7.2 Pangkalahatang Tsart Para sa Mga Patakaran sa Pagrereklamo

Pangkalahatang Tsart Para sa Mga Patakaran sa Pagrereklamo

Nagkakaloob ang tsart sa ibaba ng malawak na pangkalahatang pananaw sa iba’t ibang uri ng mga proseso sa pagrereklamo na magagamit para matugunan ang mga alalahanin. Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa mga opsiyong ito o iba pang opsiyon na maaaring wala sa tsart na ito, mangyaring makipag-ugnay sa Opisina para sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity) sa (415) 355-7334.

Patakaran sa Pagrereklamo

Ano ang nasasakop nito? 

Kontak sa Opisina ng Distrito

Uniform Complaint (Nakasulat at Pirmadong Pahayag ng Paglabag sa mga Batas at Regulasyon)

Makukuha ang form sa Tsapter 7.12
 

Apela ukol sa Pagpapatalsik (Expulsion Appeal)

Makukuha ang form sa Tsapter 7.12
 

Diskriminasyon, pangha-harasss o panliligalig, pananakot, at pambubully o pang-aapi ng sinumang estudyante batay sa aktuwal o inaakalang ninuno, lahi, kulay, kapansanan, pagpili ng kasarian (gender), identidad ng kasarian (gender identity) o ekspresyon ng kasarian (gender expression), relihiyon, kasarian, seksuwal na oryentasyon, o batay sa pakikipag-ugnay ng isang tao sa ibang tao o pangkat na nagtataglay ng isa o higit pa sa aktwal o inaakalang mga katangiang ito, sa anumang programa o gawain ng distrito na tumatanggap ng pampinansiyang tulong mula sa estado o nakikinabang sa tulong na ito. Mga reklamo na nagbibintang ng kabiguang sunod sa mga batas pederal o pang-estado hinggil sa batayang edukasyon para sa adults (nasa sapat na gulang); consolidated categoral aid programs (mga partikular na programang tumatanggap ng pera mula sa mga pamahalaang pederal at pang-estado), edukasyong pang-migrante, bokasyonal na edukasyon, mga programa para sa pangangalaga sa mga bata at kanilang pag-unlad, mga programa sa espesyal na edukasyon, at hindi pagsunod sa mga batas hinggil sa mga bayarin ng mga estudyante.

Paghamon sa expulsion batay sa Kodigo sa Edukasyon 48922 (kumilos ang lupon nang labis sa hurisdiksiyon nito; hindi makatarungang pagdinig; may hindi matwid na pang-aabuso ng kapangyarihang magpasya; makabuluhan o materyal na ebidensiya na hindi mapasulpot o hindi makatwirang hindi naisama)

Dapat i-file ang mga reklamong nagbibintang ng hindi pagsunod sa pederal o pang-estadong mga batas o regulasyon na may kaugnayan sa pagkakaloob ng libre at naaangkop na pampublikong edukasyon (free appropriate public education, FAPE) sa mga estudyanteng may kapansanan sa Departamento ng Edukasyon (Department of Education) ng California o sa Opisina para sa mga Administratibong Pagdinig (Office of Administrative Hearings). 

Office of Equity 

555 Franklin Street, Room 306
San Francisco, CA  94102
(415) 355-7334

Kontak:  Keasara Williams Ehekutibong Direktor (Executive Director), Opisina para sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity at Tagapag-ugnay para sa Title IX  (Title IX Coordinator)

Mga Patakaran para sa Williams Uniform Complaint (pagrereklamo na nakabatay sa reklamo nina Eliezer Williams at iba pa laban sa estado ng California ukol sa ng pantay na akses sa materyales sa pagtuturo, ligtas, at maayos na pasilidad at gurong kuwalipikado)

Makukuha ang form sa Tsapter 7.12

 

Mga TK-12 na reklamong nagbibintang na:

  1. Hindi sapat ang mga teksbuk at mga materyales na nagbibigay-instruksiyon; 
  2. Ang mga kondisyon ng mga pang-emergency o pang-agarang pasilidad ay banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante; 
  3. Hindi napupunan ang mga puwesto para sa mga guro o mali ang pagkakatalaga sa kanila.

Mga EED na Reklamo na nagbibintang ng: 

  1. Walang lugar na may takip sa labas ng gusali o outdoor shade, na ligtas at nasa magandang kondisyon, ang preschool. 
  2. Hindi palaging may nakukuha/agad na nakukuha na inuming tubig.
  3. Bigo ang paaralan na magkaloob ng mga pasilidad para sa ligtas at malilinis na banyo 
  4. Ang mga pasilidad ng banyo ay hindi nagagamit ng mga nasa preschool at kindergarten lamang. 
  5. Bigo ang paaralan na magkaloob ng biswal na superbisyon ng mga bata sa lahat ng panahon. 
  6. Hindi maayos ang pagkakabakod, o hindi sapat, ang espayong ipinagkakaloob sa bilang ng bata na gumagamit sa espasyo sa loob o labas ng gusali
  7. Hindi ligtas, o hindi maayos ang kondisyon, o hindi naaangkop sa edad ang mga kagamitan na nasa playground.

Principal ng Paaralan o Opisina para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity)

555 Franklin Street, Room 306
San Francisco, CA  94102
(415) 355-7334
Email: equity@sfusd.edu

Pambu-bully o Pang-aapi at Pangha-harass o Panliligalig

Tingnan din ang: Mga Patakaran para sa Uniform Complaint (nakasulat at pirmadong pahayag ng paglabag sa mga batas at regulasyon na  pederal o pang-estado at inihahain sa pamamagitan ng iisang proseso), na nasa itaas

Binibigyang-depinisyon ng Kodigo sa Edukasyon  ng CA 48900(r) ang pambu-bully o pang-aapi bilang: “anumang malala o malaganap na pisikal o pasalitang gawain o pag-asal, kasama na ang pakikipagkomunikasyon na pasulat o sa pamamagitan ng elektronikong gawain, at kasama ang isa o higit pang aksiyon na ginawa ng estudyante o pangkat ng mga estudyante ayon sa pagbibigay-depinisyon ng Kodigo sa Edukasyon ng CA Seksiyon 48900.2, 48900.3, o 48900.4, na nakadirekta sa isa o higit pang estudyante, na mayroong isa o higit pang sumusunod na epekto, o makatwirang mahuhulaan na magkakaroon ng isa o higit pang sumusunod na epekto:

(A) Paglalagay sa resonableng (mga) estudyante sa posisyon kung saan natatakot silang mapinsala sila o ang kanilang ari-arian, 

(B) Pagdudulot sa resonableng estudyante na makaranas ng lubusang masamang epekto sa kanyang pisikal na kalusugan o kalusugan ng isip,

(C) Pagdudulot sa resonableng estudyante na makaranas ng malaking epekto sa kanyang akademikong pagganap, 

(D) Pagdudulot sa resonableng estudyante na makaranas ng lubusang malaking epekto sa kanyang kakayahan na makalahok, o makinabang sa mga serbisyo, gawain, o pribilehiyo na ipinagkakaloob ng paaralan

Binibigyang-depinisyon ng Administratibong Regulasyon (AR 5131.2) ukol sa Pambu-bully o Pang-aapi, at Pangha-harass o Panliligalig (Bullying & Harassment) ng SFUSD ang pangha-harass bilang “Hindi katanggap-tanggap na pag-asal na nakabatay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, pambansang pinagmulan, edad, kapansanan, o henetikong impormasyon. Kasama rin sa ipinagbabawal na pangha-harass ang intensiyonal na paggawa ng panliligalig, pagbabanta, o pananakot, na nakadirekta laban sa kawani ng pampaaralang distrito o sa mga estudyante, na sapat ang pagiging malala o pagiging mapanghimasok kung kaya’t nagkakaroon ng aktuwal o makatwiran na inaasahang epekto na talagang nakagagambala sa gawain sa klasrum, nakalilikha ng malaking kaguluhan, at nalalapastangan ang mga karapatan ng kawani ng paaralan o ng estudyante sa pamamagitan ng paglikha ng nakakapanakot o napapamayanan ng poot na kapaligiran sa edukasyon.”

Principal (Punong-guro) ng Paaralan, Guro/ Empleyado ng Paaralan, Pinagkakatiwalaang Nakatatanda o Office of Equity 

555 Franklin Street, Room 306
San Francsisco, CA  94102
(415) 355-7334

Kontak: Keasara Williams Ehekutibong Direktor (Executive Director), Opisina para sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity at Tagapag-ugnay para sa Title IX  (Title IX Coordinator)

Reklamo ukol sa Seksuwal na Pangha-harasss o Panliligalig /Titulo IX

Tingnan ang webpage na Seksuwal na Pangha-harass at Diskriminasyon Batay sa Kasarian (Sexual Harassment and Gender Discrimination, Titulo IX) 
 

Binibigyang-depinisyon ng mga regulasyon ng Titulo IX ang seksuwal na pangha-harass o panliligalig bilang pag-asal na isinasagawa batay sa kasarian, na natutugunan ang isa o higit pa sa mga sumusunod:

  1. Ang paggawa ng empleyado ng Distrito sa paglahok ng estudyante o ng indibidwal sa hindi katanggap-tanggap na seksuwal na pag-asal bilang kondisyon para sa pagkakaloob ng tulong, benepisyo, o serbisyo ng Distrito.
  2. Hindi katanggap-tanggap na pag-asal na napagpasyahan ng makatwirang tao na lubos na malala, nakapanghihimasok, o obhektibong nakasasakit, kung kaya’t epektibo nitong itinatanggi sa indibidwal ang pagkakaroon ng pantay na pagkakataong makalahok sa pang-edukasyong programa o aktibidad ng Distrito; o
  3. Seksuwal na pag-atake, karahasan sa pakikipag-date, karahasan sa tahanan, o lihim na pagsubaybay o stalking, ayon sa pagbibigay-depinisyon ng Administratibong Regulasyon 5145.7.

Nasa ilalim din ng Titulo IX ang pangha-harass o panliligalig at pambu-bully o pang-aapi batay sa kasarian.

Principal (Punong-guro) ng Paaralan, Guro/ Empleyado ng Paaralan, Pinagkakatiwalaang Nakatatanda o Office of Equity 

555 Franklin Street, Room 306
San Francisco, CA  94102
(415) 355-7334

Kontak: Keasara Williams Ehekutibong Direktor (Executive Director), Opisina para sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity at Tagapag-ugnay para sa Title IX  (Title IX Coordinator)

Reklamo Tungkol sa Paggamit ng mga Pasilidad batay sa Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan (Americans with Disabilities Act, ADA) /Pagkakaroon ng Pisikal na Pamamaraang Makakuha o Makagamit (Physical Access)

Makukuha ang form sa Tsapter 7.12

Gamitin ang prosesong ito sa pagsusumite ng pormal na reklamo tungkol sa mga pisikal na hadlang upang makakuha o makagamit ng mga programa, serbisyo, o gawain ng SFUSD sa mga pasilidad ng Distrito dahil sa kapansanan.

Office of Equity

555 Franklin Street, Room 306
San Francisco, CA  94102
(415) 355-7334

Kontak: Keasara Williams Ehekutibong Direktor (Executive Director), Opisina para sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity at Tagapag-ugnay para sa Title IX  (Title IX Coordinator)

Seksiyon 504 ng Batas para sa Pagbabagong Buhay (Rehabilitation Act) ng 1973 

Gamitin ang Uniform Complaint Procedure (nakasulat at pirmadong pahayag ng paglabag sa mga batas at regulasyon na  pederal o pang-estado at inihahain sa pamamagitan ng iisang proseso) para sa mga reklamo ukol sa diskriminasyon, pangha-harass o panliligalig, o pambu-bully o pang-aapi, batay sa kapansanan kapansanan, kasama na ang mga sumusunod: pangha-harass ng estudyanteng may kapansanan ng ibang tao; pagtanggi sa oportunidad na makalahok sa programa o gawain nang dahil sa kapansanan; iba pang uri ng magkaibang pagtrato dahil sa kapansanan.

Para sa mga hinaing o grievance na nauukol sa pagtukoy, paggawa ng ebalwasyon, o pagbibigay ng puwesto sa paaralan o programa sa ilalim ng Seksiyon 504, mangyaring makipagkita mismo sa Tagapag-ugnay ng Paaralan para sa Seksiyon 504 (School Site Section 504 Coordinator) at nang masubukan ang impormal na resolusyon. Kapag hindi nagawan ng resolusyon ng mga partido ang reklamo, pakikontak ang Opisina para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity) at nang mapasimulan ang mga patakaran/due process (makatarungang pagkilala sa mga karapatan) sa pormal na paghahain ng hinaing.

Pormal na Hinaing (Grievance): Kahilingan para sa Due Process (makatarungang pagkilala sa mga karapatan sa batas)

Office of Equity 
555 Franklin Street, Room 306
San Francisco, CA  94102
(415) 355-7334
Kontak:  Keasara Williams 
Ehekutibong Direktor, Opisina para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay (Office of Equity)

Mga reklamong nagbibintang ng kabiguang pagkalooban ang mga estudyante ng libre at naaangkop na edukasyon sa ilalim ng Batas para sa Edukasyon ng mga Indibidwal na may mga Kapansanan (Individual with Disabilities in Education Act, IDEA)
 

Nagsusumikap ang Departamento para sa mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Services Department) na matugunan ang pang-edukasyong mga pangangailangan ng bawat bata sa pamamagitan ng Programa para sa Pang-indibidwal na Edukasyon (Individualized Education Program, IEP). Gayon pa man, paminsan-minsang nagkakaroon ng mga hindi pagkakasundo. 
Kapag hindi malutas ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng Distrito at ng magulang/tagapatnubay ng esudyanteng may kapansanan sa antas ng paaralan, puwedeng humiling ang Distrito o ang magulang/ tagapatnubay ng alternatibong paglutas sa mga hindi pagkakasundo o alternative dispute resolution, pamamagitan o mediation, at/o pagdinig na may magkatarungang pagkilala sa mga karapatan sa ilalim ng batas o due process hearing, mula sa Opisina para sa mga Administratibong Pagdinig (Office of Administrative Hearings, OAH), o mag-file ng reklamo sa Departamento ng Edukasyon (Department of Education) ng California.
 

Kontak sa distrito:

Julia Martin, Ombudsperson (tagapagtaguyod ng interes ng publiko) para sa Espesyal na Edukasyon  
Email: martinj5@sfusd.edu
Telepono: 415-319-4811

Kontak para sa Espesyal na Edukasyon:

Adriana Aro, Administrador ng Programang ADR sa adr@sfusd.edu o tumawag sa (415) 823-4051.

This page was last updated on November 14, 2022