Polisiya sa Hindi Pagkakaroon ng Diskriminasyon (Nondiscrimination Policy) at Pahayag
Hangad ng Lupon sa Edukasyon (Board of Education) na magkaloob ng ligtas na kapaligiran sa paaralan, kung saan pinahihintulutan ang lahat ng estudyante na magkaroon ng pantay na pamamaraan at oportunidad upang makakuha ng mga programa, serbisyo, at gawaing akademiko at iba pang pang-edukasyong suporta ng Distrito. Magiging malaya ang mga paaralan, programa, aktibidad, at gawain ng distrito mula sa labag sa batas na diskriminasyon, kasama na ang may diskriminasyon na pagha-harass o panliligalig, pananakot, at pambu-bully o pang-aapi na nakatuon sa sinumang estudyante, batay sa aktuwal o inaakalang lahi, kulay, mga ninuno, bansang pinagmulan, nasyonalidad, etnisidad, identipikasyon sa etnikong pangkat, edad, relihiyon, katayuan sa pag-aasawa o pagiging magulang, pisikal na kapansanan o kapansanan sa isip, kasarian, seksuwal na oryentasyon, gender o kasarian, identidad ng kasarian, o ekspresyon ng kasarian; o henetikong impormasyon o dahil sa kaugnayan ng tao sa indibidwal o pangkat na nagtataglay ng isa o higit pa sa mga aktuwal o inaakalang katangiang ito.
Ipatutupad ang polisiyang ito sa lahat ng aksiyon na kaugnay ng aktibidad ng paaralan o sa pagpasok sa paaralan na nagaganap sa loob ng paaralan ng Distrito, at sa mga aksiyon na nagaganap sa labas ng kampus o sa labas ng mga aktibidad na may kaugnay sa paaralan o itinataguyod ng paaralan, pero posibleng may epekto o lumilikha kung saan namamayani ang galit o hostile environment sa paaralan. (Sipi mula sa Polisiya ng Lupon ng SFUSD 5145.3)
Kung naniniwala kayong nakaranas kayo ng diskriminasyon, pangha-harass, pananakot o pambu-bully, kailangan ninyong kontakin agad ang principal (punong-guro) ng paaralan at/o ang Ehekutibong Direktor (Executive Director) ng Opisina para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay o Office of Equity (ang Opisyal para sa Titulo 5 at Titulo IX ng CCR), na si Keasara (Kiki) Williams, sa 415-355-7334 o sa equity@sfusd.edu.
Kung mayroon kayong inaalala ukol sa Seksiyon 504, dapat ninyong kontakin ang principal ng inyong paaralan at/o ang Tagapag-ugnay (Coordinator) ng Distrito para sa Seksiyon 504, na si Michele McAdams sa mcadamsd@sfusd.edu
This page was last updated on October 28, 2022