6.3.7 Mga Patakaran para sa Suspensiyon at Expulsion (Mahabang Suspensiyon) sa mga Estudyante ng Espesyal na Edukasyon

Mga Patakaran para sa Suspensiyon at Expulsion (Mahabang Suspensiyon) sa mga Estudyante ng Espesyal na Edukasyon

Suspensiyon

Sa pangkalahatan, maaaring suspendihin ng mga opisyal ng paaralan ang isang estudyante na kuwalipikado para sa espesyal na edukasyon gamit ang mga patakaran na sinusunod para sa mga estudyante ng pangkalahatang edukasyon. Walang eksempsiyon para sa mga estudyante ng espesyal na edukasyon sa mga pamantayan sa pagdidisiplina para sa lahat ng estudyante. 

Kapag nagsagawa ang estudyanteng nasa espesyal na edukasyon ng isa sa ipinagbabawal na kilos at gawi (Tingnan ang 6.3.2 na nasa itaas), posibleng masuspindi ang estudyante nang hindi hihigit sa 10 magkakasunod na araw. Tulad nito, posible ring masuspindi ang estudyante sa loob ng 10 pinagsama-samang araw sa serye ng mas maiiksing suspensiyon na bumubuo ng pattern o kagawian. (Mayroong pattern kapag nag-uugat ang mga suspensiyon mula sa mga pag-asal na malaki ang pagkakatulad.) 34 C.F.R. § 300.536

Ang suspensiyon na 10 o mas kaunti pang magkakasunod-o naipong mga araw ng pagpasok sa paaralan ay hindi nagbubunsod ng manifestation determination (proseso para malaman kung ang problema ay palatandaan ng kapansanan). 34 C.F.R.Kodigo ng mga Pederal na Regulasyon (Code of Federal Regulations) § 300.530(e) (2006). Ang suspensiyon na mahigit sa 10 magkakasunod na araw ng pagpasok sa paaralan o serye ng mas maiiksing suspensiyon na may kabuuang bilang na mahigit sa 10 naipon na araw ng pagpasok sa paaralan at bumubuo ng pattern o kagawian, ay nagbubunsod ng pangangailangan para sa manifestation determination. 

Ang manifestation determination ay pagpapasya kung ang pag-asal ng estudyante ay paraan ng pagpapakita ng kapansanan nito. Posibleng mapagpasyahan na manifestation o pagpapakita ang pag-asal kung: 1) Ang pag-asal ay sanhi ng, o direkta at malaki ang kaugnayan sa kapansanan, o 2) ang pag-asal ay direktang resulta ng kabiguan ng distrito na maipatupad ang IEP. 34  C.F.R. § 300.530(e). Kapag maipakita ng manifestation determination na ang pag-asal ay pagpapakita ng kapansanan ng bata, kailangang isauli ng pangkat para sa IEP ang bata (maliban na lamang kung naipatutupad ang mga probisyon ng Pansamantala na Alternatibong Lugar para sa Edukasyon o Interim Alternative Educational Setting -- tingnan ang mga pamantayan na nasa ibaba) sa nakatalagang puwesto o placement sa paaralan kung saan tinanggal ang bata, maliban na lamang kung magkakasundo ang magulang at distrito sa pagpapalit ng nakatalagang puwesto.

Kapag nagsagawa ang estudyante ng espesyal na edukasyon ng isa sa ipinagbabawal na kilos at gawi (Tingnan ang Seksiyon 6.3.2), posibleng mabigyan ng mahabang suspensiyon (expulsion) ang estudyante kung nagkaroon ng manifestation determination, at napagpasyahan ng pangkat ng ang pag-asal ng estudyante ay hindi pagpapakita ng kanyang kapansanan. 34 C.F.R. § 300.530(c). Kung hindi sumasang-ayon ang magulang/tagapatnubay sa anumang desiyon ng Distrito ukol sa pagbibigay ng puwesto, o sa manifestation determination sa ilalim ng 34 C.F.R. § 300.530(e), puwede nilang i-apela ang desisyon sa pamamagitan ng paghiling ng pagdinig sa makatarungang pagkilala ng karapatan o due process hearing. Puwedeng humiling ang Distrito ng pagdinig kung naniniwala ang Distrito na mas malamang na magbubunga ng pagkapinsala sa estudyante o sa iba pa, ang kasalukuyang nakatalagang puwesto sa estudyante. Upang makahiling ng pagdinig na due process (makatarungang pagkilala sa mga karapatan sa ilalim ng batas), kailangang mag-file ang humihiling na partido ng reklamo sa Opisina para sa mga Administratibong Pagdinig (Office of Administrative Hearings). Kapag nabigyan ang estudyante ng mahabang suspension (expulsion), may obligasyon ang distrito na patuloy na pagkalooban ang estudyante ng libre at naaangkop na pampublikong edukasyon.

Mga Kabataang nasa Pangangalaga ng Pamahalaan (Foster) o Walang Tahanan (Homeless) 

Kapag nagsagawa ng manifestation determination para sa isang estudyante na foster o walang tahanan para sa isang hindi ipinag-uutos na paglabag, iimbitahin ang abugadong estudyante at ang kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata (para sa mga kabataang foster) o ang Tagapag-ugnay para sa mga Kabataang Walang Tahanan, para makalahok sa pulong. Maaaring ibigay ang imbitasyon sa pamamagitan ng koreo, email o tawag sa telepono. Para sa mga ipinag-uutos na mga paglabag, maaari ding ipagkaloob ang Abiso sa abugado ng estudyante/ kinatawan ng ahensiya para sa kapakanan ng mga bata/ tagapag-ugnay para sa walang tahanan.

Pansamantala na Alternatibong Lunan na Pang-edukasyon: 

Kung kasama sa paglabag sa patakaran na ginawa ng estudyante ang pagkakaroon ng droga o sandata, o ang pagdudulot ng malubhang pinsala sa katawan ng ibang tao, ayon sa pagbibigay-depinisyon ng batas, posibleng magpasya ang pampaaralang distrito, matapos ang miting para sa IEP, at nang wala nang ibang kinokonsulta, na ilipat ang estudyante sa 45-araw ng pagpasok sa klase na pansamantalang puwesto sa paaralan, anuman ang maging resulta ng manifestation determination (proseso para malaman kung ang problema ay palatandaan ng kapansanan). 34 C.F.R. Kodigo ng mga Pederal na Regulasyon (Code of Federal Regulations) § 300.530(g)
 

 

This page was last updated on October 28, 2022