya at Komunidad), matapos ang pulong kung saan naimbitahan para lumahok ang estudyante at ang magulang/tagapatnubay, na ang pagpunta ng estudyante sa klase ay magdudulot ng panganib sa mga tao o pag-aari o magbabanta ng paggambala sa proseso ng instruksiyon. 

Mga Kabataang Foster (nasa pangangalaga ng pamahalaan) o Homeless (walang tahanan): Kailangang abisuhan ang abugado at kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng bata (child welfare agency) o ang tagapag-ugnay (liaison) ng estudyanteng homeless tungkol sa mga isinasagawang aksiyon ukol sa expulsion (mahabang suspensiyon) at imbitahan ang mga ito na lumahok sa miting para sa pagpapahaba ng suspensiyon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48853.5, 48911).

Sentro para sa Pagpapayo (Counseling Center)

Hanggang sa makakayanan, pahihintulutan ang estudyante na sumunod sa suspensiyong dapat isagawa, sa labas ng paaralan sa halip na sinusunod ang suspensiyon sa tahanan, sa: Pupil Services Counseling Center 

SFUSD Counseling Center

44 Gough Street, Suite 107
San Francisco, CA 94103  
Phone: (415) 241-6024 or (415) 241-6038 
Fax: (415) 621-1567 

Homework o Takdang Aralin / Mga Assignment o Takdang Gawain  

Titiyakin ng principal (punong-guro) at ng itinakda nito na pagkakalooban ng guro ng estudyante ang estudyante ng homework, na sa ibang pagkakataon, ay naibigay na sa estudyante. Kapag hiniling ang homework at ibinigay ito sa guro ng estudyante, sa panahon man ng pagbabalik ng estudyante mula sa suspensiyon o sa loob ng takdang panahon ng orihinal na itinakda ng guro, alin man ang mas nahuhuli, at hindi ito nabigyan ng grado sa pagtatapos ng akademikong term, hindi isasama ang homework na takdang gawain sa kalkulasyon ng pangkalahatang grado ng estudyante sa klase. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48913.5)

Posibleng itakda ng guro sa anumang klase kung saan suspendido ang estudyante na kompletuhin ng estudyante ang anumang takdang gawain at eksameng hingi nagawa at nakuha sa panahon ng suspensiyon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48913)

Paglilingkod sa Komunidad (Community Service):  

Bilang bahagi ng aksyong pandisiplina o bilang kapalit nito, maaaring itakda sa estudyante ng principal ng paaralan o ng itinalaga nito, na magkaloob ng serbisyo sa komunidad o sa nasasakupan ng paaralan, o kapag may nakasulat na permiso ng magulang o tagapangalaga ng estudyante, sa labas ng nasasakupan ng paaralan, mga oras na wala ang estudyante sa paaralan (non-school hours). Inirerekomenda na isama sa lapit na ito ang lapit na Mga Gawain sa Panunumbalik (Restorative Practices) kagaya ng kumperensiya kung saan mailalarawan ng estudyante at iba pang miyembro ng komunidad sa paaralan ang pinsalang nagawa, makagagawa ng plano para magtaguyod ng positibong pag-uugali sa hinaharap, at muling mapasama ang estudyante sa paaralan at sa klasrum. 

Kasama sa “paglilingkod sa komunidad” ang trabahong ginagawa sa komunidad o sa nasasakupan ng paaralan para sa pagpapaganda ng paligid, pagpapabuti pa ng komunidad o ng kampus, at mga programa para sa pagtulong sa mga guro, kapwa estudyante o kabataan, bagamat hindi nalilimitahan sa mga ito. Hindi naaangkop ang seksiyong ito kung nasuspinde na ang estudyante habang ipinoproseso pa ang expulsion, alinsunod sa Seksiyon 48915. 

Kahilingan ng Magulang/Tagapatnubay/Tagapag-alaga na Makipagmiting upang Talakayin ang Pagkakasuspindi ng Estudyante

Bilang naaayon sa Kodigo sa Edukasyon ng Estado ng CA 48914, kapag ipinag-utos ang suspensiyon ng principal alinsunod sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 48900, puwedeng humiling ng miting ang magulang/tagapatnubay/ tagapag-alagapara talakayin ang:

  1. Dahilan ng pagkakasuspindi,
  2. Haba ng suspensiyon,
  3. Ang kasangkot na polisiya ng paaralan/ distrito, at 
  4. Iba pang mahahalagang bagay na nauukol sa suspensiyon.

Mga Estudyante ng Espesyal na Edukasyon:

Para sa karagdagang mga karapatan, mangyaring sumangguni sa “Mga Patakaran para sa Suspensiyon at Expulsion sa mga Estudyante ng Espesyal na Edukasyon” na nasa tsapter 6.3.7.

This page was last updated on October 28, 2022