6.3.6 Mga Regulasyon at Patakaran sa Mahabang Suspensiyon (Expulsion)

Mga Regulasyon at Patakaran sa Mahabang Suspensiyon (Expulsion)

Tsart para sa Expulsion (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915)

Puwede ninyong ma-download ang Brochure na Know Your Rights (Alamin ang Inyong mga Karapatan) na naglalagom sa impormasyong ito.

Pagsangguni para sa Ipinag-uutos ng Suspensiyon at Expulsion

Ipinag-uutos ng Kodigo sa Edukasyon ng Estado ng California na agad na suspindihin at isangguni para sa expulsion ang sinu-mang estudyante na gumawa ng mga sumusunod na paglabag. 

  • Pagkakaroon, pagbebenta o pagbibigay ng pumuputok na armas (firearm). Naangkop lamang ang seksiyon na ito sa pagkakaroon ng pumuputok na armas kapag napatunayan ng empleyado ng pampaaralang distrito ang pagmamay-ari (hindi nangangailangan ng ipinag-uutos na suspensiyon/expulsion ang pagkakaroon ng imitasyon na armas, pero maaaring maging batayan ito ng diskresiyonaryo o ayon sa pasya ng awtoridad na suspensiyon o expulsion)  – Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (c)(1).
  • Pagwawasiwas ng patalim sa ibang tao– Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (c)(2).
  • Labag sa batas na pagbebenta ng kontroladong sangkap – Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (c)(3).
  • Seksuwal na pag-atake o pagtatakang seksuwal na pag-atake o seksuwal na pang-aabuso o pagtatangka ng seksuwal na pang-aabuso– Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (c)(4) at 48900 (n).
  • Pagkakaroon ng pampasabog– Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (c)(5).

Matapos mapag-alaman na ginawa ng estudyante ang isa sa mga paglabag na nasa itaas, ipag-uutos ng Lupon na mabigyan ng expulsion (mahabang suspensiyon) ang estudyante nang isang taon simula sa petsa ng expulsion.  

Mala-Ipinag-uutos o Quasi-Mandatory na Pagsangguni para sa Expulsion (Maliban na lamang Kung Magpaspasya ang Principal na Hindi Naaangkop)

Ipinag-uutos ng Kodigo sa Edukasyon ng Estado ng California na isasangguni para sa expulsion ang sinumang estudyante na gagawa ng mga sumusunod na paglabag maliban na lamang kapag nagpasya ang pincipal na hindi dapat irekomenda ang expulsion nang dahil sa mga pangyayari o kalagayan, o na matutugunan na ang mga pag-uugali sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan ng pagwawasto:

  • Nagdulot ng seryosong pisikal na pinsala sa ibang tao, maliban na lamang kung dahil sa pagtatanggol sa sarili– Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (a)(1). 
  • Pagkakaroon ng anumang patalim o mapanganib na bagay na wala namang makatuwirang gamit sa estudyante– Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (a)(1)(B).
  • Labag sa batas na pagkakaroon ng anumang kontroladong sangkap (maliban sa unang paglabag para sa hindi hihigit sa isang onsa ng marijuana, bukod sa konsentradong cannabis, o pagkakaroon ng nabibili nang walang reseta na medikasyon para magamit ng estudyante batay sa medikal na dahilan o medikasyon na inireseta sa estudyante ng doktor) – Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (a)(1)(C).
  • Pagnanakaw o pangingikil – Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (a)(1)(D) at 48900 (e).
  • Pag-atake o pambubugbog sa sinumang empleyado ng paaralan– Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915 (a)(1)(E).

Kailangang nakabatay ang desisyon na expulsion sa pagkakatuklas sa isa o dalawa sa mga sumusunod:

  1. Hindi magagawa ang iba pang pamamaraan ng pagwawasto o nabigo na ang mga ito na magbunsod ng wastong asal; o
  2. Dahil sa kalikasan ng aksiyon, nagdudulot ang pananatili ng estudyante ng patuloy na panganib sa pisikal na kaligtasan ng estudyante o ng iba pa. 

Pagsangguni para sa Diskresyonaryong Expulsion

Ang mga pagsangguni para sa expulsion nang dahil sa iba pang paglabag na nakalista sa Kodigo sa Edukasyon ng CA Seksiyon 48900, 48900.2, 48900.3, 48900.4, 48900.7, ay maaaring magawa sa diskresyon o pasya ng principal. (Tingnan ang g) Mga Polisiyang Pederal at Pang-estado para sa buong listahan ng mga paglabag). Gayon pa man, hindi puwedeng irekomenda ang estudyante para sa expulsion nang batay lamang sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 48900(k).

Ang desisyon ng expulsion (mahabang suspensiyon) para sa isa sa mga paglabag na ito ay kailangang nakabatay sa pagkakatuklas sa isa o dalawa sa mga sumusunod: 

  1. Hindi magagawa ang iba pang pamamaraan ng pagwawasto o nabigo na ang mga ito na magbunsod ng wastong asal; o
  2. Dahil sa kalikasan ng aksiyon, nagdudulot ang pananatili ng estudyante ng patuloy na panganib sa pisikal na kaligtasan ng estudyante o ng iba pa. 

Proseso ng Pagdinig para sa Expulsion o Mahabang Suspensiyon 

A.  Petsa ng Pagdinig: 

Isasagawa ang pagdinig para sa expulsion sa loob ng tatumpung (30) araw ng pagpasok mula sa petsa na nagpasya ang principal o ang superintendente na nakagawa ang estudyante ng anumang aksyon na nangangailangan ng expulsion. 

  1. May karapatan ang estudyante, magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga para sa isang (1) pagpaliban na hindi dapat lumampas sa tatlumpung (30) araw ng kalendaryo matapos ang abiso mula sa magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga.
  2. Kapag hindi tumugon ang magulang/tagapaatnubay/ tagapag-alaga sa abiso na humihiling ng pagdinig para sa expulsion, puwedeng isagawa ang pagdinig, piliin man o hindi ng estudyante, o ng magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga na dumalo.

B.  Abiso para sa Pagdinig: 

Ipadadala ang nakasulat na abiso ng pagdinig sa estudyante nang hindi bababa sa 10 araw ng kalendaryo bago ang petsa ng pagdinig. 

Kasama sa abiso ang:

  1. Petsa at lugar ng pagdinig.
  2. Pahayag ng mga ispisipikong katunayan (facts) at mga ibinibintang na pinagbatayan ng iminumungkahing expulsion (mahabang suspensiyon).
  3. Kopya ng mga kautusang pandisiplina ng distrto na kaugnay ng sinsabing paglabag.
  4. Pagkakataon para sa estudyante, magulang/tagapatnubay/ tagapag-alaga na personal na humarap o kumuha ng abugado at maging kinatawan ito. Maaari ding magtalaga ang magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga ng kinatawan (kamag-anak, kaibigan o kawani ng ahensiya sa komunidad) para humarap sa pagdinig at magtanggol sa kanilang ngalan.
  5. Pagkakataon para ma-inspeksyon at makuha ang mga kopya ng lahat ng mga dokumento na gagamitin sa pagdinig. 
  6. Maharap at matanong ang lahat ng saksi na tetestigo sa pagdinig at makapagtanong tungkol sa lahat ng iprinisintang ebidensiya.
  7. Maaaring magharap ang estudyante ng pasalita at nakasulat na ebidensiya, kasama na ang mga saksi.
  8. Ipagbigay-alam sa estudyante at sa magulang/ tagapatnubay ang kanilang obligasyon na abisuhan sa hinaharap ang mga pampaaralang distrito ng tungkol sa expulsion, ayon sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 48915.1(b).
  9. Kung kabataang nasa pangangalaga ng gobyerno (foster) o kabataang walang tahanan (homeless) ang estudyante na isinasangguni para sa hindi-ipinag-uutos (non-mandatory) na paglabag, kailangang ipagbigay-alam ng Distrito sa abugado ng estudyante at sa kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata (para sa kabataang foster) at sa Tagapag-ugnay para sa Kabataang Walang Tahanan (Homeless Youth Liason) ang tungkol sa pagdinig, nang 10 araw ng kalendaryo bago ang petsa ng pagdinig. Puwedeng ibigay ang abisong ito sa pamamagitan ng koreo, email, o tawag sa telepono. Kailangan ding ipagkaloob ang abisong ito sa abugado ng estudyante/kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata/tagapag-ugnay ng walang tahanan para sa mga ipinag-uutos na paglabag.

C. Mga Karapatan ng Nagrereklamong Testigo (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48918.5)

Puwdeng maantala nang isang araw ng pagpasok ang pagdinig sa expulsion kaugnay ng mga alegasyon ng seksuwal na pag-atake o seksuwal na pambubugbog, at nang mapagbigyan ang mga espesyal na pangangailangang pisikal, mental, o emosyonal ng nagrereklamong testigo. 

Sa mga pagdinig sa expulsion na tumatalakay sa mga alegasyon ng seksuwal na pag-atake o seksuwal na pambubugbog, bibigyan ang nagrereklamong testigo ng kopya ng polisiya at regulasyon ng distrito ukol sa suspensiyon at expulsion, at pagpapayuhan ang testigo ng kanyang karapatan na: 

  1. Makatanggap ng abiso limang araw bago ang nakatakda niyang testimonya sa pagdinig 
  2. Magkaroon ng dalawang nakatatandang tao na magbibigay ng suporta, at kanyang pinili na dadalo sa   pagdinig sa oras ng kanyang pagtestigo 
  3. Magkaroon ng saradong pagdinig sa panahon ng kanyang pagtestigo

Habang isinasagawa ang pagdinig, magkakaroon ng kuwartong hiwalay sa hearing room (kuwarto kung saan ginaganap ang pagdinig) para sa paggamit ng nagrereklamong saksi, bago ang testimonya at sa panahon ng break o pahinga. Posibleng gawin ng taong namamahala sa pagdinig ang: pagpayag sa makatwirang panahon ng pahinga mula sa eksaminasyon at eksaminasyon ng kabilang panig (cross-examination), kung saan puwedeng lumabas ang saksi sa hearing room; (2) isaayos ang pag-upo ng mga naroroon sa loob ng hearing room at nang magkaroon ng mas hindi nakatatakot na kapaligiran para sa nagrereklamong saksi; (3) limitahan ang oras ng pagkuha ng testimonya ng nagrereklamong saksi sa mga oras kung saan karaniwan siyang nasa paaralan, kung walang magandang dahilan para kunin ang testimonya sa ibang oras; at (4) pahintulutan ang isa mga nagbibigay-suportang tao sa nagrereklamong saksi na samahan siya sa witness stand o lugar kung saan siya magbibigay ng pahayag. 

Pagpapayuhan ang nagrereklamong testigo at ang inaakusahang estudyante na huwag magkaroon ng kontak na personal o sa pamamagitan ng telepono sa isa’t isa sa panahon na hinihintay pa ang proseso ng expulsion (mahabang suspensiyon). (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48918.5)

D.  Matapos makompleto ang pagdinig para sa expulsion (mahabang suspensiyon) 

  1. Ipagbibigay-alam sa magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga at sa estudyante ang desisyong narating ng Administratibong Lupon (Administrative Panel) sa loob ng tatlong (3) araw ng pagpasok. Hindi gumagawa ng pinal na desisyon ang Administratibong Lupon sa expulsion, pero nagbibigay sila ng rekomendasyon sa Lupon ng Edukasyon kung dapat o hindi mapatalsik ang estudyante. 
  2. Kapag nagpasya ang Administratibong Lupon na huwag magrekomenda ng expulsion, ititigil ang paglilitis para sa expulsion at agad na ibabalik sa dating katayuan ang estudyante at bibigyan ng pahintulot na makabalik sa programang pang-instruksiyon sa klasrum, kung saan isinagawa ang pagsangguni (referral), maliban na lamang kung may ibang pagtatalaga ng puwesto (placement) na hiniling ng magulang/tagapatnubay ng estudyante sa pamamagitan ng pagsulat. Bago magsagawa ang magulang/tagapatnubay ukol sa pagpupuwesto ng estudyante, kukunsultahin muna ng Superintendente o ng kanyang inatasan ang magulang/tagapatnubay, at ang mga kawani ng distrito, kasama na ang mga guro ng estudyante, ukol sa iba pang opsiyon sa pagpupuwesto para sa estudyante, bukod sa opsiyon na bumalik sa programang instruksiyonal ng klasrum kung saan isinagawa ang pagsangguni ukol sa expulsion ng estudyante. Pinal na ang desisyong huwag magrekomenda ng expulsion.
  3. Kapag inirekomenda ng Administratibong Lupon na patalsikin ang estudyante, tatanggap ang estudyante agad ng pagtatalaga (assignment) sa paaralang pangkomunidad ng county o iba pang naangkop na programa bilang bahagi ng rekomendasyon sa Lupon ng Edukasyon. 
  4. Sa loob ng 40 araw ng pagpasok mula nang unang tinanggal ang estudyante sa paaralan para sa insidenteng sanhi ng pagsangguni para sa expulsion, magdedesisyon ang Lupon ng Edukasyon kung patatalsikin ang estudyante batay sa rekomendasyon ng Administratibong Lupon, maliban na lamang kung hiniling ng estudyante sa pamamagitan ng sulat na ipagpaliban ang desisyon. 
  5. Kung gusto ng estudyante at ng magulang/tagapatnubay/tagapag-alaga na makipag-usap sa Lupon bago sila gumawa ng kanilang pinal na desisyon kung patatalsikin ang estudyante, magkakaroon sila ng pagkakataon na gawin ito sa bahaging pampublikong komento (public comment) ng saradong sesyon ng Lupon ng Edukasyon sa Huwebes bago ang regular na nakatakdang pulong sa ikalawa o ika-apat na Huwebes ng buwan. Gayon  a man, hindi na diringging muli ng Lupon ng Edukasyon ang kaso.

Mga Apela ukol sa Expulsion o Mahabang Suspensiyon (Expulsion Appeal)

Posibleng i-apela ang mahabang suspensiyon (expulsion) sa loob ng 30 araw sa kalendaryo matapos ang petsa ng pinal na aksiyon ng lupon na bigyan na i-expel ang estudyante. Tingnan ang Polisiya ng Lupon ng SFUSD 1312.3 para sa mga detalye. Tingnan ang mga Form na nasa tsapter 7.12Form para sa Proseso ng Uniform Complaint (Reklamo Tungkol sa Pagkakapareho sa Pagsunod sa Batas)/Reklamo: Apela ukol sa  Mahabang Suspensiyon (Expulsion Appeal).

Sa mga apela para sa desisyon ukol sa mahabang suspensiyon, kokolektahin ng compliance officer (opisyal para sa pagpapatupad ng mga patakaran) ang pakete ukol sa mahabang suspensiyon (expulsion packet) at mga dokumentong nagbibigay ng ebidensiya, transcript (pagkakatala ng pulong),  at ang desisyon ng Lupon (Board). Ipagkakaloob ng complainant (nagrereklamo) ang impormasyon na sumusuporta sa kanilang hamon sa ilalim ng isa o higit pa sa mga pamantayan ng Kodigo sa Edukasyon ng CA 48922 at ipagkakaloob ng Distrito ang tumutugon dito na impormasyong makabuluhan. Ang complainant ang magbabayad para sa transcript ukol sa expulsion (mahabang suspensiyon),  maliban na lamang kung gagawa ng sertipikasyon ang magulang o tagapatnubay na makatwirang hindi nito kaya ang halaga ng transcript dahil sa limitadong kita, o eksepsiyonal na gastos sa mga pangangailangan o batay sa dalawang dahilang ito. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 48921)  

Ipagkakaloob ng distrito ang transcript at mga rekord sa complaince officer sa loob ng 10 araw ng pagpasok. Sa loob ng 20 araw ng pagpasok matapos matanggap ang reklamong nag-aapela sa expulsion (mahabang suspensiyon), magtatakda ang compliance officer ng petsa para makipagkita sa complainant, at nang marinig ang mga dahilan na nagbibigay-suporta sa apela, at makikipagkita rinsiya sa kinatawan ng distrito upang masubaybayan ang pamantayan para sa apela na tinukoy ng complainant. Ipadadala ang nakasulat na ulat ng imbestigasyon desisyon para sa mga apela ukol sa mahabang suspensiyon sa loob ng 23 araw ng pagpasok matapos matanggap ng distrito ang reklamo. 

 Muling Pagtanggap (Readmission) matapos Makompleto ang Expulsion (Mahabang Suspensiyon)

  • A.   Ang napatalsik na estudyante ay muling itatalaga sa isang paaralan ng distrito matapos makompleto ang panahon ng expulsion. Magsasagawa ng kumperensiya kasama ang magulang/tagapangalaga/tagapag-alaga, mag-aaaral at kawani ng Mga Serbisyo para sa Estudyante bago ang muling pagtatalaga sa paaralan ng distrito. Ang kumperensiyang ito ay Mapagpanumbalik (Restorative) ang katangian at siyang unang hakbang para sa muling pagsama sa estudyante sa isang bagong pampaaralang komunidad.
  • B.   Ang mga kautusan at regulasyon ng Lupon ng Edukasyon kaugnay ng mga patakaran para sa muling pagtanggap ay posibleng may kasamang plano para sa estudyante, kabilang na ang mga rekomendasyon para sa pagpapayo, pag-eempleyo, paglilingkod sa komunidad o mga programang pang-rehabilitasyon. Matapos ang pagtatasa ng pag-unlad ng estudyante sa ilalim ng gawong plano para sa rehabilitasyon, maaaring magpasya ang Lupon na huwag tanggapin ang estudyante.

 

This page was last updated on October 28, 2022